II- The Kiss 💋
Jack's POV
"Hoy! Sino ka!?" sigaw nung lalaking nasa loob ng sasakyan. Paano ba ito, baka akalain niya na holdaper ako. Pero ang gwapo ko namang holdaper? (A/N: Yabang much oppa? Tsk!)"Pwede ba patago muna ako dito? May humahabol kasi sakin sa labas ehh. Ayun ohh!" sabay turo ko sa kanya nung mga lalaking humahabol sakin.
"Anong pakielam ko? Baka mamaya kasabwat mo pa yan tapos kunin niyo lahat ng ari-arian ko dito." Langya! Di to pwede mag-ingay ng ganito. Baka marinig ng mga bisugong yun at pumunta dito. "Please naman maniwala ka! Kasi nga patay ako sa mga bisugong yun! Teka! Bakit ba ang ingay mo? BAKLA ka ba?"
"Ehh gago ka pala ehh! Ako bakla? Sapakin kaya kita jan ng makita mo? At tsaka pakielam mo ba ehh kotse ko ito! Labas!" sigaw ng lalaki sakin.
"Di nga pwede! Ang kulit mo!" shit! papalapit na sila dito!
"Ayaw mo ahh!!" sabi niya tas binuksan niya yung bintana ng sasakyan niya.
Ano na bang gagawin ko? Arrrgghhh!!!! At ang mas ikinagulat ko pa ay nung sumigaw siya. " Hoy mga pare nandito yung hinahanap niyo!!!"
Di pwede to. Palapit na sila! Agad kong hinila yung lalaki at hinalikan.
Naglapat ang mga labi namin. Tila ba may kuryente akong naramdaman sa buong katawan ko at parang huminto ang oras. Ang lambot ng labi ng isang to at matamis.
"Kadiri naman to mga pare, dito pa sa highway naglalampungan. Mga bakla. Tara na nga, nakalayo na ata yung lalaking hinahabol natin!"
Bumalik ako sa katinuan ng bigla akong tinulak ng lalaki. "Gago ka ahh!!! Ambastos mo!" sabay sapak sakin. Anlakas ng sapak niya, dumugo yung labi ko.
"Ang ingay mo kasi ehh! Akala mo ba gusto kong halikan ka? Asa ka!" sabi ko at tuluyan nang umalis sa loob ng sasakyan niya. Pumara na ako ng taxi at dumiretso na sa condo ko.
Marky's POV
"Pre, di na muna ako makakapunta sa bar. Sumama bigla pakiramdam ko ehh." sabi ko sa kabilang linya habang nagdadrive ako pauwi ng bahay.
"Sige pre, tutal paalis pa lang din naman ako ehh. Kita nalang tayo bukas kasi importante talaga itong sasabihin ko." sabi ni JB
"Sige pre, text nalang kita kung saan tayo magkikita bukas." sagot ko naman bago ibaba ang telepono. As i said kanina, pauwi nako kasi bigla talagang sumama pakiramdam ko. Sino ba naman di sasakit ang ulo kapag nahalikan ka ng kapwa mo lalaki? Kainis grabe! Gusto ko na ngang pasabugin mukha nun kanina ehh. Pero ang pinagtataka ko, parang huminto yung mundo ko kanina habang ano... yung ano niya... aiisshhh!!!! ayoko na maalala yung bangungot na yun!
Pagkarating ko ng bahay agad akong dumiretso sa mini bar sa kwarto ko (remember? sa kanya yung buong 4th floor XD). Kumuha ako ng wine at tinungga ito. Gusto ko muna makalimot sa nangyari. Nakakadiri talaga yung kanina. Kakainom ko, di ko namalayan na naparami na pala ako kaya unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Hanggang sa makatulog ako...
Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Nakatulog pala ako sa mini bar ko. Ewan ko ba kay dad, naisipang magpalagay ng mini bar sa kwarto ko. Aaarrrggghhh! Ang sakit ng ulo ko. -_- May nagriring ahh, asan na ba yung phone ko? Baka tumatawag na si JB.
Young Mula, baby
I woke up all last night
I know this hoes ain't right
But you was blowin' up her phone last night
But she ain't have a ringer nor her ring on last night ooh~
Sinagot ko na yung tawag. "Hello pre? Diba sabi ko sayo magkita nalang tayo mamaya? Kakagising ko lang ehh." sabi ko sa kabilang linya.
"Yun na nga pre, nagpunta nako jan sa inyo kanina. May iniwan ako sa yaya niyo. Kunin mo nalang kasi maya-maya eh flight ko na papuntang seoul. Emergency daw sa KE kailangan ko nang bumalik." ani JB
"Sige pre. Pero teka ano ba kasi yun? Ano ba yung pag-uusapan dapat natin.?" tanong ko sa kanya.
"Ehh kasi, wala nang 2J Group..."
"Huh? Paano yung career niyo nung Junior ba yun?" pagputol ko sa sasabihin niya.
"Easy ka lang pre, ganito nga kasi yun." At ayun nga, kinwento niya yung nangyari. Di pa naman daw sila mawawalan ng career kasi magkakaroon daw ng bagong boy group. At isa na sila nung Junior yung sure na member ng boy group na yun kaya wala naman daw problema. Yung binigay niya naman saking mga papeles, recommendation yun sa KE para maging trainee nila for the new boy group. At ang sabi niya, dalawang member nalang daw ang kulang so i think kailangan ko nang lumipad ng seoul as soon as possible. Di ko na rin problema yun dahil nakaready na ang flight ko, by next week i will be heading to Korea for the audition.
After ng call, dumiretso na rin ako kay mom at dad para magpaalam. And thank god naman kasi pumayag sila sa gusto ko. They support me naman daw kaso nga lang, baka di ko na matuloy yung 11th grade ko sa L.A .
---------------------------------------------------------------------------------------------
Madaling lumipas ang mga araw... Madaling naayos ni Marky ang lahat ng mga kailangan niya para sa pagpunta niya sa Korea. Nainterview na rin siya ng KE via skype kaya di na rin siya gaanong mahihirapan pagdating niya duon. Hindi na din siya mahihirapan maghanap ng matitirahan niya sa seoul dahil may resthouse sila doon (A/N: Marky is half korean and half pinoy po dito sa story kaya may bahay sila sa Korea, and yung bahay na yun minana ng papa niya sa lolo niya XD).
Samantala, si Jack naman ay tumungo na sa Korea dahil isa siya sa mga nakapasok sa naturang boy group sa Korea's Entertainment. Sobrang masaya si Jack dahil matutupad na ang pangarap niya at dahil suportado din sa kanya ang mom at dad niya. Nakilala niya na din ang kaniyang manager pati na din sila Youngjae at Yugyeom. Napag-alaman niya din na may ipakikilala din sa kanilang tatlo na dalawang kasama nila sa grupo at kulang pa sila ng dalawa sa grupo.
----------------------------------------------
Someone's POV
"Butr, khuṇ næ̀cı ẁā khuṇ t̂xngkār thī̀ ca pị xxdi chạ̀n keāh̄lī?" tanong sakin ni mom.
"Yes mom! I really want to do this. This is my dream so i need to pursue it. Don't worry about me mom, i will be alright in Korea." pagkumbinsi ko sa kanya.
"T̄ĥā khuṇ bxk ẁā chı̀ læ̂w khrạb mạn! P̄hm rạk khuṇ lūkchāy k̄hxng c̄hạn" sabi naman ni mom.
"Thanks mom! I love you too. Bye" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.
Pagkatapos ng conversation namin ni mom ay agad na akong umalis ng bahay. Pagdating ko sa airport bigla akong naexcite! This is it! I'm ready to be a superstar! Bye my Hometown and hello to my new home....Korea *^-^*
**********
**********
**********Annyeong readers!!! Heres our chapter two. Kilala niyo ba kung sino si Someone? Hehe. Hulaan portion po tayo. Kung sino makakahula at unang makakapagcomment kung sino, may dedication po kayo sa chapter four. Doon ko na po kasi siya ipapakilala. Hehehe... Kaya po comment lang po kayo :)
Vote-Comment-Follow
Until next update mga ka-OUAK :)
-aaronauticss-
BINABASA MO ANG
Once Upon A Kiss [markson]
FanfictionHalik... Nagsimula ang lahat sa isang halik. Ang halik na babago sa tahimik na buhay ni Marky. Ito ba ang magiging daan upang mahanap niya ang taong magmamahal sa kanya o ang taong mananakit sa kanya? Paano kung dumating ang araw na mahulog ang loob...