40

16.6K 302 18
                                    

Dedicated to: @jhen1027  I soooo love you and your nakakatabang pusong comments... Thank you

------------

“Anong TART huh?” sabay pingot ko sa kanya ng tuluyan na kaming makapasok sa kwarto

“AAARAYY!” sigaw niya “Kasi naman mukhang popormahan ka pa ng lalaking iyon eh” sagot niya sa akin habang hinihimas-himas ang namumulang tenga niya

Bakit ano sa iyo kung popormahan ako nun? “Malabo, hindi ko siya type!” saka ako tumalikod sa kanya

“Alam ko!” pagmamayabang niya “Sinisigurado ko lang” napalingon ako sa kanya at  tinignan ko siyang mabuti “S-sinisigurado ko lang na tumutupad ako sa pangako kay Sky” dugtog niya saka tumingin sa malayo, he even cleared his throat “K-kasi nangako a-ako na aalagaan kita di ba?” Are you convincing me? Or yourself? MUKHA MO MIGUEL! Aalagaan! As if naman na may care ka sa akin!

Inirapan ko lang siya ng biglang may kumatok sa pinto, binuksan ni Miguel iyon “Goodevening po Sir” tumango si Miguel sa kanya “Ito na po ang inorder niyo para sa dinner ninyong mag-asawa” saka siya ngumiti sa akin, mag-asawa? Teka!

“ANONG-kkhshfpsg” Tinakpan ni Miguel ang bibig ko , LOKO TO AH!

“Sige ilapag mo lang diyan” utos niya sa lalaki

“Sige po Sir, Mam, enjoy your night po” saka tuluyan ng lumabas ang roomboy

“AAAARAAYYYYY!” biglang tanggal niya sa kamay niya mula sa bibig ko, kinagat ko kasi siya “Ano ba?” tanong niya sa akin habang hinihipan ang kamay

“IKAW HUH! Namumuro ka na! duro ko sa kanya “lilinawin ko lang sana doon sa lalaki na hindi tayo-“

“ANO KA BA?” Nabigla ako sa ekspresyon ng mukha niya “NAKALIMUTAN MO NA BA? KAPATID NG MAY-ARI NITONG HOTEL YUNG DOKTOR KANINA, NATURAL MAY AUTHORITY SIYA DITO, PAANO KUNG TANUNGIN NIYA DOON SA ROOMBOY NA KUNG MAY RELASYON TAYO O WALA? EDI NAPAHIYA PA AKO! WALA AKONG TIWALA SA DOKTOR NA IYON...” napaatras pa ako ng kunte dahil sa pagsigaw niya, teka narinig niya pa yun? Gaano na ba siya katagal na nakatayo kanina sa lobby?

 

“G-galit kaba?” ewan ko kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko “TSAKA BAKIT GAANON NA LANG REACTION MO DOON SA DOKTOR? MAY GALIT KA BA SA KANYA? NAGKAKILALA NA BA KAYO NOON?” this time siya naman ang tumalikod at ginulo ang buhok niya, na akala mo ako na pinakamahirap kausapin sa mundo

“WALA! HINDI KO SIYA KILALA” sagot niya sa akin

 

“Eh bak-“

“KASI AYOKONG MAY IBANG LALAKING LUMALAPIT SA IYO!” tama ba ang narinig ko?

Wanna Bet?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon