CHAPTER 5

417 14 2
                                    

ANNABELLE'S POV

Kinabukasan nang magising ako ay mas lalong kita ang pasa ko lalo pa at maputi ako. I tried my best to hide my bruises with the use of right amount of concealer. Nang masiguro na hindi na mababakas ang pananakit ng asawa ko ay saka lang ako tumayo. Maglalakad na sana ako palayo nang makita ko ang kabuuan ko sa salamin.

Napakurap ako.

Nasaan na ang batang Annabelle noon? Bakit hindi ko na siya makita sa sarili ko ngayon?

Bumuntonghininga ako at iwinaksi ang kakatwang pakiramdam na lumukob sa dibdib ko. Kasalanan ko ito, aminado naman ako sa pagiging martir ko kaya bakit ako magrereklamo?

Puso ang pinapairal ko. At kapag puso ang kalaban, paano mo pa mapipigilan?

Paglabas ko ng kwarto ko ay sumalubong sa akin ang nakabibinging katahimikan na kahit araw-araw ko nang nabubungaran ay hindi pa rin ako nasasanay. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Cedric. Pagpasok ko ay nakita ko ang bakanteng kwarto niya. Lumapit ako sa unan na ginamit niya at kinuha iyon.

Umupo ako sa gilid ng kama at niyakap ang unan ni Cedric. Naiwan ang amoy ng asawa ko sa unan kaya dinala ko iyon sa dibdib ko at niyakap.

"I am missing you, Rik. Kahit nasa malapit ka, bakit hindi pa rin kita kayang abutin?" I said in despair. Kung makikita lang siguro ang puso ko, makikita ng tao kung gaano na kadurog ito.

Nanatili pa akong nakaupo sa kama ng asawa ko ng ilang minuto bago ako tumayo at inayos ang mga nakakalat niyang ginamit sa pagtulog.

Matapos masiguro na madadatnan na ni Rik na maayos ang kwarto niya ay saka ako lumabas ng kaniyang kwarto. I always have this heavy heart every time I left this house. Pero kahit ganoon, kampante pa rin ako dahil araw-araw na umuuwi si Rik sa bahay na ito.

Naglakad ako papunta sa kotse ko. Tatlong taon na ang kotseng ito dahil regalo pa sa akin ito ni Stefano. I don't have the heart to junk this car.

Tumingin muna ako sa wristwatch ko bago ako nagmaneho papunta sa pinakamalaking hospital dito sa bansa. I'm a nurse there. Sa mga pasyente ko ibinubuhos ang pagmamahal ko na hindi ko kayang ipakita sa asawa ko.

Nang makarating ako sa hospital ay dumiretso ako sa Nurse station. Naroon na si Trinity, ang best friend ko. 30 years old na si Trinity pero hindi naging hadlang iyon sa pagiging magkaibigan namin. She has a happy family. May dalawa siyang anak sa Irishman niyang asawa na nasa medical field rin na katulad niya.

Agad kong tiningnan ang chart kung sino ang mga pasyente ko ngayong araw. Halos patapos na ako sa ginagawa ko nang magsalita si Trinity.

"Besh, may punchline ako sa iyo."

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. "Ano na naman iyon—"

"Punching bag ka ba?" agad niyang putol sa sasabihin ko. I know what she's trying to say kaya napaupo ako.

"Klaro ba?"

"Hindi. Pero dahil sa kapal ng concealer diyan sa mukha mo, dinaig mo pa ang payaso. Change career na ba this?" she asked in a slang way.

Umiling ako, pagkakatapos ay napangiti nang mapait. "Ang tanga ko na ba?"

"Hindi mo ba nahahalata sa sarili mo? Belle, look..." Bumuntonghininga ito na para bang bubuwelo sa sasabihin nito sa akin. "Hindi sa pinapanguhan kita, ha? Ang akin lang, bilang nakakatanda sa iyo, at dahil concern ako sa situation mo, bakit hindi ka na lang umalis sa sitwasyon mo ngayon?"

"Mahal ko ang asawa ko."

She laughed sarcastically. Halata sa mukha niya na gusto niya na akong sampalin dahil sa katangahan ko.

THE BATTERED WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon