Chapter 29

16.2K 231 18
                                    

Miguel


Oo tama nabasa niyo, ako nga ang gwapong si Miguel Del Rosario. Hindi ko rin naman expected na ngayon na ang POV ko eh, kala ko sa huli pa tulad ng ginawa ng mahal ko na author sa kabila niyang storya. Pero ito na, ako na ito, sabagay who can resist my charm? wala naman di ba? yung baby nga napatahan ko agad eh.

Alam ko marami kayong tanong, pero hindi lahat yun kayang sagutin ng isang chapter na ito, isa lang naman ang gusto kong malaman niyo eh, na sincere ako sa paghingi ng sorry kay Sophie, na guilty ako sa lahat ng mga paratang niya.

Oo niloko ko siya, ginamit, ginago.. Inaamin ko yun.. Pero sana... sana lang nakinig muna siya sa paliwanag ko bago siya umalis di ba? bago niya ako pinagtabuyan.. bago niya ako nilayuan.. bago niya itinago ang tungkol sa anak na- niya...

Kung alam lang niya kung gaano rin ako nasaktan noon, pero tinanggap ko lahat kasi kasalanan ko, mali ang ginawa ko, mali ang manggamit ng tao. Totoong niligawan ko si Sophie dahil sa pustaan ng barkada, sinuyo ko siya dahil doon, hindi ko idi-deny yun

Pero.. hindi naman siya mahirap mahalin eh, kahit ang sobrang gwapong tulad ko marunong ding magmahal. Kung nakinig lang siya... kung naging apat lang sana ang tenga niya...eh di sana..

Hindi nga ako makapaniwala na hindi niya nakilala ang gwapong tulad ko ng magkabanggaan kami sa airport noon eh, nasabi niya ba sa inyo yun? She was shouting at me na kala mo I have just committed a crime ng mabangga ko siya, na akala mo ako na ang pinakatangang tao sa mundo ng mga oras na iyon...ang sungit but still beautiful.

And I saw her again sa party with my bestfriend Wine, akala ko that was the right time to talk to her, pero after my speech, bigla naman siya nawala.. I did my best para mahanap kung saan siya nagpunta, and I found her sa isang club, I don't know the reason why she was drinking like that. I hesitated to  approached her that time kasi I wanna talk to her kung nasa matinong condition siya.

I wanna say sorry... I wanna make things right.. I wanna tell her that I still-... urgh and there I saw a pervert man trying to ask her out or something.. hindi ko alam.. pero kumulo ang dugo ko ng makita ko ang pangit na lalaking yun na pinipilit si Sophie, I swear, hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit na ako sa kanila, thank God Sophie was really drunk that time, hindi niya ako nakilala kung hindi I'm really sure, kung hindi mukha nung pangit na lalaki ang basag, baka mukha ko...

I carried her outside the club pero bago ko pa magawa ng tuluyan yun, nakasalubong ko si Brenan.. I saw in his face that he is so worried, tinawagan siguro siya ni Sophie...

He was shocked ng makita ako, I let him carry Sophie and asked him not to tell anything.. I told him na I have a pla-

***kringgg


oops sorry guys, duty calls, I have to get back to work...

Wanna Bet?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon