CHAPTER 3

411 17 1
                                    

ANNABELLE’s POV



Paglabas ko ng bahay ay kakaripas na sana ako ng takbo papalayo nang makasalubong ko naman si Ate Angelica. Nagtataka siyang napatingin sa akin habang hawak niya ang cell phone niya na nakalapat pa sa tainga niya kaya halatang may kausap siya.



Nagtataka ko rin siyang tiningnan. Kausap niya na naman ba si Keith? Ipinilig ko ang nga balikat ko para iwaksi ang katanungan na iyon sa isipan ko. Wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay niya. Total naman ay matanda na siya, kaya alam niya na ang tama at hindi.



“Where are you going, Belle?” tanong niya pa sa akin.



Napakamot ako sa ulo. “Kay Stefano sana, Ate Angel. Mukhang may sakit ang isang iyon, eh. Puwede ba? Tapos na naman ako sa mga gawain ko sa bahay, eh.”



“Pero nandito pa si Cedric, eh.”



“Eh?” Ano naman ang connect ng boyfriend niya sa pag-alis ako? Ah, oo nga pala. Bigla kong naalala ang dahilan.



Napatingin ako kay Ate Angelica. She has everything. Nasa kaniya na lahat ng magagandang bagay na hinahangad ng isang babae. Kayamanan, kagandahan, magandang katawan, mapagmahal na mga magulang, at mapagmahal na boyfriend. Pero kung may maipipintas man ako sa kaniya, iyon ay hindi siya marunong makuntento sa isa. Sabagay, lahat yata ng magaganda ay kaugali niya. 



Tama ba ako?



Hindi ko rin kasi talaga alam dahil hindi naman ako kasingganda niya, eh, kaya hindi ko alam ang problema niya. 



Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, at pinisil iyon. Pagtingin ko sa isang kamay niya ay naroon ang cell phone at kasalukuyan na nasa linya pa si Keith. 



Hindi ko talaga alam ang gagawin sa isang ito.



Gusto ko mang magreklamo pero hindi ko magawa dahil panigurado na kung ano-ano na naman ang sasabihin niya sa akin. Iniwasan ko ang mapakamot sa ulo. 



“Ano ba ang gusto mong gawin ko, Ate?”



“Stay here na lang muna, but you can go kapag umalis na rin si Cedri—” Ang sasabihin sana niya ay hindi natuloy dahil ang taong pinag-uusapan namin ay papunta na sa gawi namin. 



Halos magkumahog pa si Ate Angel sa pagtago ng cell phone niya. Halata ang pamumutla ng mukha niya kaya naman kahit ang awkward pa rin ng sitwasyon namin ni Rik dahil sa aksidente kanina ay lumapit na lang ako sa kaniya. 






“Pauwi ka na ba?” Inalis ko ang pagkailang na nararamdaman ko, kahit pa nga ang totoo ay kumakalabog nang husto ang puso ko. Bakit kaya kapag nasa harap ko ang isang ito ay kumakabog nang husto ang puso ko? Gusto ko lang naman siya.



Lumingon ako sa gawi ni Ate Angelica na wala pa rin yata sa wisyo dahil kamuntikan nang mahuli. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Cedric at halos mapatalon pa ako nang makita kong nakatingin na siya sa akin. 



“Aalis ka ba?” tanong niya sa akin. Matapos noon ay sumulyap siya kay Angelica. “Are you okay?”



“Yeah. Mainit lang dito sa labas. I just need to take a nap para maging okay ako,” sagot naman ni Ate sa kaniya. 






“Kung ganoon ay aalis na muna ako. May kailangan din akong asikasuhin sa trabaho. Ihahatid na muna kita sa kwarto mo.” Nilingon ulit ako ni Cedric. “Wait here, okay? Sumabay ka na sa akin.”



THE BATTERED WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon