ANNABELLE’s POV
Nagmamalaking tingin ang sumalubong sa akin nang magtagpo ang tingin namin ni Ate Angelica. She’s grinning like a mad person. Ako naman ay nakaramdam ng kaba. Hindi ko inaasahan na magtatagpo nang maaga ang landas namin ni Ate Angelica.
“It’s been a long time, Annabelle. Kumusta na ang kapatid kong ahas?”
I gritted my teeth. Gusto ko man siyang sagutin pero hindi ko nakuhang magsalita. Ang nagawa ko lang ay napatingin ako kay Cedric sa pagbabakasakali na ipagtanggol niya ako. But it didn’t happen.
“I can’t believe na may possibilities na makaka-attend ka sa ganitong pagtitipon.” Tiningnan ni Ate Angelica si Drake. At hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi, dahil nakita ko ang panandaliang admiration na rumihestro sa mga mata niya.
Well, what’s new? Ang ibinabato niyang mga salita sa akin, hindi niya alam, ay sumasalamin sa kaniya. Kahit pa nga noong magkarelasyon na sila ni Cedric ay may kinakalantari din siyang iba.
Yumuko ako. “Ayoko ng gulo, please,” saad ko. “Nandito ako hindi dahil sa away kundi sa trabaho. Job related ang ipinunta ko rito. I want a peaceful night, Ate Angelica—”
Hindi pa man ako natatapos magsalita ay binulyawan niya na ako. “Ate? Ha! How dare you call me that! Mula nang inagaw mo sa akin si Cedric, nawalan ka na rin ng karapatan na tawagin akong ate! Besides, hindi naman kita kapatid, kaya nga hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha.”
Tatayo na sana ako, pero naunahan na ako ni Drake. Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa nga hita ko at iginiya niya ako upang tumayo. “If you’ll excuse us.” Kalmado lang ang boses ni Drake, and I admire his gesture, dahil sa totoo lang ay gusto ko na lang na bumuka ang lupa para lamunin ako sa kinauupuan ko.
Just when I thought everything was okay, nagkamali ako, dahil hindi pa man kami nakakalayo sa lamesa ay nakasalubong na namin ang mommy at daddy ni Cedric.
“Tito, Tita—” Halos mabali ang leeg ko sa malakas na sampal na ipinadapo sa pisngi ko ng mommy ni Cedric. “T-Tita…” naiiyak kong turan. Bukod sa sakit na pisikal ay mas lamang ang emosyonal na sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Nang tingnan ko silang mag-asawa ay kita ko ang pagkadismaya at pagkasuklam sa mga mata nila.
“I didn’t expect this kind of attitude from you, Annabelle.” Sinulyapan ni Tita Zeny si Drake na halatang nagulat sa nangyayari. Tiningnan pa ni Tita ang binata mula ulo hanggang paa. “So, this is your lover, huh? At dinala mo pa talaga rito?”
Hindi ako nakasagot. Paano ko nga ba ipagtatanggol ang sarili ko kung hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinusgahan na nila ako? How pathetic I can get.
“Ilang taon, Annabelle, ilang taon. Ilang taon mo kaming niloko at pinasakay sa ugali mo na hindi makabasag ng pinggan. But now I know why my son doesn’t love you, dahil alam niya ang tunay mong pagkatao.” Napatingin ako kay Tita Zeny nang sabihin niya iyon. “Cedric wants to file an annulment, ibigay mo iyon sa kaniya. Nakakahiya na dala-dala mo ang pangalan namin habang nakikipagkalantari ka sa ibang lalaki. You’re so disgusting!”
Dahil sa sinabi ni Tita Zeny ay nakagalaw ako sa kinatatayuan ko. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Naiiyak ako habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. “N-no, T-tita. A-ayoko. Si Cedric n-na lang ang mayroon a-ako. H-hindi ko kaya kapag tuluyan pa siyang mawala sa a-akin. Mamamatay ako.”
Nanginginig ang buong katawan ko kaya naman nanghihina rin ang buong katawan ko. Maybe I look miserable in front of these people, but I don’t care. Ang gusto ko lang ay pigilan ang mga bagay na maaaring mangyari kaya naman ay unti-unti kong ibinababa ang sarili ko upang lumuhod sa harapan ng mga magulang ni Cedric.
Hindi ko na naisip ang kahihiyan na natatamo ko sa mga oras na ito. Wala na rin akong pakialam sa nga flashes ng camera na pag-aari ng media na invited sa event na ito. Ang mahalaga ay magawa ko ang nasa isipan ko, at iyon ay magpakumbaba sa mga taong alam kong makakatulong sa akin para hindi ako tuluyang layuan ni Cedric.
“G-give me another c-chance, Tita, Tito. I’ll be a g-good wife. H-hindi na mauulit ang bagay na ito…” pagsusumamo ko habang nakaluhod. Hilam na sa luha ang mga mata ko, pero malamig na titig lang ang isinukli sa akin ng mag-asawa.
“Damn it, Annabelle, stand up!” Kasabay ng boses ni Drake ay ang paghila niya sa braso ko para patayuin ako, but I didn't budge.
Tiningnan ko siya nang masama. “Shut the fuck up! Wala kang pakialam dito, Mr. Delvo! You’re not part of the family!” sigaw ko na halos maglabasan pa ang litid sa leeg ko.
“And so are you, Annabelle.”
Napatingin ako sa nagsalita, si Ate Angelica. They’re heading towards us. Napatingin din ako kay Cedric. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Nakatingin siya sa puwesto ko, pero tila ba hindi niya ako nakikitang nagmamakaawa sa harap ng mga magulang niya.
“You’re out of your mind. You should go home. Nanabaliw ka na.” Dahil sa sinabi ni Ate Angelica ay dali-dali akong tumayo. Susugurin ko na sana siya para sampalin pero agad na iniharang ni Cedric ang katawan niya para protektahan si Ate Angelica.
“Why?” Tila gripong bukas na patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Naninibugho ako. “Asawa mo ako, Cedric. Dala ko ang pangalan mo...”
“Pangalan mo lang ang nakuha mong agawin sa akin, Annabelle, at hindi ang puso at pagkatao ko. You know that from the very start at si Angelica lang ang mahal ko, at wala nang iba.”
“Pero hindi ka niya mahal! Ako!” Itinuro ko ang sarili ko kasabay ng pagtaas ng boses ko. “Ako ang tunay na nagmamahal sa iyo! Ako lang. Noon pa man ay niloloko ka na ng babaeng iyan! Habang kayo ay may Kei—”
Isang malakas na sampal ulit ang dumapo sa pisngi ko. Pero kung kanina ay nagmakaawa ako sa sumampal sa akin, ngayon ay iba na, sapagkat si Angelica ang nanakit sa akin. Agad akong nakalapit sa babae kaya hindi siya nagawang protektahan ni Cedric. Pinagsasampal ko siya sa magkabilang pisngi niya. Hindi pa ako nakuntento kaya naman hinila ko ang buhok niya kaya naman nagpambuno kaming dalawa.
Walang nakaawat sa amin lalo na nang nagpagulong-gulong na kami sa sahig habang nagsasabunutan. When I had the chance to be the upper hand, lalo pa at nakapatong ako sa kaniya ay malakas na suntok sa mukha niya ang pinakawalan ko dahilan para mawalan siya ng malay.
When I saw her bruises and the blood on her face ay tumawa ako nang malakas. Kuntento ako sa ginawa ko, at kahit kailan ay hindi ko pagsisihan ang ginawa kong ito dahil sa gabing ito ay naipagtanggol ko ang sarili ko.
But the night is not over yet, dahil agad na may humila sa braso ko kasabay ng malakas na suntok sa mukha ko. Bago pa ako mawalan ng malay ay ang nagbabagang mga mata ni Cedric ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED WIFE
RomanceMay malaking gusto si Anabelle kay Cedric, pero dahil boyfriend ito ng kapatid niya ay nakuntento na siya na makita ito sa tuwing dumadalaw ito sa kapatid niya. Ngunit sa gabi ng engagement ni Angelica at Cedric, ay nangyari ang hindi nila inaasaha...