Chapter 7

608 28 30
                                    


Kiva.


"Kasama ko nga si Calix!" Napasapo ako sa noo habang kausap si Kuya sa tawag. Simula yata nang makarating kami rito sa Pilipinas eh walang isang araw ang pinalagpas nya na hindi ako sinesermonan.


"Race, wag mo nang pagalitan. She's safe with me," sabi ni Calix habang nagdadrive.


"Oh ano? Okay ka na?" Narinig ko ang paghinga nya nang malalim at sa wakas ay ibinaba na ang tawag. Nag-aalala na naman syang baka makita ko si Tatin. Ewan ko ba rito sa kapatid ko. Gusto nya bang hindi na ako lumabas at tumigil na lang sa loob ng bahay? Eh kahit nga roon, hindi ako makatakas sa kaibigan nya!


"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Calix at sumulyap sa akin.


"May alam ka bang mga manufacturers ng fabric dito? Gusto ko kasi sanang tumingin para sa gagawin kong damit. Hanggang ngayon wala pa rin akong nasisimulan tapos hindi pa ako gaanong confident sa mga sketch ko. Nafu-frustrate lang talaga ako sa lahat ng ginagawa ko," kwento ko.


Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Just take your time. Wala namang nagmamadali sayo.  Besides, that's the reason why you came here... to find inspiration. 'Di ba?" Tumango lang ako at ngumiti sa kanya pabalik.


Tama. I should not pressure myself. Kung mamadaliin ko lang din naman ang sarili ko, baka hindi ko rin magustuhan 'yung magawa ko. Everything takes time and everything will fall into place in my own time and pace.


Huminga ako nang malalim at kinuha ang kamay sa pagkakahawak ni Calix. Napatingin naman sya sa akin at nailagay na lang ang dalawang kamay sa manibela.


"Kiva, nandito na tayo," sabi ni Calix pagkatapos ng dalawang oras naming byahe. Una syang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.


"Nasaan tayo?" tanong ko habang tinitingnan ang buong lugar.


"Welcome to Garments Capital of the Philippines." Napahawak ako sa damit nya at napatalon pagkarinig noon.


"You really know what I need!" Masayang sabi ko. Nakatingin lang sya sa akin at inilagay ang isang kamay sa pisngi ko. Marahan nya iyong hinaplos kaya naman natulala ako.


Ano bang mayro'n ngayon? Bakit parang kakaiba ang mga kinikilos ni Calix?


Napailing ako at nabalik sa reyalidad nang paulit-ulit kong marinig ang pangalan ko. Ilang beses na pala nya akong tinatawag pero nakatayo pa rin ako sa may pinto ng kotse. Nagmamadali akong humabol sa kanya kahit na naka-takong pa ako. Bakit ba naman kasi ito ang naisipan kong isuot!


"Sure ka bang sasamahan mo pa ako sa paghahanap? Baka matagalan ako. Pwede namang umuwi ka na," sabi ko. Sinulyapan nya lang ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.


"Okay lang. Baka mawala ka pa," sagot nya.


Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon