III- When in Korea

83 2 0
                                    

III- When in Korea

Marky's POV

Its 5:00 a.m, sunday nang maglanding ang eroplanong sinasakyan ko sa Incheon International Airport. Agad akong kumuha ng taxi at dumiretso muna sa rest house namin dito sa Korea. Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng dalawang maids. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na naligo dahil lagkit na lagkit nako sa katawan ko. Grabe, wala pa ring pinagbago itong bahay namin. It's been 17 years nung huli akong nakapunta dito at yun na nga, no changes at all. Pagkatapos kong magbihis ay napagdesisyunan kong pumunta sa mall na malapit lang dito sa bahay ko. Bumili ako ng mga damit, sapatos at marami pang iba. Bukas pa naman ang punta ko sa KE para sa training. Pagkauwi ko ay inilagay ko na ang mga pinamili ko sa kwarto ko. Oo nga pala! Bakit kaya di ko tawagan si JB para may kasama ako gumala dito, tutal siya naman ang taga dito kaya malamang alam niya na ang pasikot-sikot dito. Kinuha ko ang phone ko at tinawaga si JB.

"Hello pre! Napatawag ka?" tanong niya.

"Pre pwede mo ba ako samahan ngayon? Gimik tayo!" masaya kong tugon sa kanya.

"Ahh...ehh...pre... di ba alam mo naman na nasa Korea ako ngayon? Di kita masasamahan." dismayado niyang sabi.

"Adik ka ba? Magyayaya ba ako kung alam kong di mo ko mapupuntahan?" nang-aasar kong sabi.

"What do you mean pare? Don't tell me na...."

"Yes! Nandito ako sa Korea at nagpapahinga. You know, jetlag. Diba nga bukas na training ko sa KE? Kakadating ko lang kaninang umaga." natatawang sabi ko sa kanya.

"Wooahh!!! Akala ko kasi bukas pa ang dating mo. Napaaga pala. By the way, saang hotel ka nakacheck-in?" tanong niya.

"Anong hotel ka diyan pre? May rest house kami dito sa Korea! Itetext ko nalang sayo ang address ng bahay namin. At tsaka kung gusto mo, isama mo na rin si Junior" sabi ko.

"Woahh! Bakit ganun pre? Matagal na tayong magkaibigan pero marami pa din akong hindi alam tungkol sayo? Pero sige, isasama ko si Junior para makilala mo na din siya sa personal." sabi niya.

"Sige na pre! Wag ka nang madrama jan at pumunta nalang kayo dito." sabi ko at ibinaba na ang telepono. Nagtataka siguro kayo kung bakit madami pang hindi alam si JB sakin. Simple lang, tahimik kasi ako. Di ako madaldal na tao, yung tipo ba na lahat ng gusto kong sabihin ay nasa isipan ko na lang. I don't usually express my feelings. Kaya maski background ko ay hindi alam ng marami. Kahit mga kaibigan ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ng dumating na sila JB. Naipakilala niya na din sakin si Junior. Nagtataka lang ako kasi medyo clingy si Junior para sa isang lalaki. Pero di ko nalang inintindi pa yun dahil ganun naman talaga dito sa Korea. At tsaka , kadiri naman kung magkakagusto yun sakin kasi lalaki kami pareho. Pero teka!? Bakit ba yun yung mga pumapasok sa isip ko? Imposible naman yun kasi lalaki nga si Junior Waahhhh!!!! Ayoko na nga mag-isip. Matapos nun ay agad na kaming umalis.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Kung saan saan nagpunta ang tatlo. Ang una nilang pinuntahan ay ang Lotte World, ito ang pinakamalaking amusement park sa Seoul, kung anu-anong rides ang sinakyan ng tatlo. Inenjoy talaga nila pagsakay sa mga nakakatakot na rides. Matapos ay dumiretso sila sa Dongdaemun Market. Bumili sila ng mga bag, sapatos, accessories, damit at marami pang iba. Umuwi muna sila saglit sa kani-kanilang bahay para magpalit ng damit at para na din maiuwi ang mga napamili nila. Mamaya kasi ay magkikita-kita sila sa Club Octagon sa Gangnam para naman magsaya at doon din daw kasi makikilala nila JB at Junior ang mga magiging kasama nila sa bagong grupo kaya kasama din ng mga ito ang mga managers nila.

Nang makarating sa club si Marky ay agad niyang hinanap ang mga kaibigan. Nakita niya ang mga ito sa isang upuan na may di kalayuan sa dance floor. Agad niyang pinuntahan ito at nagsimula na silang magparty habang hinihintay ang mga iba pa nilang makakasama.

Kasama naman ni Jack sila Youngjae at Yugyeom with their managers Sunhi (Jack's manager), Junhyun (YJ's manager), at Stella (YG's manager) na papunta sa Club Octagon. Habang nasa biyahe ay nasa isip pa din niya ang lalaking nasa loob ng sasakyan na nahalikan niya. Agad niya din naman itong iniwaksi ng makarating na sila sa tapat ng club.

Samantala si Marky naman ay nagpaalam na kila JB at Junior sapagkat nagkaroon daw ng emergency sa bahay nito. Nag-offer pa si Junior na ihatid si Marky dahil dala nito ang kanyang motor pero di naman pumayag si Marky dahil alam niyang maya-maya ay dadating na din ang mga iba pa nilang kasama.

"Sure ka ba Marky? Pwede naman akong bumalik eh pagkahatid ko sa'yo" ani Junior.

"Ayos lang ako pre. At tsaka may kalayuan ang bahay ko sa club na ito kaya imposibleng makabalik ka agad." sagot naman ni Marky.

"Ah sige na nga. Basta mag-iingat ka at good luck sa training mo. Galingan mo ahh para makasama ka na namin sa grupo." masayang sabi ni Junior.

"Kayang kaya yan ni Marky pre! Yan pa ehh ang galing niyan. At tsaka para ka namang boyfriend ni Marky kung mag-alala. HAHAHAHA!" nang-aasar na sabi ni JB.

"Tumigil ka nga diyan pre! Mamaya jan kung anong isipin niyan ni Junior ehh. Sige na at aalis nako." pagkasabi ni Marky ay tumayo na ito at naglakad papunta sa labas.

***

"Uhm manager, mauna na kayo nila Youngjae at Yugyeom sa loob. Tuamatawag kasi ang mom ko ehh" sabi ni Jack sa kanyang manager.

"Sige, basta sumunod ka agad sa loob. Tara na Youngjae at Yugyeom." sabi ng manager ni Jack

Agad na sinagot ni jackson ang tawag. Nakipagusap siya sandali sa kanyang ina at ibanaba na din ang tawag. Papasok na sana siya sa loob ng club nang biglang...BOOOOOOGGGSSSHHHH!!!

Marky's POV

Bago ako lumabas ng bar at napagdesisyunan kong pumunta muna sa loob ng restroom. Pagpasok ko ay agad inilabas ang sama ng loob na naipon sa aking pantog. Matapos nun ay dumiretso nako papalabas ng bar nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya nagpagewang-gewang ako at di ko namalayan na may nabangga na pala ako.

"Hey! Do you have problems with me? Why did you push me!?" sabi ng lalaki.

"I'm sorry sir but it's not my intention to bump into you. And another thing, i didn't even push you!" sabi ko naman.

"No! Your gonna pay for this." sabi niya sabay BOOOOOOGGGSSSHHHHH!!! sinapak niya ako at bumulagta nalang ako sa sahig. Di ko na alam ang sunod na nangyari kasi nakatulog na ako dala na din ng sobrang pagkahilo.

**********
**********
**********

Annyeong readers! I hope you like this chapter. Medyo wala ako sa sarili habang ginagawa ito. Kasi ba naman marami akong problems ngayon. Pero i hope naman na sana di ito nakaapekto sa chapter na to. Hehe.. Nagtataka siguro kayo sa kinikilos ni Junior dito sa story. Pero don't worry, malalaman niyo din kung bakit soon :) Btw, ano kayang gagawin ni Jack matapos niyang marinig at makita ang away sa labas ng club? Malalaman niyo yan sa susunod na chapter XD

Vote-Comment-Follow

Until next update mga ka-OUAK :)

-aaronauticss-

Once Upon A Kiss [markson]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon