VIII- Rules and Regulations
**CUTIE MARKY HERE**
Maagang nagising si Marky sa kadahilanang di naman talaga siya nakatulog ng maayos. Tila hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking nasa kabilang higaan ay ang lalaking unang nakahalik sa kanya. Tila may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing tinititigan niya ang lalaking ito. Di niya mawari kung natutuwa ba siya o naiinis sa lalaking ito at kung bakit nga ba siya magiging masaya kung gayong alam niyang sinisira ng lalaking ito ang sistema niya.
"Hindi ito maaari Marky! Kailangan mong gumawa ng paraan para maiwasan ang lalaking ito." sabi niya sa kanyang isipan.
"At bakit naman? Dahil ba sa katotohanang naaattract ka sa kakisigan ng lalaking sa kabilang higaan?" sagot naman sa kanya ng kanyang isipan.
"Hindi! Dahil lalaki ako! Alam ko na! Para maiwasan naming mag-away dito sa kwartong ito, gagawa ako ng rules." tila disperado niyang tugon sa kanyang malanding isipan.
***
Jack's P.O.V
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mga mata. Agad kong chineck ang oras sa cellphone ko, 6 a.m na pala. Pagbangon ko ay natigilan ako dahil may malaking papel na nadikit sa pader ng kwarto. Agad akong napatingin sa kabilang kama ngunit wala doon ang hinahanap kong tao. Narinig ko ang pag-flush sa loob ng banyo kasabay ang pagluwa nito sa taong hinahanap ko sa kabilang higaan kanina lamang. Matalim ang mga titig nito sakin at tsaka dumirecho sa harap ng malaking papel.
"Ano yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ano sa tingin mo?" maangas na tanong niya.
"Oo alam ko namang papel siya literally. Pero anong purpose niyan?" maangas ko din sagot sa kanya.
"Di naman lingid sa kaalaman mo na naiirita ako sayo. At alam ko din namang ganun ka din sakin. Kaya kailangan nating magkaron ng ganito para maiwasan nating magkagulo. Siguro naman ayos lang sayo yun diba? Huwag kang mag-alala may nakahanda nako rules and regulations." mahabang litanya niya sakin.
"Di na naman kailangan ng rules eh. Kung ayaw mo ng gulo, malaya ka namang makakatulog sa sofa dun sa sala." mapang-asar na sabi ko sa kanya.
"Aba ang kapal din naman ng mukha mo ano? Kung ikaw kaya ang patulugin ko sa sofa? Wala ka nang magagawa...tandaan mo may kasalanan ka pa sakin!" iritang sabi niya na lalong nagpatuwa sakin. Oo inaamin ko, natutuwa ako pag naiinis siya sakin. Panong hindi eh halos sumabog na yung mukha niya sa sobrang pamumula. HAHAHA! Gusto ko pa siya lalong asarin para makita ko yung kacute-an niya...wtf! Ano ba itong mga sinasambit kong mga kataga, basta aasarin ko siya lalo. hahaha!
"Aba! Nagustuhan mo naman yung kasalanan ko sayo! HAHAHA!" mapanukso kong sabi.
"Eh g*go ka pala eh! Baka naman ikaw yun!" irita niyang sabi.
Agad akong tumayo at lumapit sa kanya, yung tipong isang ruler nalang yung pagitan namin. "Eh paano kung nagustuhan ko nga?" sabi ko at mas lalong lumapit sa kanya. "A-ano ba! Huwag ka ngang lumapit sakin!" mahina ngunit gigil niyang sabi sakin kasabay ng pag-atras niya pero mas lalong ko siyang nilapitan yung tipong naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. "Bakit naman? Di mo ba nagugustuhan?" pabulong kong sabi sa kanya at mas lalo ko pang nilapitan ang mukha ko sa kanya kasabay nun ay ang pagpikit niya. Tamang tama na ito para sa pang-iinis ko sa kanya. hahaha!
"Sige payag nako sa gusto mo, pero mamaya na yan at kumain muna tayo. HAHAHA!" sabi at tsaka tumakbo palabas ng pinto. Narinig ko yung pagbulyaw at pagmumura niya sakin pero di ko nalang ito pinansin at dumirecho sa may kitchen kung saan anduon na ang iba pa naming kasama.
"Goodmorning sa inyo!" maligalig kong sabi sa kanila.
"Bakit parang ang saya mo ngayon Jack?" tanong ni Junior.
"Wala maganda lang ang gising ko. HAHAHA!" natatawa kong sabi sa kanya.
"Ahh... eh nasan si Marky? Gising na ba siya?" tanong niya.
"Gising na. Nagbanyo lang sandali." sagot ko naman.
Di na naman sila nagtanong pa at nagpatuloy na sa kanilang pagkain. Maging ako ay nagsimula na ding kumain. Ihahanda ko na ang sarili ko mamaya nararamdaman kong may binabalak na yung masama sakin. Ang gwapo niya lalo pag naiinis HAHAHA!
T*ngina! Oo na! Gwapo na siya!
Marky's P.O.V
Aba'y g*go talaga yung lalaking yun! Pinaiinit niya ang dugo ko!
"Pinaasa ka kasi niya diba? Tas ikaw naman nagexpect kang maghahalikan ulit kayo. Ganun ba yun?" sabi ng makulit kong isipan.
"Hindi yun ganun! Nakakairita kk-kasi...gusto niya akong patulugin sa labas eh di naman sa kanya ang kwartong ito!" sagot ko naman sa isip ko.
"Hindi yan ang sinasabi ng puso mo. Tsaka pinaiinit niya ba talaga ang ulo mo or nag-iinit ka dahil magkalapit kayo ng sobra kanina?" pang-uuyam pa ng aking isipan.
"HINDI NGA GANUN YUN! T*NGINA NAMAN OH NABABALIW NAKO SA INYO!!! WAAAAAAHHHHHH!!!!"
***
Nasa kalagitnaan ng pagkain ang anim nang bigla silang nakarinig ng malakas na sigaw mula sa kwarto kung saan naroroon si Marky.
"HINDI NGA GANUN YUN! T*NGINA NAMAN OH NABABALIW NAKO SA INYO!!! WAAAAAAHHHHHH!!!!"
Agad silang tumakbo sa nasabing kwarto maliban kay Jack na di na mapigilan ang sariling matawa.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni JB.
"Oo nga hyung?" pangalawang tugon ni Bamie.
Nagulat sila nang di sumagot si Marky bagkus ito ay lumabas ng kwarto at dire-direchong lumabas ng bahay. Ngunit bago ito lumabas ay huminto muna ito sandali sa tapat ng tumatawang si Jack at tumingin nang matalim bago tuluyang umalis.
Nagulat ang anim sa nasaksihan kung kaya'y lumapit ang mga ito kay Jack na napatigil sa pagtawa.
"I think you should say sorry to him." sabi ni Jae.
"Dalian mo na at sundan mo siya dun Jack. Tama si Jae." sambit ni JB sabay tingin kay Jae at namula naman ito.
"Dalian mo na bago pa yun makalayo." sigaw ni Junior.
"Babalik din naman yun mamaya. Hayaan nalang natin siya." reklamo ni Jack.
"Kung hahayaan natin siya, lalo lang yun magagalit sayo at hindi niyo maaayos ang gulo niyo." sagot ni JB.
Tila nakunsensya naman si Jack kaya agad itong tumayo at nanakbo palabas ng pinto.
**********
**********
**********
Here's a short update di ko kasi nagustuhan yung ginawa kong plot before kaya i changed it. Sana magustuhan niyo kahit medyo korni and magulo yung plot. Pero don't worry di ko naman siya totally binago, nilagyan ko lang ng konting kembot para maging cheesy ang next chapter. hehehe. Thank you sa mga nag-add nitong story sa reading lists nila and please keep on supporting my story. Sana po maka-10 votes manlang ang chapter na ito para mainspired naman akong magud. hehehe.
VOTE-COMMENT-SPREAD
Until next update!
-aaronauticss-
BINABASA MO ANG
Once Upon A Kiss [markson]
FanfictionHalik... Nagsimula ang lahat sa isang halik. Ang halik na babago sa tahimik na buhay ni Marky. Ito ba ang magiging daan upang mahanap niya ang taong magmamahal sa kanya o ang taong mananakit sa kanya? Paano kung dumating ang araw na mahulog ang loob...