Match Three

24 0 0
                                    

&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&

"Nadine, ang swerte mo naman. Close na kayo agad ni Daniel?" Usisa ng mga classmate ko sa akin ng makarating ako sa classroom.

"Sinamahan ka pa talaga sa infirmary at inihatid ka pa nya dito. oh my Gosh. Pwede na ba akong mag-selos nyan? Gusto ko na din yatang magpadapa sa harapan ni Kathryn kung sya naman ang aalalay sa akin." Sabi ni Jechelle.

[Hindi po ako nadapa lang. Sinadya talagang harangan ang daraanan ko.] Sagot ko sa isip ko.

"Kung ako sa inyo wag nyo nang subukan kung gusto nyong mapayapa kayong makapag-tapos ng high school dito sa St. Bernardo." Banta ko sa kanila.

"Ito naman, nagbibiro lang." Natakot naman sila sa sinabi ko.

"Pero alam mo, may bago daw transferee dyan sa section 1, Galing America." Balita nito sa akin.

"Talaga? Anu daw pangalan?" Usisa ko din. Nakakapagtaka naman, papasok na kasi ang final kaya rare lang na may transferee.

"Parang katunog ng kulay eh... Teyka..." Nag-isip pa ito. "Nasa primary colors ang name nya eh... White, blue, yellow, green? Parang Green yata..."

(0,0?")

"Green? Baka Red?" Pagtatama ko.

"Oo, tama! Red!"

(_--"")

Kaya nga pinagtatawanan ang Section namin eh...

(TTo)=O (sigh)

"Teyka, may na-remember akong ganyang pangalan eh..."

Nag-flashback yung kanina sa infirmary.

'Meet my bad boy cousin, James Reid.'

"Jame Reid?" Nasabi ko ng malakas.

"Oo. Kilala mo? Nakita mo na? Anung histura? Guwapo? Mayaman?" Ganyan ang mga tanong nila.

"Oo. Pero-"

Na stock-up ako ng magsitilian ang mga kaklase ko kaya napatingin ako bigla sa labas ng classroom namin.

"Nadine! May naghahanap sayo!" Yamot na sabi ng kaklase kong babae sa akin.

"Sinu naman kaya yun? Artista?" Sabi ni Jechelle.

"Tignan natin, may naghahanap din daw sa akin eh."

Tinulongan akong alalayan ni Jechelle para makadaan sa nag-umpokang mga estudyante.

"Excuse me... Padaan... Dadaan ako... Padaan..." Sabi ko habang nagsusumiksik akong makadaan sa mga nagtitilian na mga classmate ko.

"Nadine!" May sumigaw sa pangalan ko. Agad ko naman natunton ang taong tumawag sa akin.

"Daniel!" Sigaw ko din.

Tumigil sa pagtitilian ang mga classmate ko at pinagtinginan nila kami. Ramdam kong nagbulongan sila.

"Ai, totoo nga... Close na sila..." Someone whisper that.

"Bakit? May kailangan ka?" Sabi ko ng makalapit si Daniel sa akin.

"Tara, recess tayo..." Nakangiting wika nya.

"Recess? Ang aga pa ah... Di pa nag-bell ah?" Kunot noong sabi ko. Wala akong narinig na tunog ng bell eh.

"Tapos na kaya. 9:32 na nga oh." Pinakita pa nito ang oras nya sa relo.

"Ay! Oo nga... Di ko siguro narinig dahil sa sobrang ingay ng mga classmate ko." Natatawang sabi ko.

PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon