V- Almost There
Nang makarating sa tapat ng building ng KE sila Marky at Bamie ay agad silang pumasok sa loob. Pumunta muna sa saglit sa restroom ang dalawa upang mag-ayos ng kanilang mga sarili at upang gawin na ang mga dapat gawin. Matapos pumunta ng restroom ay agad na umakyat sila Marky at Bamie sa 23 floor ng building. Pagbukas ng elevator ay agad silang lumabas para tumungo sa nasabing conference room. Habang naglalakad sila Marky sa hallway ay nagring ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Nang makita kung sino ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.
"Hello mom. Bakit po?" tanong ni Marky sa mommy niya.
"Anak, ang dad mo!" sabi nito sabay hagulgol.
"What happen to dad mom!?" tarantang tanong ni Marky.
"Inatake siya sa puso anak. Nandito kami ngayon sa *** hospital at nasa emergency room pa siya. Pumunta na jan ang kuya mo para sunduin ka ng private plane natin." wika ng ginang.
"Okay mom! Don't worry pupunta ako jan!" nag-aalalang sabi ni Marky bago ibaba ang tawag.
Agad niyang sinabi ang nangyari sa kanyang manager na si Jungsu ang nangyaring emergency kaya napagdesisyunan niya na lamang na ipadala sa address nila sa pilipinas ang mga pipirmahang papeles at agad na siyang umalis. Tumungo siya sa airport kung saan naghihintay ang kuya niya para sunduin siya. Nang makarating sa naturang airport ay agad siyang dumiretso sa lugar kung nasaan ang kanilang private plane. Nang makasakay sa eroplano ay agad na itong lumipad patungong pilipinas.
Bamie's POV
Kinabahan ako nang malaman na hindi ko makakasama si Marky hyung na makilala yung mga makakasama kong members. Pero naiintindihan ko naman kasi kalagayan ng dad niya ang nakasalalay dun. Kaya heto ako ngayon kasama sila Manager Celine at Jungsu papunta sa conference room. Nang makapasok kami ay may nakita akong mga nakaupong lalaki na nakapalibot sa mahabang table. Jusko! Sino kaya yung Youngjae sa kanila... Si JB hyung lang ang namumukhaan ko sa kanila kasi pinakita sakin ni Marky hyung ang picture nilang dalawa. Pero ang agad na pumukaw sa attention ko ay yung lalaking katabi niya. Woooaahhh! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganyan kagwapo bukod kay Marky hyung. Singkit na mata, mapulang labi, tapos halatang nagwowork out kasi yung biceps niya ulam na ulam. Sh*t ! Anu ba itong sinasabi ko! Lalaki ka bambam kaya huwag ka maattract sa kanya! Bumalik ako sa wisyo nang tapikin ako ni manager Celine.
"Bamie! Nakikinig ka ba sakin?" naiiritang taong sakin ni manager celine.
"Huh? Ano ba sinabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Tss. As i was saying kanina. Umupo ka dun sa tabi ni Jack kasi nandun na yung kontrata mo. And after nun, pupunta kayo sa isang restaurant to know each other more." paliwanag ni manager celine.
"Ehh sino ba yung Jack?" bulong ko sa kanya.
"Yung kanina mo pa tinitignan. Tss." naiiritang sabi niya sabay turo kay jack.
Agad akong umupo sa tabi ni Jack. Sh*t ano ba itong puso ko! Ang bilis ng tibok. Mukhang magkakasakit pa ata ako sa puso dahil sa lalaking to eh. Joke! Hahahaha... After pumirma ng kontrata ay pumunta kami sa restaurant na kinainan namin ni Marky hyung kanina.
***
Nang makarating sa restaurant ang anim ay nagtanong si JB kay Bamie.
"Bamie, bakit wala si Marky?" tanong nito kay bamie.
"Uhmm... Nagka-emergency kasi sa kanila hyung. Yung dad niya inatake daw sa puso." nag-aalalang sagot ni Bamie.
"Si tito, inatake sa puso!?" di makapaniwalang tanong ni JB kasabay ng pagtango ni Bamie.
"Enough for that, siguro naman pwede muna tayo magpakilala kay Bamie diba?" bored na sabi ni Yugyeom
"Okay, ako nga pala si Im Jaebum, JB nalang for short. 23 years old and former member ako ng 2J Group kasama ni Junior." -JB
"Ako naman si Park Jinyoung, Junior nalang. 21 years old naman ako at like JB hyung, former member ako ng 2J Group." -Junior
"Annyeong! Ako nga pala si Jackson Wang, Jack nalang itawag mo sakin. 22 years old ako at former member ng isang International Fencing Team sa Hongkong." -Jack
"Ako si Kim Yu-gyeom. 19 years old." bored na pagkakasabi ni Yugyeom.
Napatingin naman si Bamie sa huling magpapakilala. Bakas sa kanyang mukha ang kaba dahil baka sungitan siya nito.
"Ako nga pala si...
"Wait! Kilala na kita! Ikaw yung Youngjae na masungit at mayabang na nakwento sakin ni Marky hyung!" takot na pagputol ni Bamie kay Youngjae.
"Huh? Bakit niya naman nasabi yun?" gulat at nagtatakang tanong ni Youngjae.
"Sabi daw kasi ng bestfriend niya ehh." sabay tingin ni Bamie kay JB na nakapeace sign.
"Okay! Ako si Choi Youngjae, 20 years old." iritang sabi ni Youngjae bago tuluyang tumayo at lumabas ng restaurant.
"Sobra na ata yung ginawa mo JB hyung." nag-aalalang sabi ni Jack
"Mabait si Youngjae hyung Bamie. Di lang sila magkasundo ni JB hyung." sabi ni Yugyeom at napatango na lang si Bamie.
"JB hyung dapat mo atang sundan si Youngjae para humingi ng tawad." nag-aalalang sabi ni Junior.
"Bakit may ginawa ba akong mali? Malay ko bang siseryosohin ni Marky yung sinabi ko sa kanya?" walang ganang sabi ni JB.
JB HYUNG!!!! sabay-sabay na sigaw ng tatlo sa kanya.
"FINE! Ito na nga ako tatayo na at susundan siya. tss." sabi ni JB nanakataas pa ang dalawang kamay.
Agad na tumayo si JB para hanapin si Youngjae.
"Pasensya na kayo mga Hyung ahh. Dahil sakin nagwalk-out si Youngjae hyung." malungkot na sabi ni Bamie.
"Don't be sorry Bamie, kasalanan ni JB hyung yun kaya siya dapat ang umayos nun." sabi ni Jack na siyang sikretong ikinakilig ni Bamie.
"By the way, ako nga pala si Kunpimook Bhuwakul. You can call me Bambam or Bamie. I'm 19 years old and from Thailand." masayang sabi ni Bamie.
"Welcome sa grupo Bamie!" masayang bati ni Yugyeom.
"Sayang pala at wala si Marky hyung. Siguradong makakasundo niyo yun. Mabait siya at tsaka telented pa!" sabi ni Bamie.
"Curious na talaga ako jan sa Marky na yan. Parang lahat kayo kilala na siya ehh maliban sakin." natatawang sabi ni Jack.
"Hayy nako, tara na nga at kumain na lang tayo. I'm sure in any minute darating na ang dalawang love birds na may love quarrel. At sana maayos na sila." natatawang sabi ni Junior at nagpatuloy na sila sa pagkain.
Samantala, si Youngjae naman ay tumakbo ng tumakbo hanggang sa napagod na siya. Hindi niya alam kung saan na siya napunta. Binalot siya ng takot dahil madilim na sa mga oras na iyon at walang katao-tao. Habang naglalakad ay may nakita siyang lugar na may liwanag kaya doon siya pumunta. Nang makarating ay doon niya lamang narealize kung nasaan siya. Sa PLAYGROUND kung saan siya laging nagpupunta noong bata siya lalo na kapag nalulungkot siya. Sa PLAYGROUND kung saan niya nakilala ang tanging taong nagtanggol at pumansin sa kanya...
**********
**********
**********Thanks sa mga walang sawang nagtiyaga para basahin ang story kong ito. SUPER THANKS FROM THE BOTTOM OF MY HEART...
Until next update!
Vote-Comment-Follow
-aaronauticss-
BINABASA MO ANG
Once Upon A Kiss [markson]
FanfictionHalik... Nagsimula ang lahat sa isang halik. Ang halik na babago sa tahimik na buhay ni Marky. Ito ba ang magiging daan upang mahanap niya ang taong magmamahal sa kanya o ang taong mananakit sa kanya? Paano kung dumating ang araw na mahulog ang loob...