Chapter 1

1.1K 60 77
                                    


Kiva.


"Shit." Napabangon ako nang bigla akong maalimpungatan at maramdaman na wala na akong katabing bata sa kama. Nagmamadali akong tumayo at kinuha ang cellphone para tingnan kung anong oras na. 12 pm?!


"Kive!" sigaw ko sa buong bahay at tumakbo papunta sa sala para hanapin ang anak ko. Ano ba namang klaseng nanay ako!


"I'm here, Mommy!" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang maliit na boses ni Kive sa may kusina. Agad akong pumunta roon at nakita syang masayang kumakain sa mesa.


"Oh my god, Manang Linda!" Napasigaw ako nang makita kung sino ang naghanda ng pagkain para kay Kive. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya nang mahigpit.


"Kailan pa po kayo nakapunta rito?" masayang tanong ko habang nakapulupot pa rin ang mga braso sa katawan nya. "Kaninang umaga pa, anak. Naihatid ako rito ng kuya mo. Kumusta ka na ba? Kayo ni Kive, kumusta na?" 


"Kayo po ang kumusta na!"sabi ko at tumawa. "Namiss kita, 'Nang. Ang hirap ng buhay sa Paris simula no'ng umuwi ka rito sa Pinas." Tinapik nya ang balikat ko kaya naman napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at saka sya humarap sa akin.


"Pasensya ka na, Kiva, ha? Kinailangan lang talagang umuwi at alam mo naman kung anong nangyari."


Kakilala namin ni Kuya si Manang Linda simula pa lang noong mga bata kami. Ang kwento sa akin ni Nanay, sya ang tumayong magulang nya simula noong mawala sina Lolo at Lola. Sya at ang asawa nya ang nag-alaga sa kanya kahit na noong maipanganak nya si Kuya. Wala kasi silang anak kaya siguro si Nanay na lang ang inalagaan nila.


Simula noong mawala si Nanay at Tatay, parang sya na rin ang naging magulang namin ni Kuya. Hindi nya kami pinabayaan kahit na may katandaan na sya. Noong nalaman nga nyang buntis ako, kinausap nya si Kuya kung pwede nya akong samahan sa Paris. Hindi rin kasi kaya ni Kuya na alagaan ako dahil marami syang responsibilidad na ginagawa rito.


Umuwi si Manang sa Pilipinas noong nalaman nyang nagkasakit ang asawa nya. Dalawang taon pa lang ako noon sa Paris at halos kapapanganak ko pa lang kay Kive. Nakakalungkot noon at nakakapanibago, pero alam ko namang mas kailangan sya ng asawa nya. Kaya nga lang, pagkatapos ng isang taon, nawala na rin si Manong.


Buti na lang may maganda akong trabaho habang negosyo naman ang kay Kuya. Pareho naming nasusustentuhan ang mga pangangailan ni Manang kasama na ang mga bagay na gusto naming ibigay sa kanya. Kami na lang din naman ang mayroon sya. Kami na lang din ang mag-aalaga sa kanya.


"Nako po, Manang, 'wag nyo nang alalahanin yon! Tingnan nyo po si Kive oh, malaki na, 'di ba?" Nginitian nya ako at hinaplos ang buhok ko habang tinutulungan ko syang maghain.


"Ang ganda ng pagpapalaki mo sa anak mo, Kiva. Kung buhay pa sana ang Nanay at Tatay mo, paniguradong matutuwa 'yon." Napangiti ako nang maisip 'yon kahit na may bahagyang pagsikip pa rin sa dibdib ko.


Naaalala ko pa ang sinabi sa akin noon ni Nanay na gusto nyang maihatid ako sa altar kapag ikakasal na kami ni Tatin. Masakit na nga noong nawala sya, pero mas sumakit pa dahil 'yung gusto nya hindi na rin mangyayari sa aming dalawa.

Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon