Chapter 9.5

19.6K 236 4
                                    

Chapter 9.5

Sophie

Continuation of flashback…

 

Umupo ako sa sofa malapit sa hospital bed, kanina pa kasi hindi mawala ang mga ngiti niya sa labi, asar na sar ako lalo na halos every minute mahuhuli ko siya na nakatingin akin at maririnig ko ang mahina nyang tawa. Kumukulo ang dugo ko sa ginawa niya. NAKAKAINIS...

"ANO BA, TIGILAN MO NGA YANG PAGNGIT-NGITI MO DIYAN? GUSTO MO TULUYAN KUNG WAKWAKIN YANG BIBIG MO DYAN? HUH?" Imbis na matakot sa pagbabanta ko, mas lalo ko pang narinig ang malulutong na tawa niya, hmp, buset!

"HAHA KASI NAMAN KANINA KA PA NAKABUSANGOT DIYAN HAHAHA" halos mamatay na siya sa kakatawa, naway matuluyan na ang lalaking ito!

"KALA MO BA NAKAKATAWA YUNG GINAWA MO KANINA? HUH? PANO KUNG NAGKATOTOO YUN? PANO KUNG AKO NGA ANG MAY KASALANAN NG PAGKAMATAY MO? EDI KONSENSYA KO PA YUN HABANG NABUBUHAY AKO... BAKA MULTUHIN MO PA AKO, BAKA IPAKULONG PA AKO NG PAMILYA MO! HINDI KA NAKAKATUWA DEL ROSARIO! HINDI KA NAKAKATUWAAA!" bulyaw ko sa kanya, hindi ko mapigilang hindi mapatayo mula sa kinauupuan ko, ang lakas ng boses ko, rinig kaya ako sa buong ospital? Kahit na, wala akong paki alam, basta, basta ang alam ko inis na inis ako sa makisig na lalaking nasa harap ko!

"Sorry na.." halos pabulong nyang sabi "Ginawa ko lang naman iyon para malaman kung may pag-asa ba ako sa iyo o wala eh, mahirap kasing umasa sa wala, hindi lang pala mahirap, masakit din" kahit mahina ang boses niya, rinig na rinig ko iyon, para siyang bata na napagalitan ng magulang

 

"At talagang nagpa-confine ka pa dito sa mamahaling ospital na ito para lang diyan sa kalokohan mo? grabe ka Miguel!" hindi parin makapaniwalang sabi ko

"Hindi, naka-confine na talaga ako dito, mga two days na" sagot nya, ano kaya ang nagyari sa kanya? Tsaka nangayayat siya, pamutla din ang mga labi nya

"Bakit ano bang nangyari sa iyo? Tsaka bat anlamig lamig mo? Kaya hindi ako nagtaka agad kung patay ka ano hindi eh" bigla siyang tumawa na mahina

"Ganito talaga ako pag nagkakaroon ako ng LBM, namumutla ako dahil sa dehydration, lumalamig din ang buo kung katawan, ewan ko kung bakit, hindi naman normal na sintomas ng LBM yun pero ganun talaga ako, weird no?" medyo nahihiya nyang sabi, nahihiya siya siguro dahil umamin siya na nagtatae siya, pinasosyal pa LBM daw, sows.. hahaha

"Hey wag kang ngumiti dyan!" sita niya sa akin, paanong hindi ka matatawa sa nangyayari, ang hearthrob na tulad ni Miguel dinadapuan din pala ng pagtatae, haha ano kaya ang itsura niya habang nakaupo siya sa trono? Wooh!

" Sensitive pala yang tiyan mo" sabi ko na lang " kung anu-ano kasi ang pinagkakakain eh"

"Hindi ko naman alam na sasakit ang tiyan ko dahil sa niluto ko eh, yung isa siguro sa mga seasoning na hinalo ko, baka may halong kung ano"  huh? Nagluluto pala siya? Dagdag pogi points agad!

"Uso din magbasa!" sagot ko sa kanya

Wanna Bet?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon