Chapter 4

864 53 109
                                    


Tatin.


"Nasaan ka na ba?!" Galit na sigaw ni Gav sa akin mula sa kabilang linya. Magkasama kaming dalawa kanina para bumili sana ng damit, pero dahil nauuna syang maglakad at lumapit si Kive sa akin, bigla ko nang nakalimutan na kasama ko pala sya.


"Umuna ka na ng uwi. May gagawin pa pala ako," sabi ko sa kanya. "Paano ako uuwi eh nasa'yo yung susi ng kotse? Pagcocommute-in mo ako? Grabe naman yan!" Napahawak ako sa sentido ko habang nakapikit.


"Anak mayaman hindi marunong magcommute?" Inis na sabi ko. "Oo," agad na sagot nya habang tinatawanan lang ako. "Simula no'ng ibinigay sa akin ni Kuya Calix yung dati nyang kotse, hindi na ako nagcommute!"


"Gago! Kaya hindi ka natututo!" Ilang minuto nya akong inartehan bago ibinaba ang tawag. Susunod din naman pala sa akin, ang dami pang dada.


Pumasok na ako sa loob kung saan naglalaro si Kive at naglakad papunta sa inuupuan ni Kiva na nanonood doon. "Bakit hindi ka pa umaalis?" Masungit na tanong nya pagkakita sa akin.


"Kasi nandito pa kayo," sagot ko at umupo sa tabi nya.


"Look, Tatin... I don't know why you keep on insisting na anak mo si Kive. Diba sinabi ko naman sayo na hindi nga? Pwede ba kahit kaunting respeto naman?" Ramdam ko ang inis sa boses nya. Alam kong mas lalong magagalit 'to kung makikipagmatigasan pa ako.


"May tanong lang ako, Kiva," sabi ko at ibinaling ang mga tingin sa kanya.


"Bakit ako ang tinatawag nyang Daddy?" Napatingin sya sa akin na para bang binabasa ang laman ng isip ko.


"It's none of your business," maikli nyang sagot at tumingin na ulit kay Kive.


"None of my business, but you keep me involved." Para bang sasabog na sya sa inis dahil sa mga sinasabi ko. Alam kong hindi sya aamin kahit na ano pa ang gawin ko.


"Nasaan 'yung totoo nyang Daddy?" Hindi sya sumagot. Nakakunot lang ang noo nya na para bang walang narinig na kahit na ano. "Paano kita matutulungan kay Kive kung wala akong alam sayo?"


"And what makes you think na kailangan ko ng tulong mo?" Napatikom ako ng bibig at tinitigan lang sya.


"Ayokong makialam sa pagiging magulang mo kay Kive, pero kung hindi mo sa sasabihin sa kanya kung sino 'yung totoo nyang tatay, mas mahihirapan ka lang." Bigla naman naming narinig ang malakas na tawa ni Kive dahilan para mapangiti kaming dalawa.


"Ang bait ng anak mo, Kiva. I know you raised him well. Kung ayaw mong ipakilala sya sa totoo nyang tatay, nasa sayo 'yan. Pero sana wag mong alisin sa kanya yung karapatan na malaman kung sino 'yung tatay nya. Kasi tingnan mo naman ngayon... akala ko tuloy akin na." Bahagya akong tumawa para alisin ang mabigat na pakiramdam.


Napatingin sya sa akin nang may kalmado ng mga mata. Hindi ko na alam kung ano ang sinasabi ko sa kanya ngayon, pero sa loob-loob ko, hinihiling ko na sana sabihin nyang sa akin talaga 'yon.

Chase and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon