Chapter 2

1K 63 123
                                    


Tatin.


"Clive Dustin Hermoso, bobo!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw ng kaibigan ko sa kabilang linya. Kanina pa ako tinatrashtalk nito na para bang gumawa ako ng isang napakalaking kasalanang hindi ko kayang pagbayaran.


Nagbigay lang naman ako ng regalo?!


"Pre, ang tanga mo talaga! Kapag nalaman 'yan ni Race, garrote ka!" Napamasahe ako sa ulo nang maisip ang sinabi nya. Fuck, ang tanga nga talaga.


"Hindi naman siguro sasabihin 'yon ni Kiva... 'di ba?" Malakas syang tumawa at parang hindi na makahinga. "Tangina mo talaga, Seki!" sigaw ko sa kanya.


"Desisyon kasi ampota! Tinawag ka lang na Daddy tingin mo agad anak mo na?!" Napailing ako sa pagkadismaya sa sarili. "Baka mamaya may asawa na pala si Kiva tapos nang-aagaw ka ng anak dyan! Nakakahiya 'yon, pre!"


"Ibabash kita sa lahat ng social media ko, Seki, pakyu!" Tinawanan na naman nya ako at mabilis na nagpaalam nang tawagin sya ng manager nya sa set. Ang sakit nya talaga sa utak.


Binuksan ko naman ang twitter matapos iyon at agad na binisita ang profile ni Kiva. Palagi ko namang tinitingnan 'to, pero wala namang nakalagay na may asawa o kahit na ano. Kahit nga picture ng bata, wala akong makita. Baka naman hindi nya talaga anak 'yon? Baka naman nag-assume lang talaga ako?


Naipukpok ko ang ulo sa unan na nakapatong sa mga hita ko. Tatin, umayos ka naman! Hindi ka talaga marunong mag-isip kapag si Kiva na 'yung nandyan!


Bahagya akong humiga sa sofa na inuupuan ko at isa-isang tiningnan ang mga picture namin ni Kiva na natitira rito.


"Seven long years and it's still you..."


Naipatong ko ang hawak kong cellphone sa noo at sandaling pumikit para isipin kung ano nga ba ang dapat kong gawin.


Hindi ko maintindihan kung bakit sa isang simpleng pagkikita na 'yon sa airport ay magiging ganito na agad kagulo ang utak ko. Gusto ko sana syang tanungin, pero sa nangyari pa lang sa mall kahapon, mukhang bagsak na agad ako. Isama mo pa na kapatid nya ang tropa ko, talagang double dead ako!


Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa mukha at umayos nang pagkakaupo para i-chat ang mga kaibigan ko.


Messenger

La Aldea Boys


Tatin: Inom, inom!

Slate: Gago, tanghaling tapat.

Tatin: Pre, walang oras na pinipili ang alak.

Quent: Bakit? May problema ba?

Tatin: [typing]

Quent: Yung hindi sana tungkol sa babae.


Nagkaingay na naman sa group chat dahil sa panggagago ng mga kaibigan ko. Hindi talaga pwedeng matapos ang isang araw na hindi nila ako tinatarantado.

Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon