ANNABELLE’s POV
Maaga akong nakauwi kaya napagpasyahan kong dumaan sa department store para bumili ng karneng baka. Magluluto ako ng beef steak dahil paborito iyon ni Cedric.
I was humming a lullaby habang nagluluto. Magaan ang loob ko dahil alam kong magkikita kami ng asawa ko. Alam kong kahit narito na si Angelica ay uuwian niya pa rin ako. Malaki ang tiwala ko sa kaniya—kahit walang basehan na pareho kami ng damdamin ni Cedric.
Matapos kong makapagluto ay agad akong naglinis ng katawan at nagbihis. I prepared the table and prepared some wine. Matapos maiayos ang lamesa ay saka ako naghintay sa asawa ako.
But you know what’s hard in waiting? Iyon ang aasa kang darating ang hinihintay mo kahit pa nga tatlong oras na ang nakalilipas mula sa oras ng normal na uwi niya. It is hope that is killing me.
“D-darating siya, Annabelle. Darating si Rik,” pagkumbinsi ko sa sarili ko sabay punas sa luha na dumadaloy sa pisngi ko.
Heto na naman. Para na namang tinutusok ng isanlibong krayom ang puso ko. Nasasaktan na naman ako nang palihim dahil sa katangahan ko. Pero tanga nga ba talaga akong maituturing kung hindi ko nahiwalayan si Cedric? Nasanay na ako na kasama ko si Cedric kaya hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling maghiwalay kami.
I will hold on to a last string of hope. Naniniwala ako sa aming dalawa ni Cedric. Katulad na lang ng paniniwala ko ngayon na uuwi siya at makakasalo ko siya ngayon na kakain.
Naghintay pa ako ng ilang minuto, hanggang ang minuto ay inabot ng ilang oras. Napatingin ako sa wristwatch ko. It’s 3 o’ clock in the morning. Nakaya kong maghintay ng halos sampung oras. Tiniis ko ang gutom ko dahil umasa ako na darating siya. Pero hindi iyon nangyari.
Tumayo ako upang iligpit ang pagkain sa mesa nang marinig ko ang paparating na sasakyan.
He’s here!
Halos takbuhin ko ang pinto para salubungin si Cedric. And when I opened the door, agad kong nabungaran ang mukha ng lalaking mahal ko. Nagkatitigan kami. And for the first time, I didn’t read hatred in his eyes. Nakatingin lang siya sa akin sa emosyon na hindi pamilyar sa akin.
Kinurap ko ang mga mata ko para pigilan ang nagbabadya na naman na luha.
“Y-you are h-here.” I cleared ny throat. I was too emotional to talk normally.
Umaapaw ang emosyon ko dahil umuwi si Cedric at narito na siya sa harapan ko, at hindi pa katulad dati na lasing kung umuwi. He’s different now. Kaya alam kong may kung anong bagay ang nagpapakalma sa kaniya ngayon, at alam kong hindi ako iyon.
“Hmmm. Bakit gising ka pa?” Mas nagulat ako sa tanong niyang iyon. Ito siguro ang unang conversation namin na hindi siya nakasigaw sa akin.
“I— I waited for you.”
Mula sa paglalakad papunta sa loob ng bahay ay tumigil siya at nilingon niya ako. “Why?”
Bakit? Dahil mahal kita. Gusto ko sanang isagot iyon pero wala akong lakas ng loob sabihin sa kaniya. At isa pa, ayaw niya ng madrama.
I smiled. “Nagluto ako ng paborito mong ulam.” Instead, iyon ang nasabi ko sa kaniya. “Kaso malamig na. Iinitin ko lang.” Maglalakad na sana ako para asikasuhin ang pagkain kaso hinawakan niya ako sa braso.
“Huwag mo nang initin.”
Napamaang ako, pagkatapos ay ibinaling ko sa ibang direksyon ang mukha ko bago ko kinagat ang pang-ibabang labi ko para lang pigilan ang pagkawala ng paghikbi ko.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED WIFE
RomanceMay malaking gusto si Anabelle kay Cedric, pero dahil boyfriend ito ng kapatid niya ay nakuntento na siya na makita ito sa tuwing dumadalaw ito sa kapatid niya. Ngunit sa gabi ng engagement ni Angelica at Cedric, ay nangyari ang hindi nila inaasaha...