MATAPOS ANG ISANG linggong bakasyong iyon ay nakauwi narin kami. Nag enjoy ako sa Isang linggong iyon, kahit papaano ay nalibang at nakapag pahinga ako. Iyong damit na ginamit ko habang naroon kami sa beach house ay iyong damit ni Siena at yung iba ay kila katana at Kazuya, pinahiram nila ako dahil dinala ako roon ng walang dalang kahit na anong damit. Buti nalang at laging may dalang extra set ng undies at bra si Siena.
Hindi ko mawari ang saya sa puso ko nitong nakaraang linggo no'ng basa bakasyon kami, naging malapit kami ni Logan, at hindi ko iyon inaasan. Alam ko na hindi pwedi, lalo nat boss ko siya. Hindi ko rin mapigilan ang kakaibang saya sa dibdib ko pag kasama ko siya. At hindi ko alam kung bakit ko nadarama ang ganoon.
“Miss, can you leave us for hour?” napakurap ako ng untagin ako ng babaeng narito ngayon sa opisina.
Walang sali salitang tumango ako at lumabas sa opisinang iyon, humugot ako ng malalim na buntong hininga ng tuluyan ng makalabas sa opisinang iyon.
Ano bang nangyayari saakin??
Hindi naman ako ganito.
Pakiramdam ko'y marami ang nagbago saakin, simula ng makabalik kami mula sa bakasyong iyon. Tila ba hindi ko na makilala ang sarili ko, tila ba hindi ako ito.
Bakit parang sinakal ang puso ko kanina? Ng makita ko siyang hinalikan ng babaeng iyon sa harap ko mismo, at hindi ko alam kung bakit nainis ako ng hindi manlang siya tumutol, at ang mas hindi ko maintindihan ay bakit nakaramdam ako ng selos ng humalik siya pabalik???!
Mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili ko!!!!
Ano ba ito?
Nakakainis!!!!!!!!!!
“Why are you so cold this past few days? Hindi ka narin pumupunta sa condo ko,” napalunok ako dahil sa narinig ko.
Kung gayon ay pumupunta siya sa condominium ng babaeng iyon?
Rinig na rinig ko mula rito sa labas ng pinto ang tunog ng mga labi nila na naghahalikan.
Hindi ko alam kung bakit nandito pa ako at nakatayo sa harap ng saradong pintong ito.
'wag kang iiyak, Jasmine!!!!
Matapang ka!
Pero hindi ko rin nautusan ang mga luha ko, sunod kong naramdaman. Agad ko iyong pinunasan, hindi dapat ako umiiyak. Dahil wala namang dahilan para umiyak, wala namang patay.
“Im busy with my business—” bago pa masundan ni Logan ang sasabihin niya ay lumayo na ako sa pinto at tinahak ang daan patungo ng elevator.
Pinag laruan niya lang ba ako? Ano ang tingin niya saakin? Isang parausan?? Ha!
Oo nga pala.
Siya si Logan Del Fuego, isa siya sa mga babaerong lalaki at lahat ng babae ay gusto at nais siyang makuha. Ang pagkakamali ko lang ay hindi ko na ilugar sa tama ang sarili ko.
Ano bang iniisip ko????
“Wait!” agad akong napahinto sa pag hakbang at napalingon—pero iba ang sumalubong saakin.
Napahawak ako sa pisnge ko ng madama ang saki dulot ng malakas niyang sampal na tumama sa kanan kong pisngi. Hindi agad ako nakabawi dahil doon..
Napakuyom ang kamao ko at taas noong hinarap ang babaeng pangahas na sumampal sa maganda Kong mukha.
“You slut! You seduce Logan, right? That's why he didn't let me touch his private part!!!!!!!!” Galit at nanggagalaiting sigaw ng babae saakin.
Kumalma ka, Jasmine. Wag mong papatulan ang coloring book na ito.
Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay kumalma ang kumukulo kong dugo sa putanginang kaharap ko.
Pero kahit na anong hinga ko ng malalim ay hindi talaga ako kumakalma!!!!!! Mas lalo akong nagalit ng maalala ko ang narinig ko kanina sa labas ng pinto ng opisinang iyon!!!!
“What now?? Hindi kana nakapag salita???” nanunuyang Sabi nito at sinipat ang kabuuan ko, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, “Hamak namang mas elegante at disente ako kumpara sa Isang tulad mong isang empleyado lamang” aniya pa nito na mas nakadagdag ng Galit ko.
Gulo yata ang hanap ng Isang ito?
Tamang tama, matagal tagal na rin akong hindi nakakasabunot eh.
“Hamak naman na mas maganda ako kumpara sa mukha mong pulos make up na sa dami ng inilagay mong koloreti sa mukha mo ay nag mukha kang coloring book ng Grade 1,” napangisi ako ng unti unting mamula at manlaki ang mata ng babaeng coloring book na kaharap ko, “Eh ano rin naman ang pakialam mo kung inakit ko si Logan? Gusto mo bang kwentuhan pa kita?” aniya ko na mas lalong napa ngisi.
“Y-y-y-ou, b-i-itch!” nauutal at nanggigigil na sigaw nito,
Nasipatan ko ang palad nitong tumataas at akmang sasampalin ulit ako,
Tama na ang isa, at kapag maka dalawa ka, mas malaking sugat ang iuuwi mo sa Inyo.
“Wala kang karapatan na sampalin ako, dahil una sa lahat at hindi sa huli, hindi ikaw ang nagpapakain saakin,” aniya ko at sinalo ang palad niyang dapat ay sasampalin na naman ako sa pangalawang pag kakataon, “At para rin malaman mo, 'wag ka sakin magalit kung nawawalan ng oras sa'yo ang boss ko dahil wala naman kaming relasyon,” aniya ko at agad na umigkas ang palad ko papunta sa mukha niyang sing kapal ng Libro ang mga koloreti, “At pang huli, wag na wag mo akong pagbabantaan dahil hindi lang ‘yan ang aabutin mo sakin,” aniya ko at binitawan ang kamay niya.
Akmang magsasalita pa Sana ito pero inambahan ko ito ng kamao ko, namumuti sa takot na umalis ang babaeng iyon at Walang lingon likod na tinungo ang daan patungo sa elevator.
“Psh! Putangina ang sakit ng sampal ng babaeng iyon,” aniya ko sa sarili ko at dinama ang mahapding parte ng mukha ko, “pero mas masakit ang sampal ko sa kanya, bruhang iyon anong akala niya saakin? Matatakot sa isang tulad niya??” naiinis pang tanong ko sa sarili ko.
Mayaman nga siya, eh ano naman ngayon kung mayaman siya? Estado sa buhay lang naman ang pina kaibhan namin, pero parehas kaming tao lang na nagkakasala at mamatay din pagdating ng takdang panahon.
Hindi porket mayaman siya ay hindi na siya mamatay o magkakasala, dahil kahit sino mang nilalang na humihinga sa mundong ito ay mamatay at magkakasala.
Dahil hindi naman tayo diyos upang hindi magkasala at hindi mamatay.
Isaksak niya rin sa baga niya ang desinte at elegante niyang pagmumukha, Wala akong pakialam.
“Hija? Maaari bang malaman kung bakit kayo nag away ng babaeng iyon? Pagpasensiyahan mo na at nakiki usyoso lamang ako,”
★★★★★★★★★★★★
Not Edited!!!!!
TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!!!
Malapit na tayong matapos sa unang Series!!!!!!! Thank youuu!!!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/293108690-288-k127443.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Agreement ✓
Romance𝑫𝒆𝒍 𝑭𝒖𝒆𝒈𝒐 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #01[Lᴏɢᴀɴ Dᴇʟ Fᴜᴇɢᴏ] Ang kasunduang hindi niya alam, ang kasunduang magpapabago ng kanyang buhay... Del Fuego Brother Series#01 [Date started; February 24, 2022] [Date Ended: March 2, 2022 ]