Chapter 6

1.3K 53 96
                                    


Tatin.


"Sasabihin ko 'to kay Race! Sasabihin ko 'to kay Race!" Nakatanggap ng isang malakas na hampas ng unan si Seki galing sa akin. Nandito ako sa condo unit nya kasama ang dalawa pa naming kaibigan na kanina pa ako pinapagalitan.


"You're seriously out of your mind, Tatin," sabi ni Zari.


"Nahihibang ka na talaga! Ang lakas ng loob mo!" sabi naman ni CK habang mapanghusgang nakatingin sa akin.


"Grabe naman kayo. I need support, guys!" pagbibiro ko sa kanila.


Lumapit sa akin si Seki at inakbayan ako pagkaupo sa tabi ko. "Mahirap 'yan, pre," sabi nya. "Una, hindi ka na mahal ni Kiva. Pangalawa, ayaw sayo ng kuya nya. Pangatlo, diba sabi mo sa amin noon may boyfriend na sya?"


"Pang-apat, kapag hindi ka pa tumigil, Seki, babanatan na kita," amba ko sa kanya. Tinakpan nya naman ng parehong mga kamay ang bibig bago nagpakita ng peace sign sa akin.


"Oo nga, Tatin. Diba sabi mo sa amin noon, may bago na si Kiva? Bakit ngayon kung makalapit ka sa kanya parang wala?" Napatingin ako kay CK pagkasabi nya noon at bahagyang idinausdos ang sarili sa pagkakaupo.


"Tagal na no'n. Malay nyo break na," sagot ko.


"Alam mo, ang gago mo," galit na sabi ni Zari. "Do you even know how to respect boundaries?"


Natahimik ako nang marinig 'yon. Zari has a point. And Kiva has the right to get mad at me. Ang gago ng ginagawa ko, pero kahit alam kong nagiging gago ako, gusto ko pa ring ilaban 'to.


Noong unang makasakay ako sa eroplano para magtrabaho, ang pagsunod lang kay Kiva sa Paris ang nasa isip ko. Hindi ako tumigil sa pagtatrabaho kahit hindi ko na halos nakikita ang pamilya ko. Tinipid ko nang sobra ang sarili ko dahil sabi ko kung magsasayang lang ako, hindi ko maibibigay kay Kiva 'yung buhay na dapat para sa kanya.


Ang swerte ko noong nalaman kong may flight ako papuntang Paris. Sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon para makita ulit si Kiva at malaman kung maayos ba sya. Sa pangatlong araw kong paghahanap, nakita ko na, pero may kasamang iba at mukha ng masaya.


Gusto kong lumapit. Gusto kong magtanong. Pero kapag naiisip kong mawawala lang 'yung mga ngiti nya kapag nakita ako, parang hindi ko kaya.


Bumalik ako sa Pilipinas nang walang ginawa. Alam kong sobra kong nasaktan si Kiva kaya anong karapatan kong lumapit at humingi ng pagkakataon na bumalik kami sa dati.


Sinubukan kong makalimot. Sinubukan kong magmahal ng iba. Ilang babae na ang pumasok sa buhay ko pero parang wala pa rin makapalit sa kanya. Nakakalungkot 'yung mga panahong gusto ko na syang kausapin pero wala akong magawa. Ayoko nang makagulo sa kanya. Ayoko nang bumalik 'yung sakit na naramdaman nya.


Pero noong unang beses na makita ko si Kive, noong unang beses na niyakap nya ako at tinawag na Daddy, hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Sa totoo lang, para akong binigyan ng isa pang pag-asa.

Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon