IV- From Thailand To Sokor

74 3 0
                                    

IV- From Thailand To Sokor

Bamie's POV

It's 5:00 a.m, sunday nang maglanding ang eroplanong sinasakyan ko sa Incheon International Airport. Agad akong dumirecho sa hotel na tutuluyan ko this coming days. Finally! Nakarating na din ako sa Korea. Tumawag na pala yung manager ko sakin kanina bago ako umalis sa Thailand, sabi niya bukas daw ang start ng training ko dun sa KE . Oo nga pala! Di pa ako nagpapakilala! Ako nga pala si Kunpimook Bhuwakul "Bamie" nalang for short. I'm quite handsome pero sabi nila cute daw ako. Haha! Di naman ako sobrang matangkad pero di rin maliit. Mahilig ako sa music and pangarap ko maging kpop artist bata pa lang ako, favorite ko nga si G-Dragon ehh. Hahahaha!!!

Pagkadating ko sa hotel ay nagcheck-in agad ako at dumirecho sa room ko. Sakto lang naman ang laki ng kwarto. Tama na ito para sa isang tao, may malaking kama, flatscreen tv, restroom and sala. Naligo muna ako kasi medyo pawis ang katawan ko. Matapos nun ay agad akong nahiga para magpahinga. Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog hanggang sa makatulog ako...

***

~~Club Octagon....

Nabigla si Jack dahil bigla nalang sinapak ng isang Amerikano ang lalaking nakatalikod sa kanya. Pupuntahan niya na ito para tulungan ng bigla siyang tawagin ng kanyang manager para pumasok na sa loob ng club. Kaya pumasok na lamang siya sa loob at iwinaksi na lang ang pangyayaring nasaksihan sa labas ng club.

Samantala, tila hindi mapakali si Junior sa loob kaya napagdesisyunan niya na lumabas ng club upang ihatid si Marky. Saktong paglabas niya ay nakita niya sa di kalayuan si Marky at nakita niya din ang biglang pagbulagta nito dahil sa lakas ng pagkakasapak ng isang Amerikano. Agad niya itong tinakbo at tinulungan. Humingi siya ng paumanhin at inalalayan si Marky papaalis sa lugar na yun. Dadalhin niya sana ito sa dorm nila ni JB nang makita niya ang wallet nito. Nang makita niya ang address ni Marky ay agad niyang pinaharurot ang motor niya papunta sa bahay nito. Namangha si Junior sa napakagandang bahay na nasa harap niya, tila di siya makapaniwala na ganito kayaman si Marky. Pero agad din niya itong iwinaksi nang maalala niya na ihahatid niya nga pala si Marky dito. Nakailang pindot ng doorbell siya bago ito binuksan ng isang katulong.

"Magandang gabi po sir, ano po ang kailangan niyo?" tanong nito sa kanya.

"Ahhh, kaibigan ho ako ni Marky at kasama ko po siya ngayon. Nalasing po kasi ehh." pagsisinungaling niya.

"Ahh ganun po ba? Sige, tuloy po kayo." sabi nito sa kanya.

"Salamat po manang. Uhm, saan po ang kwarto ni Marky?" tanong niya sa matanda.

"Ah, sir pag-akyat niyo po sa taas, kumaliwa po kayo. Sa pinakadulo ng hallway po yung kwarto niya." sabi nito sa kanya.

Matapos nun ay agad na dinala ni Junior si Marky sa kwarto nito. Nilinisan at pinalitan niya ito ng damit bago inayos sa kama nito.

"Bakit kaya ganito impact mo sakin huh Marky?" tanong nito sa binata.

"Unang kita ko pa lang sayo iba na itong nararamdaman nito." sabi niya sabay turo nito sa kanyang puso.

"Pero, baka naman natutuwa lang ako sayo?" tanong ulit nito.

"Aaaaiiiiisssshhhh!!! Bahala na nga. Goodnight Marky." wika nito sabay halik sa noo ng binata at tsaka umalis ng bahay nito.

***

ULTRA MEGA FAST FORWARD....

Madaling lumipas ang mga araw. Ngayon ang araw na matatapos ang training nila Marky at Bammie sa KE . Ito ang bunga ng halos isang taon nilang pageensayo para mapasali bagong hiphop group sa Korea. At ngayong araw din na ito nila pipirmahan ang kontrata nila sa KE .

Samantala, magkakasama sila Jack, Youngjae, Yugyeom, Junior, at JB papuntang KE para din sa pagpirma ng kontrata. Halata ang tuwa sa mga ito dahil after ng mahigit isang taong paghihintay ay mabubuo na ang bagong grupo at makikilala na nila ang dalawa pa nilang makakasama. Naging magaan na din ang loob nila sa isa't isa maliban kay JB at Youngjae na hindi magkasundo. Nang makarating sa building ng KE ang lima ay agad silang nagtungo sa isang conference room sa 23 floor. Nang makarating ay nagsi-upo muna ang lima habang hinihintay ang dalawa pang kasama nila.

"Guys, i'm sure na makakasundo niyo yung isa sa mga bago. Bestfriend ko yun eh." wika ni JB

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ni Jack.

"Dahil mabait yun at tsaka talented din. Pero may pagkatahimik ang isang yun." pagpapaliwanag naman ni Junior.

"Woahh! Mukha nga hyung! Sa itsura mo palang habang pinapaliwanag eh parang anghel na siya para sayo." natatawang sabi ni Yugyeom kay Junior.

"Sus parang hindi naman! Mabait tapos kinaibigan si JB? Hahaha... I really doubt about it. Hahaha!" sabi ni Youngjae sabay irap kay JB.

"Sino bang may sabi na maniwala ka sakin? Tsk. Paki ko?" sabat ni JB sabay smirk.

"Tumahimik na kayong dalawa baka kung saan pa humantong yan!" sabi ni Jack.

"Baka magkatuluyan pa ang dalawa nating hyung! Hahaha!" mapang-asar na sabi ni Yugyeom.

YUGYEOM!!! malakas na sigaw ng dalawa at napasmirk lang si Yugyeom na parang walang paki sa dalawa.

"Tama na nga yan! Yan ba gusto niyong makita ng dalawang bago pag dumating sila? Ang magulo?" sabi ni Junior.

Sabay na natahimik ang tatlo. Nagpatuloy nalang sa pagse-cellphone si Yugyeom samantalang umalis muna si Youngjae dala ng sobrang pagkabuwisit kay JB. At si JB naman ay nakipagkwentuhan nalang kay Jack.

Si Marky at Bamie naman ay nagdesisyon na kumain muna sa isang 5-star restaurant kasama ang mga manager nilang sina Manager Jungsu (Marky's manager) at Manager Celine (Bamie's manager). Habang kumakain ay nagkukwentuhan ang dalawa ng kung anu-anong mga bagay. Naging magaan na ang loob nila sa isa't isa dahil naging magkasama na din sila sa training ng mahigit isang taon. Halos araw-araw din silang magkasama mamasyal sa Korea. Kumbaga, parang magbestfriend na din silang dalawa.

"Uhm...Hyung?" tawag ni Bamie kay Marky.

"Hmm?" tanong ni Marky

"Sinu-sino kaya makakasama natin mamaya? Kinakabahan ako eh. Pano kung hindi sila kagaya mo na mabait?" kinakabahang tanong ni Bamie.

"Huwag ka mag-alala kasi mababait daw sila sabi nung bestfriend kong si JB. Maliban na lang daw dun sa Youngjae na masungit at mayabang daw." sagot ni Marky.

"Dapat pala iwasan natin yung Youngjae na yun. Baka sungitan lang tayo nun tapos awayin pa tayo." sabi ni Bamie

"Hindi naman siguro. Haha. Ikaw talaga!" natatawang sabi ni Marky sabay gulo sa buhok ni Bamie.

"Aaaaiiiisssshhhh naman hyung! Guluhin mo na lahat wag lang buhok ko! Alam mo naman yun ehh." sabi ni Bamie habang inaayos ulit yung buhok niya.

"Nakakatuwa ka talaga! Tara na nga at baka naiinip na sila dun." sabi ni Marky at tumayo na.

Lumabas na sila ng restaurant at pumunta sa na building ng KE...

**********

Thanks sa pagbabasa ng story kong ito... Ewan ko ba, kahit may mga nagsasabing hindi daw ito maganda ehh gusto ko pa din gawin. Hahaha..

Until my next update!

Vote-Comment-Follow

-aaronauticss-

Once Upon A Kiss [markson]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon