Match Five

48 0 0
                                    

&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&

The next meeting ay napagkasundoan naming maghalal ng isang leader at dahil sa member namin ang Counsil president, we decided na sya narin ang magiging leader. Not just because he has the background of leading the group, but also he can take care of his members as well. He can manage at the same time... I guess.

I was also chosen as the secretary without everyones approval. Si Daniel mismo ang pumili sa akin kahit na grabe ang tutol ng section 1 na ako ang gawing secretary. But in the end, desisyon parin ng leader ang na-prevail.

After two days ay sinimulan na namin ang pagbi-brainstorming ng project namin. Nasa student council office kami. We used the room as temporary group meeting for the mean time habang pinag-iisipan namin kung saan kami lalagi next week.

Since wala nang pasok sa lahat ng subject namin dahil napagkasundoan ng mga prof na its better to used the time slot of every subjects, we used it for our groupings para madaling masimulan ang project namin, kaya we use all the time in brainstorming and planning.

"Guys, We still have two days before the presentation of our project..." He announced. Sa friday na kasi ang presentation ng project namin. I mean not as a whole but we have to present the ideas on how we come up with our plan. Apparantly... We didn't have the title yet.

"I hope Ill get your ideas very soon..." Pahayag ni Daniel bago nya kami i-dismiss. Hapon nadin yun at nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas.

As usual, wala parin kaming napagde-desisyonang project. Halos lahat ng nai-present namin kay Daniel ay tinanggihan nya.

Maybe, he find it usual and unpresentable. Tsaka metikuloso sya sa pagpipili. He wants an outcome that will describe a word 'Awesome' not 'Perfect'.

Kami lang tatlo ang naiwan sa office since wala si Kathryn dahil may business photo shoot ito kasama ang parents nya for the daily news.

But the good news is, wala pa namang nangyaring gyera sa pagitan naming dalawa sa ilang araw ng pagsasama namin.

Dahil nadin siguro andyan si Daniel...


If you ask how well is Reid, well... Ganun parin. Tahimik at kung kakausapin mo ay bigla ka na lang tatalikuran, sisigawan, ipapahiya at di papansinin. Sya lang ang pinakatahimik sa grupo. Ewan ko ba kung may nai-contribute yan kay Daniel. Mas gusto nya yatang maging loner.

"Magkape muna kayo..." Inilapag ko sa harap nila ang tasa ng kape.

"Thank you Nad." Ngumiti sa akin si Daniel, si Reid naman, dedma. Bahala sya. Umupo ako sa tabi ni Daniel.

Nakita kong hinihilot nito ang noo nya. Naaawa ako sa kanya.

"Stress ka?" Tanong ko.

Bumuntong hininga ito.

"Medyo..."

"Dapat kasi tinanggihan mo yung posisyon mo, alam mo namang ikaw rin ang Council President, mas madami ka pang aasikasuhin kesa sa amin."

"Okay lang ako Nad. Im also grateful na ipinagkatiwala nyo sa akin ang posisyon kong ito, pinili nyo ako kaya wala akong karapatang mag-reklamo."

"Ikaw na ang superman." Biro ko sa kanya. Ngumiti lang sya.

Tinignan ko si Reid na abala sa pagtingin sa laptop nito kaya sumilip ako kung anung ginagawa nya.

Kanina pa kasi sya nakaharap sa laptop nya. Curious lang ako sa ginagawa nya.

PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon