VI- Playground Memories

52 2 0
                                    

VI- Playground Memories

Youngjae's POV

Di ko alam kung anong oras na nang makarating ako sa playground kung saan ako madalas maglaro noon. Wala pa din naman itong pinagbago, malinis at maganda pa din ito tulad noon. Nandito ako ngayon sa swing kung saan ako madalas nakaupo at dito din ako madalas umiyak noon. Habang nakaupo ay di ko namalayan na tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Ito ka nanaman youngjae! Napakaiyakin mo talaga kahit noon pa man. Sabi ko naman kasi sa iyo eh, nagbago na siya! Di na siya yung dati mong tagapagtanggol." sigaw ko sa sarili ko.

FLASHBACK...

Masayang-masaya ang batang si Jae sapagkat sa unang pagkakataon ay isinali na siya ng mga batang naglalaro ng habulan. Si Jae ay bagong lipat pa lamang sa isang subdivision sa Korea. Siya ay sampung taong gulang pa lamang. Madalas siyang nagpupunta sa playground sapagkat wala namang nagpupunta duon maliban sa kaniya. Pero sa pagkakataong ito, wala siya sa nasabing playground dahil nga makikipaglaro siya sa mga bata sa labas.

Habang naglalaro ay hindi alam ng batang si Jae na may balak ang mga kalaro niya na madapa siya sa may putikan sapagkat nagpustahan ang mga ito kung lampa ba ito o hindi. Nang malapit na sa putikan ay agad na tinisod ng isang bata si Jae na siyang dahilan upang malublob ito sa putik.

"AAAAAAAHHHHHHH!!!!" sigaw ng batang si Jae.

"Sabi ko sa inyo eh, wag nang isali yan kasi lampa siya. HAHAHAHA!" pang-aasar ng tumisod sa kanya sabay tawa ng mga kasama niya.

Wala nang nagawa pa ang batang si Jae sapagkat alam niya sa sarili niya na mahina siya kaya umiyak na lamang siya.

"Hoy kayo jan! Di ba sinabi ko na sa inyo na wag niyo siyang pagtitripan!" sigaw ng isang boses at agad na nagsitakbuhan ang mga bata. Matapos yun ay lumapit ang batang ito kay Jae at agad siyang binuhat. Hindi na magawang makita ni Jae ang itsura ng batang naglitas sa kanya dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata gawa ng kanyang pag-iyak. Dinala ng bata si Jae sa playground kung saan ito lagi nagpupunta. Inupo niya si jae sa swing at tsaka nilinisan ang mukha at mga braso nito na puno ng dumi.

"Huwag ka nang iiyak ahh. Ayoko kasing nakakakita ng taong umiiyak." sabi ng bata kay Jae.

Matapos linisan ng bata si Jae ay umuwi muna ito saglit uupang kumuha daw ng mga pagkain dahil magpipicnic daw sila. Umuwi din muna si Jae upang magpalit ng damit. Matapos ang mahigit kalahating oras ay muli silang bumalik sa playground.

Maglaro at kumain ang ginawa ng dalawa buong maghapon hanggang sa mapagod sila. Di alintana na hindi pa sila magkakilala. Nang mpagod ang dalawa ay napagdesisyunan nilang maupo sa swing upang magpahinga.

"Salamat nga pala ano...ano.."

"JB! Yun ang pangalan ko." pagputol ni JB sa sasabihin ni Jae.

"Ayun nga, salamat JB ahh sa pagtatanggol sakin kanina at sa pakikipaglaro sakin." pagpapasalamat ni Jae kay JB.

"Wala yun noh. Actually matagal na kitang tinitignan dito sa playground na ito. Napansin ko, bakit lagi kang mag-isa dito tas madalas pa kita makitang umiiyak?" tanong ni JB.

"Yung parents ko kasi... Lagi silang nag-aaway. Tapos lagi pa silang wala sa bahay kaya si yaya lang ang nag-aalaga sakin. Never pa nga silang pumunta sa school ehh lalo na pagsumasali ako sa singing contest." malungkot na sabi ni Jae.

"Ahh ganun ba... Dibale! Huwag kang mag-alala, simula ngayon ako na ang magiging kalaro mo dito sa playground natin. At ako na din ang pupunta lagi sa school mo kapag may contest kang sasalihan!" masayang sabi ni JB.

Once Upon A Kiss [markson]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon