Match Twelve

17 1 0
                                    

Mga ilang katok pa ang ginawa ko bago bumukas ang kawayan na pinto namin.

"Umuwi ka pa?" Salubong ang kilay nito ng makita ako.

"Tyang-"

"Akala ko lumayas ka na eh. Sa susunod totohanin mo na ha?"

"Pasensya na tyang-"

"Wala akong pakialam kung may mangyari man sayo na masama. Mas okay nga yun e para iisa lang ang rason na sasabihin ko sa tatay mo sa tuwing bumibisita ako... Na wala ka na." Pagkatapos ay ngumisi ito.

Hindi na ako nagsalita pa at pumasok na lang ako sa loob. Sinundan parin nya ako.

"Saan ka ba galing na dis-oras ng gabi ha?"

"Nasa kaibigan ko lang po. May kinuha lang akong gamit." Mahinahong tugon ko.

"Talaga? E sinu yung lalaking nakakotse na naghatid sayo? KAIBIGAN mo?"

"Opo."

"Ang gara naman ng KAIBIGAN na yan anu? May kotse at Maypa-regalo pa syang nalalaman."

Napatingin ako sa paper bag na dala ko.

Hindi na ako kumibo at dumeretso na ako sa kwarto.

"Oy Nadine... Kelan mo pa sinuko yang puri mo a? Kakaiba naman yang racket mo ngayon anu? Nakikiuso ka narin pala..."

Isinara ko na ang pinto ko.

Pasalampak na nahiga ako sa kama.

Sanay na ako sa mga masasakit na pasaring sa akin ng tiyang Elissa. Kapatid sya ng tatay ko at dito sya nakitira simula ng mawala si Nanay.

Hindi kami magkasundo dahil alam ko namang simula pa sa una ay ayaw na nya ako. Hindi nya ako tanggap...

Nasasaktan ako sa tuwing may sinasabi syang mga bagay na labag sa aking kalooban pero pinagsasawalang-bahala ko iyon dahil mahal ko ang pamilyang ito. At ayukong gumawa ng hakbang na tuloyang sisira sa amin. At itinuturing ko narin syang pangalawang ina.

Napabuntong hininga pa ako at ilang minuto pa akong nakahiga tsaka naalala ko yung uniform ko, kailangan ko pang ibabad yun baka sakaling maaalis ang kapal ng tinta sa damit ko.

Bigla na lang akong may na feel na nagba-vibrate.

Anu yun?

Parang nagba-vibrate rin ang kama ko sa lakas nito.

Hinanap ko naman ang pinanggalingan niyon.

Nang makita kong may umiilaw sa loob ng paper bag ay dali-dali kong hinanap ang pinanggalingan ng ilaw.

Laking gulat ko sa nakita ko... May napasok na cellphone sa bag ko. Lagot! Saang lupalop naman nanggaling ang cellphone na 'to?

Naku! Baka hinahanap ng may-ari ito ngayon pagkatapos nasa sakin pala. Baka pagbintangan pa akong magnanakaw!

Halata pa namang mamahalin ang brand nito dahil touchscreen sya.

Hindi parin tumitigil sa pag-vibrate ang cp at may naka-sulat sa screen nito na

My King is calling ang naka registered sa screen nito.

I swipe the screen to answer.

Tinapat ko sa teynga ko ang speaker nito.

[hello?] a guy voice echoed in the line.

[h...hello?] kinakabahang sagot ko rin.

Naku! Baka magalit 'to, patayin ko na lang kaya? Pagkatapos bukas hanapin ko kung sinu ang may-ari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon