TSA 07

1.4K 32 0
                                    

Tinanggal ko ang tuwalyang nakabalot sa basa Kong buhok bago humiga. Napabuntong hininga akong tumingala at tumitig sa taas.

"Hindi naman porke lumaki kaming mayaman at kilala kaming mga business man sa buong mundo ay hindi na kami kumakain Ng ganitong food. Yeah, we maybe rich but we're not that kind of persons na hindi na kumakain sa ganitong Filipino food. Yon ang Kailangan niyong malaman tungkol sa pamilyang Del Fuego. Hindi kami ganoon, dahil bago yumaman at maging maginhawa Ang buhay namin, nag daan muna sa hirap ang mga magulang namin. Pinag daanan rin namin ang hirap na iyon, dahil iyon ang paraan ng mga magulang namin na kahit mayaman o tanyag kami sa buong mundo ay hindi namin malimutan kung saan at paano kami nagsimula,"

Biglang nag echo sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Logan, kanina sa bahay nina Siena.

Ilang taon narin akong nagtatrabaho sa Del Fuego Hotel, ngunit kaylan man ay hindi ko pa nakita ang mga magulang niya. Ayon sa aking naririnig sa aking mga kasamahan ay ayaw daw nito sa Lahat ng babaeng dinala nito sa bahay nito.

Mga babae.......

Kung ganoon, marami iyon. Ano naman kaya ang inayawan niya? Hayyyyyy. Bakit ba ako nangingialam? Eh ano namang paki alam ko sa mga babaeng iyon? At isa pa ba't ba iyon ang iniisip ko???????

Nakabusangot na tumayo ako at nagtungo sa kusina, kinuha ko ang baso at naglagay ng milk powder at kakaunting asukal pagkatapos ay naglagay ako ng mainit na tubig galing thermos. Kumuha ako ng kutsarita at hinalo iyon, nang matapos ay dinala ko iyon sa may kama ko at inilagay sa may bedside table. Nang medyo lumamig na ay ininom ko iyon Ng diretso.

Napabuntong hininga akong muli at kinuha ang photo album namin Nina Nanay at Tatay. 6 years ago ng mamatay sila sa isang aksidente. Highschool palang ako noon, graduating sa highschool. Nasa school ako noon ng matanggap ang balitang namatay ang mga magulang ko dahil binaril ito ng mga magnanakaw.

Bata pa'ko no'n hindi ko pa alam ang dapat gawin. Naulila ako sa batang edad. Namatay sina Nanay at Tatay na walang iniwang kahit na ano saakin kundi ang pagmamahal nila na lubos puso. Kahit na lugmok ay pinilit ko ang bumangon. Wala na akong aasahan, hindi ko rin maaasahan ang mga kamag-anak namin, mga plastik silang lahat.

Hindi ko alam kung kamag-anak ba talaga sila Nina Nanay at Tatay. Kasi sobrang iba ang ugali ng mga magulang ko sa kanila. Hindi ko mawari pero kahit anong hambing ko sa ugali nila at sa ugali ng mga magulang ko, hindi talaga tugma. Sobrang bait ng mga magulang ko, kompara sa mga kamag-anak namin.

Tinititigan ko ang litaratong naroon sa Family album namin, binyag ko iyon, nakangiti sina Nanay at Tatay habang ako naman ay umiiyak, Klaro Iyon sa sanggol kong mukha. Umiiyak talaga, kahit sa litarato lang. Pero ang ganda ko talaga kahit noong baby pa lamang ako.

Marami ang litarato namin doon na kasama ko ang Nanay at Tatay. Hayyy.....kung hindi kaya namatay sila Nanay at Tatay sa aksidenteng iyon? Maghihirap ba ako ngayon? Sa palagay ko ay hindi. Masipag ang Nanay at Tatay ko, sa katunayan ay wala kaming utang sa kahit na sino noong nabubuhay pa sila. Magaling humawak ng negosyo ang aking Ina, pinapatakbo niya noon ang aming tindahan sa palengke, may mga tinda kaming iba't ibang Karne. Habang ang tatay naman ay nagmamaneho ng taxi. Kaya kahit papano ay hindi kami naghihirap.

Ewan ko ba, kung bakit ako nahilig sa mga utang na iyan. Eh sa hindi naman ganoon ang aking mga magulang. Saan ko ba ito na mana? Nakangusong ibinalik ko ang photo album namin sa loob ng kahon. Sinara ko iyong mabuti, napapa-buntong hininga akong napasalampak ng upo sa kama.

"Kung buhay pa kaya sina Nanay at Tatay, naghihirap kaya ako ngayon?" nakangusong tanong ko sa sarili ko, "Siguro ay hindi, masipag ang mga magulang ko eh. Iyon lang ang namana ko sa kanila ang kasipagan. Pero ang pagkahilig ko sa utang ay hindi ko alam kung kanino ko namana," ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong, "Para na'kong baliw nito, psh!" nakakabagot! Ano ba ang pe pwedi kong gawin? Eh hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, "Kung mag open kaya ako sa IG account ko?" matagal tagal naring hindi ako active sa IG, "O di kaya naman ay tawagan si, Siena?" muling ani ko sa sarili ko.

Sa totoo lang, para na talaga akong baliw. Sarili kong tanong ako ang sumasagot, eh papano nalang kung may sumagot bigla sa tanong ko? Eh di natakot naman ako.

Ba't ba ang advance ko mag-isip? Kasama ba ito sa pagiging maganda ko?

"Ayyy putangina shit!" napatalon ako at hindi ko napagilang mapa-mura ng biglang tumunog ang ring tone ng cellphone ko.

Sino ba ang hinayupak na ito at trip yatang manggulat???

Nakahawak ako sa dibdib ko ng lapitan ko ang cellphone ko at sinagot ang istorbong tawag.

"Hoy! Kung sino ka mang hinayupak ka! Alam mo bang muntik mo na akong patayin dahil sa gulat! Aba! Eh kung trip mo yatang manggulat aba'y magsabi ka naman at nang nakapag handa ako," napapalatak agad ako ng sagutin ko ang tawag. Wala akong narinig na kahit na anong tugon mula sa kabilang linya, aba'y buhay pa kaya itong kausap ko? O baka naman...... Oh Lord! Wag naman sana! Matatakutin akong tao, napapikit na'ko. Paano nalang kung sina Nanay at Tatay 'to? Na kung nagpaparamdam pala sila? Jusko naman! "N-n-nay, t-t-t-tay jusko naman, 'wag niyo naman akong takukin. Alam niyo namang matatakutin ako huhuhuhu, kahit sa panaginip ko nalang, do'n niyo nalang ako takukin Nay. Natatakot na talaga ako, jusko naman!" aniya ko habang nakapikit.

Mas lalo akong natakot ng wala parin akong nakuhang sagot mula sa kabilang linya. Ayoko pang mamatay dahil sa atake ng puso!

Wag ka ngang OA Jasmine. Wala kang sakit sa puso!

Oo nga pala 'no? Natatakot na talaga ako! Jusko naman!

"Magsalita ka naman, baka mamatay na'ko dito dahil sa takot. Sino ka ba? Hoy! Hayop na'to, may balak ka bang mang trip? Na ka drugs ka ba???"

Muli kong ani, kailangan kong lakasan ang loob ko! Tama! Kailangan ko iyon! At kung sino man ang-

"Tsk. Open your door, let me in,"

★★★★★★★★★★★★★

TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!!

Gaya nga ng aking laging sinasabi at pinapaalala sainyo, kung may mapansin man kayong wrong grammar. Maaari ninyo itong incorrect sa magandang paraan. Para mapadali ang pag-edit ko. Ikinalulugod kong malaman na hinintay mo ang aking update para sa storyang ito.

Votes and comments will be highly appreciated...


Have a great day ahead!!!!

You can add/follow me on this accounts!

(dm me for accept!!!!)

IG: Aoife Author
FB: Aoife WP
TikTok: missxdark1

SALAMAT!!!!!!


 The Secret Agreement ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon