I- Marky and Jack
Maagang nagising si Marky sa di niya malamang dahilan. Sa kanyang pag-iisip ay bigla niyang naalala na ngayon ang araw na lilipat na sila ng bahay. Kaya bumangon na siya at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba na siya para magbreakfast. Sakto naman na nanduon na ang kaniyang mom at dad sa hapag. "Goodmorning mom, dad. Asan po si kuya?" ani Marky
"Maaga siyang umalis papunta sa bago nating bahay para siya na daw ang magbubukas para sa atin doon. At tsaka nadala niya na rin yung karamihan sa mga gamit natin." wika ng mom niya.
"Ehh ikaw ba Mark? Naayos mo na ba mga gamit mo?" tanong sa kanya ng dad niya.
"Ahh, opo dad nakaayos na ang lahat." ani Marky
Matapos kumain ay naghanda na sila para sa kanilang pag-alis. Matapos ng pag-aayos ay lumabas na sila sa mansyon. "Nadala mo naman lahat ng kailangan mo Mark?" tanong ng mom niya.
"Yes mom. Nandito na po lahat ng kailangan ko." -Marky
"Mabuti naman. Kung ganun ay pwede na tayong umalis." sabi ng dad niya. At tuluyan na nilang nilisan ang mansyon. Habang nasa sasakyan si Marky ay bakas sa kanya ang kalungkutan dahil sa paglisan nila sa subdivision na yun. "Ito na talaga yun. New Home, New Life" wika niya sa kanyang sarili. Naglagay siya ng headset at tsaka nagpatugtog, hanggang sa nakatulog na siya...
"Ahh young master gising na po! Nandito na po tayo sa bago niyong bahay" pagising sa kanya ng driver niya. "Nandito na pala kami" bulong niya sa sarili. Paglabas niya ay namangha siya sa nasa harapan niya. "Nagustuhan mo ba anak?" tanong ng dad niya.
"Grabe dad! Mas malaki ito sa bahay natin noon. Mansyon pala ang nabili mo. Astig dad!" tuwang-tuwa na sabi ni Marky
"Mabuti naman pala at nagustuhan mo ang bagong bahay natin anak." wika ng mom niya
Matapos ay pumasok na sila sa napakalaking mansyon. Limang palapag ang mansyon nila. Ang unang floor ay ang dining, kusina, garden, pool at kuwarto ng mga katulong. Sa ikalawang palapag naman ay study room, home theater, library, mga guest room at iba pa. Sa ikatlong palapag ay ang kuwarto ng mga magulang ni Marky. Ang ikaapat ay kuwarto ni Marky (buong 4th floor) at ang huli ay laundry area (kalahati ng 5th) at pool ulit. Talagang namangha si Marky sa mansyon nila dahil triple ang laki nito sa dati nilang mansyon. Pero nagtataka siya kung bakit walang kuwarto para sa kuya niya at kung bakit wala duon ang mga gamit nito. Kaya pumunta siya sa kuwarto ng mom at dad niya para magtanong. Kumatok muna siya sa pinto at pinapasok naman siya agad. "Bakit ka naparito anak? May problema ba?" tanong ng mom niya.
"Ahh mom wala naman po. Itatanong ko lang po sana kung bakit wala ang mga gamit ni kuya at tska kung bakit wala siyang kuwarto dito sa bahay?" tanong ni Marky
"Di pa nga pala namin nasabi sayo anak. Yung kuya mo kasi, siya yung nakatira sa dati nating bahay. Kaya nga pinaiwan na yung mga appliances natin doon at tska yung iba pang gamit. Kumbaga, sa kanya na yung property na yun." paliwanag ng dad niya.
"Ahh ganun po ba. Kaya po pala naiwan yung mga gamit." ani Marky
Matapos ay pumunta na ulit siya sa kanyang kuwarto upang magpahinga.
***
***Marky's POV
Magaalasotso na nang ako ay magising sa napakalaki kong kuwarto. Biruin mo, isang buong floor ang kuwarto ko. Lahat ng gamit bago. At tsaka may lugar pa sa bahay na ito para makapagskate board ako. Yeah, i love skateboarding kahit di naman ako ganun kagaling dun. Pero bukod dun mahilig din ako sa kumanta at sumayaw. Di naman ganun kataas ang boses ko pero rapping talaga ang forte ko. Nga pala! Kung anu-ano na ang sinabi ko pero di niyo pa ako kilala. Btw, ako nga pala si Mark Tuan, Marky nalang for long. Haha! Ako ay tahimik at pala aral. So ayun na nga, bumaba na ako para kumain ng dinner. Pagbaba ko sa kusina ay nakita ko sila mom at dad na nakupo na kaya sumabay nako kumain sa kanila. Matapos kumain ay umakyat na ako sa taas para magpahinga ulit. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto. "Anak, gising ka pa ba?" tanong ni mom mula sa labas.
"Yes mom. Come inside." sigaw ko.
Pagpasok ni mom ay tumabi siya sakin at tinanong ako kung kailan ko daw ba aasikasuhin yung 11th grade ko sa L.A . Pero dahil sa makulit ako at ayoko pa, sinabi ko sa kanya na hindi muna sa ngayon. Gusto ko kasi tuparin muna yung isa ko pang pangarap. Ang maging performer. How ironic diba? Nagtataka nga ang lahat kung bakit ganun daw ang pangarap ko, pero to clear things out; Hindi ako gay, maski bisexual. Matapos nun ay umalis na siya sa aking kuwarto. Dahil di ako makatulog, nagdecide akong tawagan ang bestfriend kong si JB para ayain sa magbar. Makailang ring pa ng sagutin niya ang tawag."Hello pre? Musta bagong lipat?" tanong niya sakin.
"Ito masaya kasi mas malaki na ang mansyon namin. Kaya nga ako magpapasama sa bar ngayon para magcelebrate." sabi ko.
"Ayos pre! Sakto yan sa sasabihin ko sayo! Tatawag na din ako ehh dahil may ibabalita ako sa'yo." masayang litanya niya.
"Ah sige! Magkita nalang tayo sa *** bar." sabi ko at binaba na ang tawag. To tell you guys honestly, i don't usually go to clubs and hindi ako nainom ng alak masyado. Nagbihis nako at tska umalis. Sumakay ako sa bagong bigay sakin ni dad na kotse. At nagdrive na papuntang *** bar. At dahil traffic sa pilipinas ayan, nastock ako sa traffic. Nagpatugtog nalang ako sa kotse. Habang ineenjoy ko ang traffic sa edsa ay nagulat ako ng may biglang pumasok sa loob ng kotse ko. Sh*t! Di ko pala nalock!
"Hoy! Sino ka!?" sigaw ko sa lalaki.
**********
**********
**********Annyeong!! Chapter one is here :) I hope you like my story. To tell you guys honestly, mabilis lang po ang takbo ng story na ito. Sa sobrang bilis, di niyo mamamalayan na tapos na po ang story ko.! Hahaha! Siyempre joke lang yun. So stay tuned lang po! Sana po ay patuloy niyo pong subaybayan ang story kong ito.
Vote-Comment-Follow
Until my next update! :)
-aaronauticss-
BINABASA MO ANG
Once Upon A Kiss [markson]
FanfictionHalik... Nagsimula ang lahat sa isang halik. Ang halik na babago sa tahimik na buhay ni Marky. Ito ba ang magiging daan upang mahanap niya ang taong magmamahal sa kanya o ang taong mananakit sa kanya? Paano kung dumating ang araw na mahulog ang loob...