VII- Roommates

38 2 0
                                    

VII- Roommates

Marky's P.O.V

Matapos ang ilang araw na pagstay ko sa Pilipinas, atlast ay nakabalik nako dito sa Korea. I'm currently heading my way to the address given by JB. Pinadala niya na din yung mga gamit na kailangan ko sa araw-araw. In short, lilipat na kami sa dorm na titirahan namin for good.

***

Nang makarating si Marky sa nasabing address ay agad siyang umakyat sa ika-apat na palapag kung saan matatagpuan ang dorm nila. Agad siyang sinalubong nila JB, Bamie, Yugyeom, at Junior upang tulungan siyang buhatin ang mga kagamitang dala niya. Nang makaayos, agad na sinabi ni JB kay Marky na nagkaroon ng bunutan para sa mga magiging mag-roommates. Si JB at Youngjae ang nasa unang kwarto, si Bamie, Yugyeom at Junior sa ikalawa, at si Marky at Jack ang sa ikatlo. Sinabi din ni JB kay Marky na baka di makapunta sila Jack at Youngjae sapagkat may inasikaso daw ang mga ito na importanteng bagay. Agad siyang pumunta sa kuwarto nila nung Jack at pumasok.

Marky's POV

Maganda naman yung kuwarto, parang para sa dalawang tao talaga ang disenyo nito. May dalawang kama na pinagigitnaan ng isang maliit na cabinet. Dun ako pumuwesto sa malapit sa bintana. Sanay na naman ako sa hindi kalakihang kwarto dahil maliit lang naman ang kwarto ko sa bahay ko dito sa Korea. Nagpatugtog ako ng kanta sa aking speaker hanggang sa ako'y makatulog.

Nagising ako sa kalabog na nanggagaling sa kabilang higaan. Nang lumingon ako ay wala naman akong nakitang tao kaya napabangon ako upang mas makita ko ito nang maayos. Laking gulat ko sa nakita ko! Siya yung gagong lalaki na basta nalang pumasok sa loob ng kotse ko sa Pinas at nanghalik pa sa akin. In short gago at manyak na bakla na ewan! Arrrgghhh!!! Nag-init bigla yung dugo ko sa pag kakita ko sa kanya. "Hoy ikaw!" sigaw ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya pero nang makilala niya ako agad din siyang sumigaw, "Anong ginagawa mo dito!? Don't tell me..."

"OO PUNYETA KA AKO ANG ROOMMATE MO DITO DAMUHO KA!!" bulyaw ko sa kanya.

"Aba! Sumosobra ka na ahh! Ikaw na nga itong nakatikim sa matipuno kong labi ikaw pa ang galit na galit diyan!?" pang-aasar niya.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo ano!? Sino kayang walangyang bigla nalang papasok sa sasakyan ng iba tapos ang yabang yabang pa akala mo sa kanya ang sasakyan!" malakas na sigaw ko.

Sasagot pa sana siya ng biglang pumasok yung lima pa naming kasama sa bahay. "Hey anong nangyayari sa inyo?" nagtatakang tanong ni JB.

"Magkakilala kayo?" tila gulat na tanong ni Jae.

~SILENCE~

"Oo, at masama ang ugali niyang lalaking yan. Kaya pwede ba, huwag niyo siyang isasama sakin sa kuwartong ito at baka mapatay ko pa yan." gigil na sabi ko.

"Aba, sino bang may gusto na makasama kang payatot ka? Kung ako lang din ang papipiliin, di kita gustong kasama." mapang-asar na sabi niya na lalong nagpainis sakin.

"Ang kapal..."

"Hep hep hep! Itigil niyo nga yan! Para kayong mga bata!" pagputol sakin ni JB.

"Hoy kayong dalawa, nagbunutan na tayo at hindi na mababago yun period. Kaya kung ako sa inyo, pag-aralan niyo nang maging magkaibigan or kahit ayusin niyo lang yang gulo niyo para tahimik ang lahat. Okay? at kayong apat, balik na sa kwarto." Sabi ni JB sabay alis nilang lahat sa loob ng kwarto namin nitong lecheng to.

Nako! Mukhang magiging impyerno tong kwarto na to dahil sa demonyong kasama ko!!

Jack's P.O.V

Napakaliit nga naman talaga ng mundo ano? Akalain mong magkikita kami ulit nung lalaking nahalikan ko sa Pilipinas, and take note MAKAKASAMA KO PA SA KWARTO! How ironic diba? May kaaway nanaman ata ako nito araw-araw. Tsk. Mukha pa naman sanang mabait at tsaka masarap pa naman yung hal...SH*T!! ANO BA ITONG MGA INIISIP KO!! Matapos ang kaguluhan kanina ay lumabas na din muna ako ng kuwarto baka mamaya talakan nanaman ako nung baklang yun. Kaya ito ako ngayon nasa may sala nagpapahinga dahil sobrang napagod talaga ako sa pinuntahan namin ni Jae kanina. Inilagay ko muna ang headset ko at tsaka pumikit habang nakikinig ng music.

"Pst!"

Agad akong napabangon nang makarinig ako ng sumisitsit sakin. Paglingon ko nasa labas ng kuwarto si Bamie. "Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman hyung. Pwede ba akong tumabi sayo?" sabi niya.

"Sure, upo ka dito." sabay tap ng pwesto sa tabi ko.

"Hyung, magkakilala pala kayo ni Marky?" tanong niya sakin pagkaupo niya.

"Ah...ehh.. oo na hindi." nag-aalangang sagot ko.

"Huh? Paano nangyari yun?" tanong niya ulit.

"Ganito kasi yan..." at sinabi ko sa kanya yung nangyari maliban dun sa kadiring part.

"Ahh... kaya pala galit na galit siya sayo. Pero di naman ganyan si Marky hyung ehh kasi kami unang naging magkakilala. Mabait siya hindi masungit at mahangin. Baka namiss-interpret niyo lang ang isa't isa. Hehe" mahabang sabi niya.

"Ewan ko din. Di ko pa naman siya masyadong kilala eh pero para kasi siyang bakla. Andaming sinasabi lagi." sabi ko naman.

"Nako mali ka, napakatahimik niya at misteryoso. Ang weird nga ehh pero mabait talaga siya. Osya, pasok nako sa kuwarto inaantok nako ehh." sabi niya naman.

"Sige. Ako din papasok na sa kuwarto para makapagpahinga na din ng maayos." sabi ko at sabay kaming tumayo para magpunta sa kanya kanyang kuwarto. Nang makapasok ay tulog na siya kaya humiga nadin ako sa sarili kong kama. Inilagay ko uliy ang headset ko sa aking tenga at tsaka pumikit.

"Nako, ihahanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari sa mga sususnod na araw sa pagitan naming dalawa. Tiyak impyerno ito. Tsk." pabulong na sabi ko bago ako tuluyang natulog.


**********

**********

**********


Annyeong! Sorry kung ngayon nalang ulit nakapag-update. Super busy kasi sa Dentistry college life eh. Pero don't worry babawi ako this vacation. Hehe.

VOTE-COMMENT-SPREAD

Until next update!

-aaronauticss-

Once Upon A Kiss [markson]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon