TSA 03

1.6K 37 1
                                    

Inis na minulat ko ang mga mata ko dahil sa pisteng ingay ng mga bruha Kong kapit bahay!

Anong oras na ba?

Halos mapa mulagat ako ng mga mata ng makita ang oras!

Putangina!!!!!!!!!!

6:00am!!!!! Na!!!!!!!!!

Dahan dahan akong tumayo kahit masakit ang bandang ibaba ko. Napangiwi akong nagtungo sa maliit na banyo nitong apartment ko. Binuksan ko ang gripo at nang mapuno na ang isang timba ng Tubig ay sinara Kong muli Ang gripo.

Kahit na naroon ang kaunting kirot sa aking ibaba ay pinilit ko paring maligo. Hindi ko alam kung pagligo bang matatawag iyon? Ni hindi nga ako umabot ng kinse minutos sa loob ng banyo. Na Dati at halos abutin ako ng kalahating oras sa pagligo.

Nang sa wakas ay natapos na akong magbihis at Lahat Lahat ay agad akong lumabas ng apartment ko at sinara iyon.

Huminga ako ng malalim.

Kailangan kong nag lakad ng matuwid!

Arghhh!

Dahan dahan akong naglakad papalabas, ayoko namang mapag chismisan ng mga bruha at Walang magawang mga kapit bahay ko. Naku nalang. Ayoko nalang magsalita.

Pakiram ko ay nakahinga ako ng maluwag ng marating ko ang labasan. Kinuha ko ang cellphone ko sa dala kong back pack, nag book ako ng cab. Ayoko munang mag jeep na ganito ang pakiramdam ko. Siksikan pa man din pag sa jeep ako sasakay. Baka mas lalo akong mahirapan.

Hindi umabot ng Isang minuto ay agad namang dumating ang cab. Agad akong pumasok sa loob nito.

"Saan po tayo, ma'am?" Napakunot noo akong napatingin sa driver,

Kaya pala pamilyar Ang boses. Eh ito rin ang naghatid saakin sa bar kagabi eh.

Infairness huh maganda iyong bar na pinag dalhan Niya saakin,

"Del Fuego Hotel, kuya," aniya ko sa driver. Nakita ko ang pasulyap sulyap na tingin sakin ni kuya sa review mirror niya, "Kuya alam ko namang maganda ako, pero hindi po ako pumapatol sa matanda," nakataas kilay Kong aniya.

Napakamot naman sa ulo niya ang driver.

Nagbibiro lang Naman ako, baka namumukhaan niya ako, kaya panay ang tingin Niya saakin.

"Pasensya na ma'am, namumukhaan ko lang kayo. Hindi ba't kayo ho ang inihatid ko sa isang bar kagabi?" Tumpak!

Sabi na nga ba.

Sino ba naman ang hindi makakakilala saakin? Sa ganda Kong ito? Aba! Bulag na lang ang hindi makakakita sa kagandahan Ng isang Jasmine Dumagoso.

"Ako nga po iyon," maganda Naman Ang bar na pinag dalhan Niya saakin.

Kaso......naisuko ko rin ang mahiwagang kabebe.

Nagkwentuhan pa kami ni manong bago tuluyang huminto Ang minamaneho nitong taksi sa tapat mismo ng matayog na hotel building ng mga Del Fuego. Iniabot ko ang bayad ko Kay manong, "Maraming salamat ho manong," aniya ko pa bago tuluyang lumabas ng taxi.

Wag nalang kaya akong pumasok?

Umuwi nalang kaya ako?

Nakakahiya!

Para akong walang mukhang ihaharap!!!

Oo Tama! Uuw-

"Jasmine! Sandali! Jasmine! Kausapin mo ako!" Napapalunok akong lumingon sa likuran ko.

 The Secret Agreement ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon