ANNABELLE’s POV
Matapos naming kumain na mag-asawa, ang inaasahan ko ay matutulog na siya. Pero nagkamali ako. Nagulat na lang ako dah il habang naghuhugas ako ng pinggan ay nabungaran ko siyang pababa ng hagdan habang may tangan na maleta.
Nagsimula ulit akong maguluhan. Ang akala ko ba ay ayos na kami? Hindi ba at maayos naman ang naging usapan naming dalawa? Pero bakit ganito? Saan siya pupunta?
Dali-dali akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan. “Teka, Cedric. Saan ka pupunta?” Ngumiti pa ako para hindi niya makita na nasasaktan na naman ako.
“Hindi mo na kailangan na malaman iyon—”
“Pero asawa mo ako, hindi ba? May karapatan akong malaman kung saan ka pupunta. Gusto kong malaman kung babalik ka pa ba o hindi na. Natatakot akong mag-isa, Cedric,” pag-amin ko sa kaniya. “Ayoko na ulit na maranasan ang pakiramdam ng mag-isa.”
Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at tinanggal iyon. “I hate this side of you. Hindi ka naman dating ganito. Wala kang sinasabi sa akin noon kahit umalis ako. And now this? You’re going to nag me? Dahil ba kinausap kita nang mahinahon kanina? Ganoon ba? How pathetic.”
“C-Cedric.” Napaatras ako at napabitiw sa kaniya. “Noon kasi ay wala pa akong kinatatakutan. Ngayon, iba na. Narito na si Ate Angelica. Ano ang laban ko sa kaniya? Asawa mo lang ako sa papel, pero mahal mo siya.”
“Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo ang nangyari kaya mo ako naging asawa?”
Hindi ako sumagot. Napayuko ako at iyon lang yata ang hinihintay niyang pagkakataon upang talikuran ako. Walang lingon-likod na tinalikuran niya na lang ako at nagtuloy-tuloy siyang lumabas ng bahay namin.
Nang makahuma ako ay agad ko siyang sinundan. Hinawakan ko siya sa kamay pero tinabig niya lang ako. Pero hindi ako papayag na hayaan lang siyang umalis ng bahay namin. Niyakap ko siya mula sa likuran. Mahigpit ang yakap ko sa kaniya sa takot na makakawala siya sa akin.
Cedric tried to remove my hands of him, pero hindi ko hinayaan na makakawala ako sa kaniya.
“P-please, s-stay. M-magpapakamatay a-ako kapag nawala ka sa a-akin…” anas ko habang umiiyak.
Napakahina ko talaga pagdating sa kaniya. Para akong pulubi na nanlilimos ng atensiyon at pagmamahal sa mismong asawa ko.
“Go on. Do it. Kill yourself then, Annabelle. Hindi ako natatakot. Dahil ang kaisa-isang bagay na kinatatakutan ko ay nangyari na. At iyon ay nawala sa akin si Angelica. Kapag namatay ka, aasikasuhin ko na lang ang nga labi mo.”
Para akong kandila na nauupos dahil sa mga narinig ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na matatakot ko siya. Pathetic? That’s how he described me. At pinatutuhanan ko lang iyon sa oras na ito.
At dahil wala na rin akong lakas na pigilan siya ay tuluyan niya na akong iniwan. Napaupo ako sa damuhan habang nakatulala. Maging ang pag-iyak ay hindi ko na rin nagawa.
Kailan ba ako mapapagod na mahalin si Cedric? Kailan ba ako natatauhan? Gusto ko na siyang kalimutan, pero paano? Hindi ko kaya. Madali lang sabihin ang bagay na iyon pero mahirap gawin.
Ilang oras lang akong nakatunghay sa gate habang nakaupo sa damuhan hanggang sa abutan ako ng pagsikat ng araw. Para akong taong tinakasan na ng bait.
Nang tumunog ang cell phone ko ay dali-dali ko iyong dinukot sa bulsa ko sa pag-aakalang si Cedric ang tumatawag. “Cedric!” agad kong bungad at hindi na tiningnan ang caller ID.
“Anong Cedric? Si Trinity ito—” Hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita ay agad na akong napahagulhol ng iyak. “Belle! Ano ang nangyayari sa iyo?!”
“H-help me…” Iyon lang at naibagsak ko na ang cell phone na hawak ko dahil sa panghihina. Sapo ko ang dibdib ko habang patuloy sa pag-iyak.
Sa oras na ito, alam kong naputol na ang napakanipis na tali ng pag-asa na pinanghahawakan ko sa pagitan namin ni Cedric.
“YOU look beautiful, Belle.” Napatingin ako sa nagsalita. Si Director Delvo.
Gabi ng event na sinasabi niya sa akin kahapon. And I am here with him. I wasn’t expecting that I would be here lalo pa at kaninang umaga lang ay inaalo ako ng lalaki at ni Trinity sa bahay namin ni Cedric.
Wala sana akong balak sumama rito lalo pa at malayo sa Manila but when Trinity said na narito sa event na ito si Cedric ay agad akong nagdesisyon na sumama.
At heto nga, suot ang designer’s dress na kulay pula ay naglalakad kami ni Drake pababa sa hotel.
“Thank you, Director Delvo. Ikaw rin. You look perfectly handsome.” Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko, dahil kung ikaw mismo ang kasama ng batang direktor na ito, may pagmamalaki kang maglalakad sa harapan ng mga tao dahil dinaig pa ng lalaki ang karakter na na gwapo sa mga libro.
“Really?”
“Hmm. Trust me.”
“Maniniwala lang ako na gwapo ako kapag tinigil mo na ang pagtawag sa akin na Director Delvo.”
Napatingin ako sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay. “What do you want me to call you then?”
“It’s up to you.” Kinindatan niya ako kaya bahagya ko siyang nahampas sa braso niya.
“Okay. I’ll call you Drake. Pero sa gabing ito lang, okay? Pero kapag nasa premises tayo ng hospital ay Director Delvo ulit ang itatawag ko sa iyo.”
“Sounds fair,” saad niya bago niya ako alalayan na pumasok sa mismong gaganapan ng event.
Pagpasok namin ay bumungad sa mga mata ko ang nasa alta sa lipunan na mga tao. Lahat ay mga kilalang personalidad kaya pakiramdam ko ay lalamunin ako rito nang buhay.
Pero ang pakiramdam na may lalamunan sa akin ay hindi nangyari, dahil may humawak sa kamay ko. When I looked at the owner of the hand ay nakangiting mukha ni Drake ang sumalubong sa akin.
“It’s okay. You don’t have to feel less dahil ikaw ang pinakamagandang tao sa gabing ito.”
Sa kabila ng nerbiyos ay napangiti ako. Iba pala ang pakiramdam kapag may nagli-lift sa iyo, which hindi ko naranasan kay Cedric.
Hinatid kami ng waitress sa assigned table namin ni Drake. Mabuti na nga lang at sa pangdalawahan kami nakapuwesto dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may iba kaming kasama.
Nang magsimula ang event ay hindi naging kabagot-bagot sa akin ang oras lalo na nang nagsimulang magsalita ang mistress nitong event. Naka-focus lang akong sa babae hanggang sa matapos siyang magbigay ng speech.
I thought my night would going to be fine pero nagkamali ako. Dumating kasi ang dalawang taong inaasahan ko.
Si Ate Angelica kasama ang asawa ko. And they’re heading towards us.
Sa kabila ng suot ko ay nagmukha akong trapo kung ikukumpara kay Ate Angelica. At mas lalo lang na bumaba ang tingin ko sa sarili ko nang lumapit sila sa lamesa kung nasaan kami ni Drake.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED WIFE
Lãng mạnMay malaking gusto si Anabelle kay Cedric, pero dahil boyfriend ito ng kapatid niya ay nakuntento na siya na makita ito sa tuwing dumadalaw ito sa kapatid niya. Ngunit sa gabi ng engagement ni Angelica at Cedric, ay nangyari ang hindi nila inaasaha...