CHAPTER 1

1.1K 22 3
                                    

ANNABELLE’s POV






Napatayo ako nang marinig ko ang sasakyan ng asawa ko mula sa labas. Inayos ko ang sarili ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako sa puwede niya na namang gawin sa akin. Alas-dose pasado na, pero ngayon pa lang siya nakauwi. At kahit hindi ko pa siya nakakaharap, alam kong lasing na naman siya. 



Ano ba ang bago roon?



It’s our 3rd wedding anniversary, pero katulad noong una kaming nagsama ay wala pa ring pinagbago sa buhay namin. Katulad pa rin ng dati. Masasakit na salita at sakit ng katawan ang natatanggap ko sa asawa ko. Pero kahit ganoon ay mahal ko siya, at siya lang yata ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. 



Napapagod ako sa sitwasyon ko, pero hindi sapat na rason iyon para  iwan ko siya, ang asawa ko, si Cedric. Ang lalaking una kong minahal. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, at siya ring dumudurog dito. Ang lalaking pinakasalan ako dahil sa isang sitwasyon, at hanggang ngayon ay paulit-ulit kong naririnig ang paninisi niya. 



Nang bumukas ang pinto at iluwa si Cedric na pasuray-suray ay agad ko sana siyang aalalayan pero hindi ko pa man siya lubusang nahahawakan ay tinabig niya na ako. 






“Don’t you dare touch your filthy hands on me, Annabelle!” Dahil sa lakas ng sigaw niya ay napaigtad ako. Pero sa kabila noon ay hindi ako lumayo sa kaniya lalo pa at kamuntikan na siyang masubsob sa sahig. 






“J-just let m-me help you.” Nauutal ako. Nanginginig ako. Kapag si Cedric ang kaharap ko, nai-intimidate ako. Para akong sinasakal. Pero alam ninyo ang kakatwa? Gusto ko parati ang nasa tabi niya. 



I am head over heels with my husband. I am in love with him. Walang nagbago sa damdamin ko sa kaniya kahit ilang taon na ang lumipas. Kung may nagbago man, iyon ay mas minahal ko pa siya. Pag-intindi ko ang kailangan naming dalawa. Gusto kong dumating ang araw na makita niya ako bilang ako. 



Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya sa araw-araw kapag hindi kami magkasama. Gusto kong malaman kung sino ang kasama niya.



At higit sa lahat, gusto kong makita ang dating siya. Ang Cedric na hindi man ako mahal, ay may respeto naman sa akin. 



Sa muling paghakbang ni Cedric ay natalisod siya sa sarili niyang paa dahilan upang halos sumubsob siya sa sahig kong hindi ko lang siya nahawakan sa kamay. 






“Hindi ba at sabi ko sa iyong huwag na huwag mo akong hahawakan?!” Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinigit ako palapit sa kaniya. Hindi pa man naglalapat ang katawan namin ay hinawakan niya na ang panga ko at tiningnan niya ako habang nanlilisik ang mga mata niya. 






“N-nasasaktan ako, Hon…” Pumikit ako upang labanan ang sakit. Pero hindi ko pa man naimumulat ang mata ko ay isang malakas na sampal na ang natamo ko. The next thing I knew ay nasa sahig na ako at nakasalampak. 



Luhaan ako habang nakatingin sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata ko pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita. Dinudurog ang puso ko sa malamig na tingin sa akin ni Cedric. Sa mga mata niya ay nakikita kong wala siyang pakialam sa akin. Kinamumunghian niya ako. 



I extended my hand towards him. “C-Cedric.” My voice cracked. 



“You know that I can’t love you, right?” tanong niya sa akin nang mahawakan ko siya. “Kahit kailan ay hindi kita kayang mahalin, Annabelle. Alam mo ba kung bakit? Dahil hindi ikaw si Angelica. Hindi ikaw si Angelica na kahit buhay ko ay kaya kong itaya makita ko lang na masaya siya.”



Hinila niya ang buhok ko, at mabalasik niya akong tiningnan. “Pero dahil sa ginawa mo, nawala na parang bula sa akin si Angelica! Kasumpa-sumpa ang buhay na ito na kasama ka!”



“Ilang u-ulit ko bang kailangan sabihin sa iyo n-na hindi ko ginawa ang i-ibinibintang ninyo?” Bumalong ang mga luha sa mga mata ko.



Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko noon. It’s more than 3 years, pero hanggang ngayon ay ako ang nagsa-suffer sa kasalanan na hindi ko ginawa. Naging matunog ang iskandalo na kinasangkutan namin nila Cedric at Ate Angelica. Halos araw-araw, sa loob ng isang buwan ay kami ang laman ng balita. 



Puros pambabatikos ang natanggap ko sa kahit na kanino. Kahit iyong mga hindi ako personal na kilala ay kung ano-ano ang mga sinasabi. Ang iba ay gusto pa ngang mamatay na lang ang isang katulad ko.



Kung hindi nga lang dahil sa isang taong tanging naniwala sa akin, baka matagal na akong nasiraan ng bait. 



“A-ano ba ang k-kailangan kong gawin p-para mapatawad mo a-ako?” There’s a plea in my voice. Tinulungan ko ang sarili ko para makatayo, pero halos lahat ng lakas ko tumakas sa katawan ko dahil sa narinig ko mula sa asawa ko. Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. Kinakapusan ako ng paghinga. “A-ano u-ulit ang sabi m-mo?”



Ngumisi si Cedric sa akin. Sa tingin ko ay nawala ang kalasingan niya dahil sa nakikita sa akin. Masaya siyang makita akong miserable. 



“Sana mamatay ka na,” pag-uulit niya sa nauna niyang sinabi. “Dahil iyan lang ang tanging paraan para makakawala ako sa iyo. I want you dead, Annabelle, not sooner, but later.”



“C-Cedric…” Para akong sinasakal. Masakit sa akin ang sinabi niya. Bago iyon sa pandinig ko. Kahit isang beses ay hindi ko naisip na mamumutawi ang mga katagang iyon mula sa bibig niya. “P-pero asawa m-mo ako,” wala sa sariling saad ko. Mahina lang iyon. Halos bulong nga lang, pero nakarating pa rin sa kaniya. 






“Pinakasalan kita para isalba ang pangalan ko at pangalan nila Angelica na sinira mo, Annabelle, at alam mo iyan. Dahil magaling kang magplano, eh, kaya naitali mo ako sa sitwasyon na ito.”



Umiling ako. Tinakpan ko ang dalawang tainga ko. “T-tama na. Ayoko nang marinig pa ang s-sasabihin mo. L-lasing ka lang…”



“Asawa mo lang ako sa papel. Pero kahit kailan, ay hindi kita mamahalin. Hindi mapapasaiyo ang puso ko. Dahil kahit papiliin ako sa dalawa: ang mahalin ka o patayin ako. Mas pipiliin ko pang mamatay na lang nang tuluyan. Dahil sa sitwasyon nating ito, araw-araw akong pinapatay sa piling mo…”

THE BATTERED WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon