ANNABELLE’s POV
Matapos kong makita ang tagpong iyon ng mag-anak na umampon sa akin ay mas napatunayan ko na sa kabila ng kayamanan nila ay hindi pa rin pala sapat iyon sa kanila. They are greedy.
At kahit yata gaano pa kamahal ang ibayad sa family doctor ng mga ito ay wala nang pag-asa pang gumanda ang budhi ng mga taong nakatira dito.
Bumuntonghininga ako, at umastang wala lang sa akin ang mga narinig ko. Naglakad ako papunta sa hagdan para sana umakyat na sa kwarto ko nang harangin ako ni Mommy.
“We need to talk, Annabelle.” The way she calls me, ang paraan ng pagsasalita niya, alam kong tungkol iyon sa narinig at nasaksihan ko kani-kanina lang.
“Ano po iyon, Mommy?” I tried my best to calm down, kahit ang totoo ay gusto ko nang sumigaw. Hindi ko matanggap na sobra na ang kasamaan nila.
“I want you to shut that fvcking mouth, all right? Wala kang nakita, wala kang narinig. Kapag makalabas ang nangyaring ito sa mga Arkanghel ay mananagot ka sa akin.” Mahina lang ang boses na iyon ni Mommy, pero ramdam ko ang diin. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay ang tumango.
“Yes po, Mommy.” Yumuko ako at magpapatuloy na sana sa pag-akyat nang tawagin ulit ako ni Mommy. “Po?”
“Simula sa susunod na araw ay sa servant’s quarter ka na matutulog. After the party tomorrow, simulan mo na ang maglipat ng mga ga—”
“Magda…” Hindi na natapos pa ni Mommy ang sasabihin nang magsalita si Daddy. Napalingon kaming pareho ni Mommy sa kaniya. “Go ahead, Belle. Umakyat ka na para makatulog. Don’t mind your mom. Stress lang siya kaya naman ganiyan. Matulog ka na.”
Sandali pa akong natigilan dahil sa inasta ngayon ni Daddy. Hindi ito ang normal niyang ugali. Hindi man niya ako pinapagalitan ay ramdam ko naman ang pang-aalipusta niya sa akin.
Pero kahit ganoon pa man ay tumango na lang ako. “Good night, Mom, Dad,” saad ko bago ako nagmamadaling makaalis sa harapan nila. Nasu-suffocate ako kapag kaharap ko silang mag-asawa. Wala na ang easiness na nararamdaman ko noong una ko silang makita.
Nang makapasok sa kwarto ay inabot ko ang hindi kalakihan na brown na teddy bear bago humiga sa kama. Patihaya akong humiga at itinaas ang teddy bear na luma na. May lace ang teddy bear, at ang pendant niyon ay may nakasulat na Annabelle. Sabi sa akin ng Mother Superior ay bukod sa baby dress na suot kong may nakaburdang Annabelle, ay kasama ko sa loob ng maliit na kahon ang laruan nang makita nila ako sa labas ng orphanage. Kaya nga Annabelle ang pangalan ko dahil sa tingin nila ay iyon talaga ang totoo kong pangalan.
“Malas ba ako? Sa tingin mo, ano ang dahilan ng magulang ko para abandonahin ako? Alam mo ba?” malungkot kong tanong sa laruan. “Ang pathetic ko, ano?” Ngumiti ako sa laruan. “But don’t worry, I will see to it na gagamitin ko ang mga pinagdaanan ko para matupad ko ang pangarap ko. I want to be a good doctor. And of course, a good mother, too. Gusto kong magkaroon ako ng magandang pamilya in the near future. At ang nararamdaman ko kay Rik? I know, it will fade away—sooner or later.”
Mapait akong napangiti nang mabalik ako sa kasalukuyan. Ang mga binitawan kong salita sa laruan kong iyon ay hindi natupad dahil sa iskandalong kinasangkutan ko kinabukasan.
Nang gabi kasi ng engagement party ay nagising na lang ako sa sigaw ni Ate Angelica. Galit na galit sa akin ang buong pamilya ko. Dahil naalimpungatan at masakit pa ang ulo ko ay hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari.
Then I heard a male voice beside me. At laking gulat ko na lang na nasa tabi ko si Rik at pareho pa kaming walang damit.
Dahil may pera ang mga Artemis at kilala sa buong bansa, ay nalagay ako sa kahihiyan. Naging laman ng balita ang nangyaring iskandalo. Binandera ng kung sino-sino ang mukha ko sa social media at nilagyan ng hindi kaaya-ayang caption, dahilan para mahulog ako sa depression.
Ang buong akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko, but I was wrong. After 2 days noong insidente ay halos kaladkarin ako ng mga Artemis papunta sa bahay ng mga Arkanghel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon. Pero nang nakaharap na namin ang pamilya ng Arkanghel ay doon ko napag-alaman na gustong pagbayarin ng mga Artemis ang pamilya nila Rik dahil sa damage na nagawa sa akin.
I was shocked, and hurt at the same time. I felt betrayed. Dinaig ko pa ang binugaw.
At mas lalong hindi ko matanggap sa sarili ko na maging ang mga magulang nila Rik at Stefano ay galit sa akin. Maging si Stefano ay hindi ako kinausap noong una.
At higit sa lahat, si Rik. He’s raging mad, lalo na nang malaman niya na mas ginusto ng parents niya na ikasal kaming dalawa.
Sa huwes lang kami ikinasal. At sa gabi ng kasal, imbes na ako ang kasama niya ay nagpunta siya sa condo ni Ate Angelica. Pumunta siya roon para magmakaawa habang lasing na lasing.
Hindi ko nga alam kung bakit pumayag pa siyang pakasalan ako kung kinagabihan ay ganoon ang gagawin niya.
Kung may nangyari man na maganda sa buhay ko sa nakalipas na taon, ay iyon ang nakapagtapos ako ng nursing. At higit sa lahat, naging maayos ulit ang samahan namin ni Stefano na ngayon ay isang tanyag na na engineer na naka-base sa New York.
You’ll get what you want, Annabelle…
Napangiti ako nang mapait bago tumayo mula sa pagkakaharap sa vanity mirror. Sigurado akong tulog na si Rik ngayon. I have to check if he’s okay. Kahit hindi niya ako pakitaan ng kahit kaunting pagmamahal, hindi naman iyon naging dahilan para i-give up ko siya.
I love him. And for me, Rik is all that matters to me. Kaya kahit ipagtabuyan niya pa ako nang paulit-ulit, at kahit walang sawa niya pa akong saktan, hanggang mahal ko siya, mananatili ako sa tabi niya.
Hinigpitan ko ang pagkakatali sa roba ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Yeah, magkaiba kami ng kwarto ni Rik sa mansiyon na ipinatayo niya. Ang 3-storey na mansion na naging saksi sa paghihirap ng kalooban ko.
Simula nang ikasal kami ni Rik ay hindi ko pa naranasan na tumabi sa kaniya sa pagtulog. Hindi ko man lang naranasan ang makasabay siyang kumain. Kahit anong pilit kong gawin na makasama siya kapag may oras ako, siya naman itong umiiwas sa akin na para bang mayroon akong nakakahawang sakit.
Bumuntonghininga ako at pilit na inalis sa isipan ang mga pangarap ko na malabo nang mangyari. Mga simpleng bagay lang naman ang gusto ko, ang kaso ay masiyadong madamot ang pagkakataon kaya hindi ko na yata mararanasan ang mga iyon.
Nang makarating ako sa labas ng kwarto ni Rik ay kumatok ako ng tatlong beses. Wala akong marinig na ingay mula sa loob kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.
Naabutan kong nakahiga na si Rik sa kama niya. Ganoon pa rin ang suot niya kanina. Siguro ay dahil sa kalasingan ay hindi niya na nagawa pa ang magbihis. Marahan akong naglakad papunta sa asawa ko para ayusin ang pagkakahiga niya. Nakalaylay kasi ang dalawa niyang paa sa sahig.
Hinubad ko muna ang sapatos niyang suot bago ko maingat na inayos ang paa niya. Kukuha na sana ako ng damit niya nang magsalita siya.
“Angelica...” Tiningnan ko siya. Nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata niya. “I l-love you, Angelica...” saad niya sa pagitan ng pagsinok. Indikasyon na lasing siya.
Ang balak kong paghakbang sa closet niya ay tuluyang hindi ko na nagawa. Nanghihina ako. Masakit sa akin ang marinig sa mismong asawa ko na may mahal siyang iba.
Sapo ko ang dibdib ko kasabay ng pag-upo sa tabi niya. “Bakit hindi mo ako magawang makita, Rik?” I extended my hand towards him. Dinama ko ang pisngi niya. “Ito na ba ang karma ko dahil nagmahal ako sa maling tao?” Mapait akong napangiti kasabay ng pagtulo ng luha ko.
“Marami akong bagay na gustong gawin kasama ka, kaso ang mga bagay na iyon, si Ate Angelica ang gusto mong makasama. Pero mahal kita, Rik. Kasalanan ko ba iyon? Kasalanan ko bang hindi ko maturuan ang puso ko na kalimutan na kita?”
Kinuha ko ang kamay niya at inilapit iyon sa pisngi ko. Kung gaano kainit ang palad niya ay ganoon naman kalamig ang puso niya para sa akin. Wala na ang dating Rik na kilala ko. Wala na siya.
Sinira ko.
Ako mismo ang naging dahilan ng pagkawala niya. That’s why I deserve this kind of treatment from him.
Impit akong napahagulhol dahil sa awa na nararamdaman ko para sa aming dalawa.
“M-mahal na m-mahal kita, Rik, kahit s-sobrang sakit na...”
BINABASA MO ANG
THE BATTERED WIFE
RomanceMay malaking gusto si Anabelle kay Cedric, pero dahil boyfriend ito ng kapatid niya ay nakuntento na siya na makita ito sa tuwing dumadalaw ito sa kapatid niya. Ngunit sa gabi ng engagement ni Angelica at Cedric, ay nangyari ang hindi nila inaasaha...