TSA 06

1.5K 37 0
                                    

Napapantastikuhan man sa ginawa ni Logan ay hindi ko na ito pinansin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakamasid saamin na siyang nagbigay ng hiya saakin. Napatingin ako kay Siena, napairap ako ng makita ko ang nanunuksong tingin nito.

Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan. Patungkol sa kanilang mga negosyo. Habang ako naman ay nababagot na, dahil hindi naman ako interesado sa mga negosyong pinag-uusapan nila.

"Ma'am naka handa na po ang pancit palabok ninyo," agad akong napangiti ng marinig ko ang maid nila Siena na magsalita.

Hindi ko na napigilan pa ang mapa palakpak ng mahina at tumayo ng nakangiti.

"Tita, Tito," simula ko napapairap naman akong tumingin sa apat na Del Fuego na nakaupo, "Mga Del Fuego'ng Babaero, excuse us, Tita at Tito, kain po muna kami ni Siena," nakangiting tinungo ko ang kina uupuan ni Siena at hinatak ito patayo.

Narinig pa namin ang masayang tawa ni Tita.

Nang makarating kami sa Dinning area Nila Siena ay agad kaming naupo sa upuang naroon, naroon narin ang pancit palabok na hinanda nila. Napansin ko naman kaagad na marami iyon.

Nagkatinginan kami ni Siena at sabay na nagkibit balikat at sinumalan na lamang ang kumain.

Ang sarap talaga ng pancit palabok kaya paborito namin ito ni Siena. Nagkakilala kami ni Siena noong parehas kaming fresh men sa college. Siya iyong tipong tahimik at ako naman ang maingay. Napagtripan siya noon ng mga babaeng akala mo kung sinong nag rereyna reynahan sa university. Sakto namang napadaan ako kaya di na ako nag aksaya ng oras na tulungan siya.

Siyempre napa laban rin ang maganda niyong Jasmine. Pano ba naman eh ang hahaba ng mga kuko ng mga bully eh. So ayon, syempre di ako nag patalo.

Sinong Dumagoso ang nagpapatalo?

"Mukhang malalim yata ang iniisip mo, Jas?" napakurap ako ng dalawang besess bago tumingin Kay Siena na, nakatingin na pala saakin.

"Nasisid mo ba?" pambabara ko. Agad naman itong ngumuso, napatawa naman ako dahil doon. Ang cute niyang tignan. "Naalala ko lang yong unang araw na nagkakilala tayo, war day paman din iyon no? Naalala mo pa ba iyon? Ha Siena?" tanong ko sabay subo ng pansit.

Tumigil naman sa pag nguya si Siena at uminom ng Tubig pagkatapos ay tumingin saakin na parang binabalikan ang naka raan.

"Yeah ofcourse.....Sino naman ang makakalimot sa pangyayaring iyon, pero alam mo, pinag papasalamatan ko yong mga babaeng nang bully saakin nong unang araw ko sa college,"

Ha?

Ano daw?

Bakit Naman?

"Bakit naman?" nakakunot noong tanong ko. Naroon rin ang pagtataka sa aking tinig.

Bakit niya naman papasalamatan ang mga babaeng iyon, eh siya na nga itong binully Ng mga iyon?!

"Kasi kung hindi nila ako binully, hindi siguro Kita kaibigan ngayon. That's why I'm thankful to them for bullying me that time, kasi nakilala kita," aniya na may ngiti sa mga labi.

"Oo nga naman, may punto ka rin naman," napapatango pang aniya ko.

Magsasalita na sana ako ng may mauna saakin.

"Girls, hindi niyo ba kami papakainin?" sabay naman kaming napalingon ni Siena sa nag salita.

Isa iyon sa magkakapatid na Del Fuego.

 The Secret Agreement ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon