&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&
Krrrrrrriiiiiiing!!! Krrrrrrriiiiiiing!!! Krrrrrrriiiiiiing!!! (Bell ring)
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang patakbo kong tinungo ang classroom ko. Alam ko late na ako...
Malapit na ako sa pinto ng room namin... Kitang kita ko na yung bungaran ng pinto kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Medyo nahirapan pa ako sa pagtakbo dahil sa hawak-hawak ko na mabigat na libro na hiniram ko sa library kanina lang.
Kunti na lang at mararating ko na...
Kunting hakbang na lang talaga...
Mga tatlong dipa na lang ang layo ko sa classroom ko nang biglang bumaba ang tingin ko bigla at nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang malamig na semento na kinadapaan ko.
Narinig kong may tumawa. Hindi lang isa... Madami sila.
Ngayon ko lang na realize na nadapa ako. At di yun sadya... Sinadya talaga.
Sinubukan kong tumayo pero naramdaman kong uminit yung dalawang palad ko. At nanginig yung dalawang tuhod ko.
Dahan-dahan akong umupo. Tsaka ko lang nakita kung sinu ang may dahilan ng pagkadapa ko.
"Oh, Look... Ilang palaka ang nahuli mo ngayon Miss Ugly Worm?" Nakapameywang na sabi nya habang tumatawa naman ang ibang babae at lalaki sa likod nya.
Nasa harapan ako ng classroom ng Section 1. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa kahihiyan.
"Ang lampa naman kasi eh..." Sabi ng kung sinu sa kanila. Nadagdagan na naman ang lakas ng tawa nila.
Nagsilabasan narin yung mga kaklase ko sa Section 7. Yung iba tumawa yung iba quiet lang, at yung iba naawa sa akin.
"Not cool." Sabi ng isang lalaki sa section 1.
"Last section SUCKS!" Dagdag naman ng isa pa.
Imbes na pansinin ko ang pang-iinsulto nila ay hinanap ko na lang ang libro na tumilapon sa kamay ko kanina.
Pagapang kong kinuha ang dalawang libro sa tabi ko.
Kulang pa ng isa...
"Are you looking for this?"
Bumalik ang tingin ko sa nagsalita.
"The Story of Rizal." Basa nito sa book title saka sya ngumiti sa akin.
Sya si Kathryn Bernardo anak ng President ng School na pinapasukan ko.
She flip the First page of the book.
"I see... You borrow from OUR library?"
Sya ang kilala kong tao na ipinanganak na original ng masama ang ugali sa balat ng Kalabaw. Kasing kapal ng balat ng kalabaw ang Make-up nito sa mukha na para bang always may pupuntahang party.
"Akin na." Di ko pinansin ang nakakainis nito na ngiti sa akin.
"Wala bang 'Please'?" She demanded.
"Ibalik mo na sa akin... PLEASE!" Mahinahong sabi ko.
"Such a good follower. You know? I step a poop kanina and I cant rid with it by washing. Can you clean it up for me?"
"What? Ewww..." Maarteng react ni Shaina. Sya ang best buddy ni Kathryn sa lahat ng kalokohan.
"Shut up." Irap ni Kathryn dito.
"Hindi ako shoe-cleaner. Pero kung ibabalik mo sa akin yang libro baka pagtiisan ko pang linisan. Kesa naman sa ugali mong di na malilinis." Mahinang sabi ko sa huling linya.
"What?" Taas kilay na sabi nito.
"Wala..." Sabi ko na lang...
Tumayo na ako kasi feel ko na mas lalo lang akong kaawa-awa kapag nasa sahig ako.
Napangiwi pa ako ng sumakit bigla yung dalawang tuhod ko sa hapdi.
Napatingin ako sa tuhod ko na namumula at dumudugo.
"Akin na..." Hablot ko sa libro na hawak nya. Pero itinaas nito iyon. Luckily matangkad sya kaya hindi na ako nag lakas-loob na abutin yun.
"Ah ah ah... Not so fast..." Tukso nito.
"Anu pa bang gusto mo?" Pigil sa inis na sabi ko.
"Lets have a little more play." Nakakalokang sabi nito.
"Play? Sa oras na ito?"
"Why? Ayaw mo bang maibalik sa iyo ng buo ang libro? If you obey Ill give this book to you and it will be yours, no need to return this stupid book in the library."
Napaisip pa ako.
"Ano bang laro ang gusto mo?"
Ngumisi sya...
"I wa-"
"This book is NOT FOR RELEASE Kathryn."
Makikita sa mukha ni Kathryn ang panlalamig ng makita nya kung sinu ang taong kumuha ng libro sa kamay nya.
"Daniel!" Her words were trembling.
Sya si Daniel Padilla. Isang anak mayaman. Sya ang Council President namin.
"What kind of play do you want this time? How about I play with your grades Miss Bernardo?" Mahinahong sabi nito kay Kathryn. Kathryn cant say a words but a cold smile scape on her lips.
"You're the Presidents daughter, dont ever forget that you should be the first one showing the students how to be a good role model. Not a bullier."
"Daniel, Relax... I wasnt doing anything, YET. Were just having fun with Miss Bookworm here." Rason nya.
"Really? A fun? Is it fun to hurt someone badly and make her laugh-stock?" Tumahimik silang lahat. But Kathryn rolled her eyes.
Di ko alam kung anong ire-react ko, kung ano ang sasabihin ko. But I know what word can describe Daniel. MY HERO!
"Are you okay?" Lumapit sa akin si Daniel at nagulat pa ako ng inspeksyunin nito ang mga sugat ko.
"O-okay lang..." Kiming wika ko.
"This is the last time Ill see you doing this kind of a JOKE Kathryn. Sa susunod sa office ng Prefect na kita ipapadala." Banta ni Daniel kay Kathryn. Napanganga naman si Kathryn at si Shaina sa narinig nila. Pati ang mga ibang estudyante ay nagsibalikan na sa kanilang upoan sa takot na madamay sila.
Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanila baka kasi pagdiskitahan na naman ako ni Kathryn kapag di pa ako umalis.
"Panu na yan, wala ng maglilinis ng poop sa sapatos mo. Nakaapak ka talaga ng poop?" Maarteng tanong ni Shaina.
"Shut up!" Sigaw ni Kathryn. "You wont get away with this Ugly Worm! Im gonna make you pay for this day!"