Chapter 8

739 37 84
                                    


Tatin.


"Nandito lang si Daddy... Hindi kita iiwan." Pagkasabi ko noon ay tumayo ako para halikan ang noo ni Kive. Kamukhang-kamukha nya talaga ang Mommy nya. Simula sa mata, sa ilong, sa labi, pati na rin tuwing ngumingiti at tumatawa sya, parang maliit na Kiva ang nakikita ko.


Uupo na sana ako pabalik sa upuan nang mapansin kong may taong nakatayo sa likuran ko. Nang tingnan ko kung sino iyon ay bumungad sa akin si Kiva... kasama ang Kuya ko. 


Nakapatong ang isa nyang kamay sa balikat ni Kiva at mahigpit na hinahawakan ito. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang daming mga tanong na umiikot sa utak ko pero ni isa sa kanila hindi ko kayang ibato.


"Tulog pa si Kive. Labas muna ako." 


Nakatingin lang sa akin si Kiva at pansin ko ang basa nyang mga mata. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at umalis na muna sa loob ng kwarto para bigyan sila ng oras.


Bakit sila magkasama ni Kuya? Kailan pa sila naging malapit sa isa't isa? Yung paghawak sa balikat at pag-aalala ng kapatid ko, alam kong may ibig sabihin 'yon.


May nangyari ba na hindi ko alam?


May dapat ba akong malaman?


Napailing ako sa pag-iisip. Umupo muna ako sa labas ng kwarto habang hinihintay ang paggising ni Kive. Paniguradong hahanapin nya ako pagkamulat nya. O baka nga hindi na. Nandito na naman ang Mommy nya.


Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto. "Gising na ba si Kive?" tanong ko kay Kiva na lumabas ng kwarto. Umiling lang sya sa akin at umupo sa tabi ko.


"Tatin," tawag nya kaya naman napaupo na lang din ako.


Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parang pareho kaming may gustong sabihin pero hindi namin magawa. Ilang beses na syang pasulyap-sulyap sa akin pero wala pa rin sinasabi kahit na isang salita.


"Hindi ka pa ba uuwi?" bigla nyang tanong. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga salita na 'yon eh parang nabasag ako. 


"Gusto mo ba?" tanong ko pabalik. Hindi sya sumagot at tinitigan lang ako na para bang dapat alam ko na ang gusto nyang sabihin. Ngumiti ako bago tumayo.


"Pakisabi na lang kay Kive nauna na ako. Nagpromise kasi ako sa kanyang nandito pa rin ako pagkagising nya eh." Hindi pa rin sumagot si Kiva. Tumango lang ako at nagdesisyon nang maglakad paalis.


Bumilang ako hanggang sampu at umasang tatawagin ulit nya pero hindi nya ginawa.


Pilit kong nginitian ang sarili ko.


Sino nga ba ako para tawagin pa nya? Ano pa bang karapatan ko sa buhay nya?


Dumiretso ako sa kwarto pagkauwi ko ng bahay. Humiga ako sa kama at tinakpan ng braso ang mga mata.

Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon