Chapter 14

18.1K 260 11
                                    

 

" No, Iha wala kang sakit.. I just want to Congratulate you.. You are Pregnant! "

   

Tatlong oras na rin ang nakararaan ng sinabi ng doktor sa akin kung ano ang kalagayan ko, hindi pa rin ako makapaniwala, mayroon ng buhay na nabuo sa sinapupunan ko ngayon. 


Maraming bagay ang bumabagabag sa akin ngayon, handa na ba ako na maging isang ina? kakayanin ko ba itong mag-isa? magiging mabuti kaya akong ina? 



Hindi..... hindi ko alam kung paano ako magsisimula..


Walang anumang nakakabit sa aking dextrose o kahit na anong gamot sa akin dahil natural lang daw sa isang buntis ang makaramdam ng ganoong sintomas. Pero kailangan ko lang daw mag-ingat dahil medyo masilan ang pagbubuntis ko, binigyan din nila ako ng pampakapit para sa bata. Habang kinakausap nila ako kanina, ang tanging kaya ko lang gawin ay tumango sa tuwing mayroon silang sasabihin..


Natigil ang pag-iisip ko ng may bigla akong naramdamang kamay sa magkabilang balikat ko. Kanina pa ako nakatulala habang naka-upo sa hospital bed. 


" Don't worry Sof, I'm not gonna leave you " si Brenan iyon


inangat ko ang ulo ko para tignan siya atsaka pilit na ngumiti, nagpapasalamat ako dahil kahil anong kasamaan ang gawin ko, andito siya para alalayan ako, hindi niya ako iniwan.. Bakit hindi nalang ikaw ang minahal ko Brenan? lihim kong tinanong iyon sa sarili ko..


"T-Thank you" naiiyak na ako, ano ang gagawin ko? ano ang sasabihin ko kila Mommy at Daddy, lalo na kay Lolo...


He hugged me tightly, I feel so safe when I'm with him... Thank you Brenan... Thank you so much...

Nasa ganoon pa rin kaming posisyon ng pumasok ng sina Mommy at Daddy  sa kwarto..

Nakita ko na galing sa pag- iyak si Mommy, nakahawak siya sa braso ni Daddy, parang pinipigilan si Daddy sa pwede nitong gawin, biglang lumakas ang tibok ng puso ko.. kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari..

Kumalas ako sa pagkakayap kay Brenan ng tuluyan ng nakapasok sina Mommy..

Nakatayo lang sila ngayon sa harap ko..

ramdam ko ang tensyon sa loob ng kwarto.. kumapit ako sa braso ni Brenan, kailangan ko ng paghuhugutan ng lakas ngayon..

He look at me and hold my hand too.. I feel secured..

" Iha, tell us kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan mo.." si Mommy ang unang nagsalita, ama ng bata sa sinapupunan ko? bata? ganoon ba nila hindi katanggap ang nangyari sa akin para tawaging bata lang ang magiging apo nila?

Wanna Bet?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon