Ilang minuto narin akong nakatingin sa kawalan.
Para lang akong tanga na naghihintay sa wala. Wala naman akong hinihintay na himala na babagsak sa ilalim ng punong sinilungan ko.
Wala lang talaga akong balak na bumalik sa Office dahil takot ako na magkasigawan na naman kaming dalawa ni Kathryn.
Hindi ko naman sinadya na sigawan sya at nagulat lang din ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko.
Napabuntong hininga ako.
Nakakahiya kay Daniel, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya kapag magkita kami. Wala akong boses na pwedeng iparinig sa kanya matapos kong ipahiya ang sarili ko kanina.
Haaay...
"Maybe I should quit?" Sabi ko sa sarili ko.
"Nadine... Hindi ka parin nagbabago."
Kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng marinig ko ang boses nya.
Nilingon ko ang humihingal at pinagpapawisang si Daniel.
"... ... ... ..."
[Im sorry kung umalis ako matapos kong sabihan ng masasakit na salita si Kathryn. Im sorry dahil hindi ko nagawang magpaliwanag sayo, natakot ako na baka sigawan mo rin ako o magalit ka... Dahil sa nakita nyong magkasama kami ni Reid. Pero hindi ibig sabihin nun ay may nangyari ng masama sa amin. Hindi totoo na malandi ako, na nagpapaka-inosente lang ako para kaawaan mo ako. Hindi ko yun magagawa sa iyo at hindi ko kayang gawin yung binibintang sa akin ni Kathryn. Maniwala ka...] gusto kong sabihin yan sa kanya pero wala akong lakas ng loob. Yumuko ako sa kadahilanang mahina ako.
"Im sorry..."
Lumuhod sya sa harapan ko. Nagulat ako sa ginawa nya.
"Im so sorry Nadine... I am so stupid."
"Dan-"
"Sorry because pinag-isipan kita ng masama. Dahil dun hindi ako agad naniwala sayo... After you say those words to Kathryn I thought to myself that Im also a stupid. Na-explain na sa akin ni Reid kung ano ang nangyari." He smiled bitterly.
Hinawakan nito ang dalawa kong kamay na may bandage.
"Im sorry I wasn't there to help you."
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Hindi mo yun kasalanan."
"Nad- galit ka ba sa akin?"
Tumingin ako sa kanya sa mga mata. Napaka-lungkot ng mga mata nito.
"Hindi... Wala ka namang ginawang masama."
"Bakit ka tumakbo?"
"Nahiya ako sa mga nasabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko yun sinabi... Hindi ko naman yun sina-"
"Shhh... Wala akong pakialam kung may nasabi ka mang hindi maganda. May point ka dun, mali kaming dalawa ni Kathryn. Hindi dapat kami naghinala ng makita namin kayo. Kasalan ko rin dahil nagpadala ako sa emosyon ko. Hindi kita dinepensahan. Wala akong nagawa... Nasabihan ka ni Kathryn ng mga pangit na salita."
"Daniel, hindi sa nagpapakaawa ako para lang kaawaan mo ako. Gusto ko lang malaman mo na ganito na talaga ako... Yung kanina... Hindi ko alam kung anong nakain ko. Ang bilis ng pangyayari... Hindi ko sadyang pagsabihan ng masasakit na salita si Kathryn."
"Alam ko Nad. Kilala kita... Nagawa mo lang idepensa ang sarili mo dahil wala na sa tama si Kathryn. Hindi ka nya dapat sinabihan ng ganun..." Pagpapaliwanag nya,
"Ako nga ang dapat humingi ng tawad sayo. Hindi ko natupad ang pangako kong poprotektahan kita kay Kathryn o sa mga nananakit sayo. Hindi ako tunay na kaibigan-"