$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$
"Can you walk?" Nagulat na lang ako ng biglang may umalalay sa akin..
"Oo... Salamat." Nahihiyang sabi ko ng alalayan nya ako sa paglakad.
"Ill take you to the infirmary. Lets clean your wound bago pa man ma-infection."
"Wag na, kaya ko naman..."
"No. I insist. I also want to talk to you..."
"Talk about saan?"
"Basta... Sa infirmary ko na sasabihin."
"Pero may pasok pa ako, kanina pa ako late."
"Dont worry, all the Prof is on the Meeting right now. Kaya walang first Prof na papasok sa first subject."
"Kaya pala. O sige tara..."
&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&
"Anong nangyari dito?" Tanong sa amin ng nurse habang ginagamot nito ang sugat ko.
"Its Kath-"
"Nadapa po ako sa pagtakbo." Agaw ko sa sasabihin ni Daniel.
Tinignan ako ni Daniel nagtatanong ang mata nito.
Alam kong sasabihin nitong kagagawan ni Kathryn ang mga sugat ko. Pero ayuko ng lumaki pa ang gulo dahil lang sa nangyari.
"Bakit ka kasi tumakbo? Hayan, magkaka-peklat yan."
"Okay lang po. Sanay na ako..." Sabi ko na lang para wala ng maraming tanong. At least buhay pa naman ako, yun ang importante.
"Bakit mo yun sinabi?" Tanong sa akin ni Daniel ng umalis na ang nurse.
"Ang alin? Na nadapa ako? Totoo naman na nadapa ako..."
"Yeah, thats true but it was Kathryn's fault kung bakit ka nadapa at nagkaroon ng bruises."
Natutuwa ako dahil may isang taong nag-aalala para sa akin.
"Okay lang yun, sanay naman ako eh."
Nagulat ako ng bigla nyang hablotin ang kamay ko pataas.
"Is this one of the results of Kathryn's pranks?" Makikita sa mata nito ang galit ng makita nya ang malaking peklat na nasa braso ko.
"H-hindi..." Binawi ko ang kamay ko at umiwas ako ng tingin sa kanya. Hinaplos ko ang marka ng peklat ko sa braso. Ramdam ko pa...
"Matagal na ito." Di makatinging sabi ko sa kanya.
"Sorry..."
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit ka humihingi ng sorry?"
"Being a president, I cant accept the fact na may estudyanteng katulad mo na binu-bully nila and I cant do anyting to keep you away from that happening. Ako yung controller pero hindi ko naman magawang pasunorin ang inferior sa akin."
Nagulat ako. Wala akong ibang kilala na nagsabi ng kanilang saloobin tungkol sa kinakaharap nila. Si Daniel pa lang ang una. At mas nakakagulat dahil he feel guilty and sorry sa mga kagaya ko na pinapahirapan ng iba. Para bang feeling ko nararamdaman nya ang nararamdaman ko kaya ganun na lang sya kung makapag-react.
"Hindi ah... Alam mo malaking tulong na sa akin yung ginawa mong pagtatanggol sa akin kanina over Kathryn. Salamat..."
Ngumiti naman sya kahit papanu. Pero andun parin yung guilt.