TSA 016

1.2K 26 0
                                    

“Hija? Maaari bang malaman kung bakit kayo nag away ng babaeng iyon? Pagpasensiyahan mo na at nakiki usyoso lamang ako,” halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.

Jusko naman, uso ba talaga ang gulatan sa araw na'to????!!!!

Ma'am naman, nakakagulat ho kayo,” aniya ko at napahawak sa dibdib ko, na ikina tawa at ikina iling nitong nasa early 60's na babae sa harap ko, simple lang ang suot nito, pero nagsusumigaw ang karangyaan nito.

Im sorry for my behavior, young lady,” ay wowww. Young lady na pala ang tawag samin ngayon.

Ba't di ako inform? Joke.

“Ayos lang po iyon, nagulat lang po talaga ang ganda ko, eh maganda rin ang nanggulat saakin,” aniya ko  na ikinatawa ng babae sa harap ko, “ano nga ho ulit iyong tanong ninyo kanina?” may tinanong Kasi siya kanina kaso nakalimutan ko,

Ah yeah, that lady, bakit kayo nag away in just a few minutes ago? If it's okay?” aniyang babae.

Ah oo nga pala. Nakita niya siguro ang nangyari? Mukha naman siyang mabait eh, Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya ang buong pangyayaring naganap kani-kanina lamang.

Oo naman po, halika kayo sa may lobby, do'n ko po ik-kwento, baka po kasi mangalay kayo kakatayo, mahirap na po,” aniya ko pero hinawakan niya ang braso ko na siyang nakapagpatigil saakin.

Its okay, dito na lang 'wag mo akong alalahanin, matitibay pa ang mga tuhod ko,” napatango naman ako.

Iyong babae po na iyon ay pumunta kanina sa opisina ng boss ko, pagdating niya roon ay pina labas niya'ko. Eh syempre po, lumabas ako, nung lumabas na'ko at tutungo na sana sa elevator ng tawagin niya ako, huminto naman ako. Hindi ko inaasahan na sampal ng bruhang ‘yon ang sasalubong sa'kin. Papalampasin ko sana iyong pang sasampal niya sa'kin, ang kaso po ay pinag sasalitaan niya ako ng mga nakakainsultong salita, kaya ayon po, syempre hindi naman ako papayag na iinsultuhin ako ng babaeng yun, ang ending naturuan ko siya ng leksiyon na nararapat sa isang katulad niya. Yun po, kaya medyo napa sabak ako sa gulo Kani kanina,” aniya ko sa kaharap Kong babae.

I like you,that's why I don't have any regret na pumayag ako sa kasunduan,” nakangiting aniya pa ng babae.

po?” nagtatakang tanong ko.

Umiling lang ang babae at ngumiti ng matamis saakin, “Nothing hija—”

“Mom?” hindi na natapos pa ng babae ng biglang may tumawag rito mula sa likod namin.

L-l-logan?? M-m-mom?

Oh hijo, good morning,” Nanay niya ang babaeng ito??

Papaanong????!!!!!!!!! Baka naman nagbibiro lang sila 'no????

T-t-teka lang po, anak niyo po si Logan esti ang boss ko?” naguguluhan at nagugulat kong tanong.

Yes hija, I'm his mom and he's my son,” aniyang babae na may malaking ngiti sa mga labi nito,

Patay.......

Nakakahiya!!!!!!!!!

Mom, Bakit kayo magkasama ni Jasmine?” tanong ni Logan na nagpapalit palit ang tingin saaminn ng Ina niya.

Jusko naman lord, ba't hindi mo'ko binigyan ng sign na Nanay pala 'to ng amo ko???!!!

Its a long long story,  but can we go to your office? I need some coffee,” huminto ito at tumingin saakin na ikina kaba ng dibdib ko! “and hija?”

“P-p-po?” nauutal kong sagot.

I want you to make my coffee,” aniyang Ina ni Logan at nagpatiunang maglakad papuntang office.

Ohh my gulay! Kaya ba ayaw niyang sa lobby kami magkwentuhan dahil makilala siya ng nga empleyadong naroon??????!!!!!

Ang tanga mo Jasmine, sa totoo lang.

Ano bang kinain ko at masyadong malas ang araw ko ngayon??????!!!!!

Hey, are you okay?” dumagdag pa 'tong isang 'to eh.

Naiinis pa rin ako sa kanya!!!!

Mukha ba akong okay? Ha? Psh! Nakaka bawas ng ganda ang nangyari ngayong araw,” aniya ko at akmang tatalikod na sana ng may maalala akong sabihin, “At puwedi ba, 'wag kang umasta na parang meron tayong relasyon, dahil baka magkamali na naman ako ng intindi sa mga kilos na ipinapakita mo saakin, pakiusap naman, lubayan mona ako...” aniya ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

Alam ko sa sarili ko mismo na labag sa kalooban ko ang mga binitiwan kong salita. Dahil kahit na ako mismo ay naguguluhan sa sarili kong nararamdan. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan, Wala akong ideya kung ano ano itong mga nararamdan ko. Kakaiba at nakaka panibago.

Ako pa ba itong nasa sarili ko????

Hija? Excuse me? Hija?” napakurap ako ng wala sa oras.

Ni hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng opisina,

Ano bang nangyayari saakin???!!!!

Bakit ba masyado akong lutang???!!!

Ah sorry po, masyado yata akong lutang ngayon,” halos ibulong ko na ang huling linya at tinungo ang mini kitchen ng opisinang ito.

Kape iyon hindi ba?? Tapos hindi ko tinanong kung anong kape ang gusto niya????!!!!!

Jasmine naman!!!! Sobra kana siguro sa ganda dahil masyado ka nang lutang!!!!!

Kaimbyerna!

Bumalik akong muli kung saan naroon ang Ina ni Logan, “Ah ma'am, what coffee do you want me to make?” tanong ko at medyo kinakabahan!

Ba't ba ako kabado????

American coffee, hija, thank you,” aniyang Ina niya at nginitian ako.

Ba't ba ang hilig niyang ngumiti, jusko naman! Nakakakilabot!! Siya iyong pinag k-kwentuhan ng mga kasamahan ko, siya iyong suplada na Nanay ni Logan!!!!

Pero bakit hindi naman yata siya ganoon? Mukha naman siyang mabait? Baka—ayssss! Yung kape! Ano ba!!!!!

Naiinis sa sariling nagtimpla ako ng kape, siniguro ko rin na tama lang ang tamis niyon. Mahirap na, ayokong masigawan at mas lalong ayokong masisante.

Nang matapos magtimpla ay agad ko nang ibinigay iyon sa Ina ni Logan, kinabahan ka agad ako ng agad niya itong tinikman, mas lalo akong kinabahan ng tumingin ito saakin. Kasabay ng pagtama ng kanyang mga mata saaking mata ay siyang pagkarinig kong magbukas sara ang pinto ng opisina, at kahit na hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ang nagbukas niyon.

Hindi ako magsasawang uminom ng coffee, lalo na't ikaw ang may gawa,” nakahinga ako ng maluwag ng magustuhan niya ang kapeng gawa ko, “And hijo, I like her, I like your fiance, so you better ask her to marry you and I want to have an apo,”

****************
TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!!!

4 chapters letfffff!!!!!

Here we are, finishing this first series of the Del Fuego Brothers. Hope you guys will going to wait me until I finished this first ever series of mine!!!!.

The next chapter is more exciting!!!

Lesgooo!!!! swipe it here 👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉

 The Secret Agreement ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon