"So, are you gonna stare at me all the time?" Nakangising sabi nya.
"Ang sama mo talaga... Ang sabihin mo, nagkalat ka lang para pahirapan ako."
"Talaga? Did you see me do that?"
"No... Pero kung ano man ang ginawa mo, nakikita ko naman sa galaw mo." nagkibit balikat ako. "Fine! Ill play along with you."
Nag-umpisa na akong magpulot ng mga damit sa sahig at inumpok iyon sa isang pwesto.
Mga isang oras rin siguro ang itinagal ng pag-pupulot ko ng gamit nya at halos nasinup ko na rin ang ibang sulok ng kuwarto nya pero hindi ko parin makita ang damit ko.
Kahit na may aircon sa loob ng kuwarto nya ay hindi naiwasang pinagpawisan ako ng husto sa kakayuko at kakatayo sa bawat sulok ng kwarto nya.
Feeling ko kunti na lang talaga at aapaw na ang inis ko lalaking yun na nakapikit na nakahiga sa sofa.
Maingat na lumapit ako sa kanya. When I make sure na mukhang natutulog na sya ay saka ko pinulot ang isang unan sa paanan nito.
"Nadedemonyo na ang isip ko ngayon..." Sabi ko ng mahina.
Unti-unti kong binababa ang kamay ko na may hawak na unan sa ulo nya.
I push the pillow in his head and when he start struggling like making out breathe, tinabig nya ang kamay ko ng pagkalakas-lakas.
Napa-upo ito na habol ang hininga.
Pulang-pula ang mukha na resulta ng kawalan ng hangin.
"Are you trying to kill me?" Galit na sita nya sa akin.
"Oo! Hindi na tinatanong yan! Gago ka talaga anu?! Nalinis ko na lang kwarto mo pero hindi ko man lang mahanap ang damit ko! Ginagawa mo akong tanga!" Galit na sabiko rin.
"Bakit, sinabi ko bang napasama sa mga gamit na yan ang damit mo?"
"Oo! Kaya nga pinalinis mo sakin 'tong kwarto mo dahil ang sabi mo, andito lang ang damit ko!"
"So kailangan mo pa talagang patayin ako para lang sa damit na yun? How dare you?"
"How dare me? Ikaw, how dare you? Kung wala kang trip sa buhay, wag kang mangdamay ng ibang tao! Cheap ako sabi mo? Mas cheap ka dahil ang boring mo at ang sama ng ugali mo! Ipinagmamalaki mo na fiancee mo ang anak ng Presidente ng school kaya ka nagmamalaki sa sarili mo? Oh well, i congratulate you dahil bagay na bagay kayo! Walang pinagkaiba... Walang duda! Para kayo sa isat-isa! Pero ito ng ang sasabihin ko sayo, mentras na mawala ang damit ko, buhok mo lang ang walang latay, magkakapatayan tayong dalawa!"
Sobrang shock ang mukha nito. Aba dapat lang! May kasalanan sya at gago talaga sya! Hindi ko sya mapapatawad!
"What did you say?" Sabi nito.
Napatawa ako ng mapait. "Eh gago ka talaga eh, sa haba ba naman ng sinabi ko uulitin ko pa?"
Sa dinami dami ng nasabi ko saan dun ang uulitin ko? Aba, loko 'to ah. Hindi kasi nakikinig ng mabuti.
"A-about Kathryn... What about us?" Kunot noong sabi nito.
I arch my brow and cross my arms.
"Uy, in denial ka kuya? Anu yan, kasali ka sa blind edition nang magdecide ang parents nyong ipakasal kayo sa isat-isa?"
"Pwede ba sagutin mo ang tanong ko ng maayos!" Sigaw nya.
"Ba't ka sumisigaw!? Ako ang dapat sumisigaw huwag mo akong pantayan!" Naiinis na sabi ko.
"Ano nga yung about doon sa fiancee na pinagsasabi mo?! Kaninu mo narinig ang balitang yan?!"
"Talagang pretend to be anu?" I nearly drooled.