Chapter 12

665 26 22
                                    


Tatin.


"May alam ka ba?" Hindi ako sinagot ni Zigs at tinitigan lang ako.


Susunduin ko lang sana si Zari sa bahay nila ngayon pero nadatnan ko syang nandito. Kanina pa ako nagkukwento sa kanya tungkol sa mga nangyari pero hindi nya ako kinikibo. Dalawang linggo na akong walang naririnig kay Kiva simula noong makita kami ni Race sa kanila. Kahit text o tawag wala akong nakukuha. Sinusubukan ko rin bumalik sa bahay nila pero palagi namang nakasarado.


Bumalik na kaya sila sa Paris?


"Kung ayaw mong magsalita eh di okay. Kay CK na lang siguro ako magtatanong. Panigurado namang nai-kwento mo na sa asawa mo yon 'di ba?" Lumapit ako sa kanya at umakbay para tapikin ang balikat nya.


"Si CK hindi mo mapipigilan sa pagsasalita." Biglang sumimangot ang mukha nya kaya ako natawa.


"Good morning." Napalingon naman ako nang makarinig ng boses ng isang lalaki sa likuran ko. Unti-unting kumunot ang noo ko nang makilala kung sino iyon.


"Bakit ka nandito?!" halos pasigaw ko ng tanong. Napahawak sya sa tenga nya na para bang nasaktan sa malakas na pagkakasabi ko. Mukhang kagigising nya lang at dito kina Zari natulog.


"Anong bakit? Wala ba akong karapatang pumunta rito?" Dumiretso sya paupo sa may sofa at sumandal para bumalik sa pagtulog.


Hindi pa rin mawala sa mukha ko ang pagkagulat. Akala ko nasa ibang bansa 'tong gagong 'to. Anong naisipan nito at biglang umuwi rito?


"Kailan mo balak umuwi sa La Aldea?" tanong ni Zigs sa kanya pagkaupo sa tabi nito. Bahagya nyang binuksan ang mga mata at humarap sa pinsan nya. "Pwede bang dito muna ako? Ayoko pang magpakita kina Daddy." Hindi ko napigilan ang pagtawa kaya naman napatingin sila sa akin at agad kong naitikom ang bibig.


"Tanda tanda mo na ganyan pa rin ugali mo," sabat ko.


"Alam kong hindi ka pa rin nakaka-move on sa nangyari sa amin ni Kiva noon pero wag mo naman sanang masyadong ipahalata." Nanlaki ang mga mata ko at napabukas ang bibig pagkarinig ng sinabi nya. Ano raw ulit yon?!


"Ako? Hindi pa nakaka-move on?" Umiwas ako ng tingin at ngumisi. Talaga!


"Sino ka ba sa tingin mo?!" panghahamon ko. Tinawanan nya lang ako at binato ng throw pillow na hawak nya.


"Hoy, Luis, kakauwi mo lang, ayan ka na naman!" sigaw ni Zari pababa ng hagdan. Tumayo sya sa tabi ko at nakapamewang na tumingin sa akin pati na rin sa pinsan nya.


"Anong taon na, yan pa rin ang issue nyo?" Tinaasan nya kami ng kilay habang patawa-tawa lang si Zigs na nakaupo.

Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon