Chapter 3

1.2K 63 61
                                    


Kiva.


"Anong sabi ko sayo?" Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko habang walang tigil na naman akong sinesermonan ni Kuya. Bakit pa ba 'to nagagalit eh sinapak ko na nga 'yung kaibigan nya?!


"Kiva," galit na tono nyang tawag sa akin. Ipinatong ko ang mga braso ko sa mesa at tiningnan sya sa screen ng laptop. "Dami mong extra time para pagalitan ako ah!" Pagbibiro ko sa kanya.


"Kanina ka pa pinag-uusapan sa group chat naming magkakaibigan, alam mo ba 'yon?" Nagkibit-balikat lang ako. "Pag-uusapan talaga nila 'yon. Kung nakita mo lang kasi si Tatin kagabi. Kapal ng mukha, feeling superhero. Bangasan ko nga!"


Napahawak bigla sa noo nya si Kuya dahilan para matawa ako. "Hoy, Race Malix! Wag ka na ngang magpaka-stress dyan!"


"Paano ako hindi mase-stress? Sa airport pa lang nagkita na kayo agad. Sumunod 'yang padala nyang sapatos para kay Kive. Tapos ngayon naman, itong away nyong dalawa?" Pagnguso lang ang tangi kong nai-sagot sa kanya.


"Baka mamaya nyan malaman ko na lang na nagkabalikan na kayong dalawa." Napakunot ang noo ko at nailapit ang mukha sa screen. "Kadiri!" Sigaw ko.


"Kadiri pero nagkaroon ng Kive?" Napa-irap lang ako.


"Kuya, please! Past is past, 'no!" Depensa ko. "Wala lang magawa 'yon kaya naisipang manggulo. For sure, sa mga susunod na araw hindi ko na 'yon makikita."


"Hindi mo sigurado," sagot nya at inilabas ang cellphone sa bulsa. "I sent you a screenshot of my conversation with him last night," dagdag pa nya kaya agad kong tiningnan ang cellphone ko.


"What?!" Napasigaw ako nang mabasa iyon. "Why is he asking you about this?!" Galit kong sigaw.


Tinanong nya lang naman si Kuya kung kasal na raw ba ako. Hindi pa nga nasasagot ang tanong nya eh nagmessage sya ulit para itanong naman kung anak nya ba si Kive.


Saan nya ba nakukuha ang lahat ng kapal ng mukha?!


Biglang lumapit si Kive na hawak-hawak ang iPad at nakangiti sa akin. "Mommy, I look like Daddy!" Nagkatingnan kami ni Kuya sa screen habang ipinapakita ni Kive ang picture ni Tatin sa akin.


"No, baby. You look like Mommy," sabi ko at hinawakan ang mga pisngi nya. "But look at Daddy's shoes. It's like mine!" Tuwang-tuwa sya habang nagkukwento kaya hindi ko na rin napigilang mapangiti.


"Yan ba ang kadiri ha?" Umikot na naman ang mga mata ko at isinaradong bigla ang laptop. Bahala ka dyan, Kuya! Maya-maya pa'y nakatanggap ako ng tawag at sinagot ko iyon agad.


"Ayoko na nga kay Tatin, okay!" Sigaw ko.


"Uh... Kiva?" Nagulat ako nang ibang boses ang marinig ko. Tiningnan ko agad ang pangalan sa cellphone at biglang nahiya sa sinabi ko.


Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon