Naupo na parang pagod si Daniel sa upoan nito. Inabutan ko naman sya ng tubig para marelax sya.
"Thanks Nad." Ngumiti sya sa akin.
"Kailangan mo bang sabihin yun kay Kathryn?"
"Yes, I need to." Sabi nya.
"Totoo bang may permisyo ka ng Predident na gawin yun kahit pa gumamit ka ng dahas para pigilan si Kathryn?"
Ngumiti sya. Tsaka sya napakamot sa batok.
"Kung pwede nga lang sana... But Its just a bluff to trick Kathryn. Wala na akong ibang paraan para pigilan sya sa lahat ng maaari nyang gawin." Sabi nyang napabuntong hininga sa huli.
"Hindi nga?" Di makapaniwalang sabi ko.
"Sorry kung nagsinungaling ako. I have no choice but to do it."
"Hindi." Umiling ako. "Ako nga ang dapat mag Thank you kasi iniligtas mo na naman ako."
"Its nothing... I already told you I want to protect you."
Nginitian ko sya.
"Alam mo, mukhang paniwalang-paniwala si Kathryn sa sinabi mo."
"She does."
"Hindi man lang sya nag-alangan na maniwala sayo."
"You know, simula pa pagkabata namin ni Kathryn ay hindi na malapit ang loob nya sa mommy nya. And thats her weakness. She cant trust her mother. The only sure thing that we know about Kathryn is takot syang mapagalitan." Kwento nya.
"Paanu kapag nagsumbong sya?"
"Hindi nya kayang gawin yun. Trust me."
Kapag nagsasabi talaga ito ng 'trust me' walang gatol na nagsasabi sya ng totoo.
"Saan pala ang daddy nya?" Tanong ko na lang.
"Matagal ng patay ang daddy nya."
"Kaya naman pala ganun syang lumaki. Hindi naman sa kinu-kwestyun ko ang pamilya nya sa pagpapalaki sa kanya, pero mukhang hindi nila sya nabigyan ng panahon at oras. Hindi naman ganun lalaki ang isang bata kapag may gabay lang ng magulang." Di ko alam kung bakit ko yun nasabi. Pero ng makita ko kay Daniel ang reaksyon nito ay nahiya ako.
"I mean hindi ko naman sinasabing kasalanan ng parents nya ang nangayari. Ang gusto ko lang-"
"You're right.... Close si Kathryn sa papa nya, but when he was gone everything's change about her personality... Everything... Nagsimula narin syang umiwas sa mommy nya at galit na sya sa mundo."
"Bakit naman nya iiwasan ang mommy nya ng ganun? Pati ba naman kayong dating kaibigan nya iniiwasan nya rin?"
"I cant blame her... i know its hard for her to accept everything. kung hundi lang dahil... Dahil dun sa-" Nag-aalangan ito sa sasabihin nya.
"Dahil dun sa anu?" Tanong ko.
"Ah, wala. Forget it. Lets just forget about the past." Dinaan nya na lang ako sa ngiti.
"Okay." I agreed. "Gusto ko rin pala humingi ng sorry." Pag-iiba ko ng usapan.
"Sorry for what?"
"Kasi hindi ko sinabing working-student ako." Nakayukong sabi ko.
"Bakit ka naman hihingi ng sorry? Kasalanan mo ba yun? Hey..." Hinawakan nito ang kamay ko.
"Cheer up. I understand you, at kahit pa anung ikinapag-hahanap buhay mo wala akong pakialam. Your my friend and I accept you no matter where you came from, and what you are. You're Nadine- MY BEST FRIEND. Kaya ayukong humihingi ka ng sorry sa akin na para bang may ginawa kang malaking kasalanan. Lahat naman tayo ay may tinatagong sekreto na hindi na kailangan pang ipaalam sa iba." Makahulogang sabi nya. Pero naiintindihan ko sya.