Chapter 11

954 33 30
                                    


Kiva.


Parang tumigil ang paghinga naming lahat nang madatnan kami ni Kuya sa dining table. Lahat kami ay nakatingin sa kanya habang isa-isa nyang tinititigan ang mga kasama ko ngayon. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Ni hindi man lang ako makalunok sa takot na mapagalitan nya.


Nang magtagpo ang mga mata namin ay napabuka ang bibig ko. Gusto ko nang magpaliwanag pero walang boses na lumalabas sa'kin. Halatang-halata ang pagkainis sa aura ng mukha nya at lalo pa nang mapansin kong nakatingin sya sa kung saan nakapatong ang kamay ko... sa braso ni Tatin. Mabilis kong binawi iyon kaya naman napailing sya. 


Pagkatapos ng ilang minutong pakiramdaman ay umalis sya sa harap namin. Wala syang sinabi na kahit na ano at basta na lamang umakyat. Narinig na lang namin ang pagsarado ng pinto sa taas.


Ramdam ko ang pagkadismaya nya. Kilala ko si Kuya. Kapag galit na galit yon, hindi sya nagsasalita. Pinipilit nyang pahupain ang sama ng loob nya bago makipag-usap.


Nagulat naman ako nang sabay-sabay na magtayuan ang mga kaibigan nya rito. Napatingin ako sa kanila at halata ang pag-aalala nila.


"I'm sorry, Kiva. Kailangan na yata talaga naming umuwi," sabi ni Zigs. Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Wag kang mag-alala. Ako na ang magpapaliwanag," sabi pa nya. Sya ang pinakamalapit na kaibigan ni Kuya at paniguradong sya rin ang kakausapin nya mamaya. Sana lang talaga hindi 'to pagsimulan ng away ng kahit na sino sa kanila.


Isa-isa silang nagpaalam sa akin pati na rin kay Kive bago umalis ng bahay. Tumingin ako kay Tatin na nakaupo pa rin sa tabi ko at buhat-buhat si Kive sa braso nya.


"Umuwi ka na rin," sabi ko, pero tiningnan nya lang ako.


"Tatin," tawag ko nang may pagbabanta sa boses.


"Mamaya na. Tutulungan muna kitang magligpit dito," sagot nya.


"Hindi na kailangan. Kaya ko naman." Pero hindi nya ako pinansin. "Mas magagalit si Kuya kapag nakita nyang nandito ka pa," dagdag ko.


Tinitigan nya lang ako na parang nagdadalawang-isip sa sasabihin. Pagkatapos noon ay tumayo na sya at inupo muna si Kive sa may mesa. "Baby, Daddy will go home muna," sabi nya. Nang tingnan ko si Kive ay nakanguso na ito at ayaw bitawan ang kamay ni Tatin.


"Is Tito Race angry?" nag-aalala nyang tanong. Napangiti si Tatin sa kanya at marahang ginulo ang buhok nito. "No, baby. Tito Race is just tired. That's why you need to give him hugs later, understand?" Tumango ito sa kanya at ngumiti na.


Pagkaayos tumayo ni Tatin ay humarap sya sa akin at inilahad ang palad. Tiningnan ko lang iyon bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Anong gagawin ko dyan?" tanong ko.


"Phone," sagot nya. Kumunot lang ang noo ko at walang ginawa.


"Kiva, give me your phone," sabi pa nya. "Sandali lang 'to, promise." Kaya inabot ko na yon sa kanya.


Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon