Chapter 7

1K 41 1
                                    


Nagising ako dahil sa marahang tapik niya sa balikat ko at saka ko lang napagtanto na nakasandal na pala ako sa balikat niya. Agad akong napalayo sa kanya dahil sa hiya.

"Sorry, uhh, nakatulog pala ako..." I looked away at no'ng mapatingin ako sa labas ay doon ko lang napagtanto na nasa gate na pala kami ng subdivision.

"Nandito na pala tayo. Sir, pwede po ba pababa ng window?" I asked the driver dahil kailangan ko munang makausap 'yong guard. Mahigpit kasi sa subdivision at kung hindi ka resident ay maaaring hindi makapasok.

"Dito ka pala nakatira," Aizen said while looking at the front. Tumango naman ako nang hindi nakatingin sa kanya.

I don't want him to know pero alam kong may ideya na rin siya ngayon...that I came from a wealthy family. After all, this is the subdivision where most of the richest Filipinos live. But there's still a part of me hoping...na sana ay hindi niya malaman, because just like other people, I don't want him to treat me differently too.

No'ng makarating na kami sa street kung nasaan ang bahay namin ay pumara na ako. Ayaw ko ng magpakita sa mga guard namin dahil baka magtanong pa sila at ireport ako kila mommy.

"Dito nalang po," I took my wallet at kumuha ng three thousand. "Here po. Sir, pwede po bang pakihatid na rin po siya? Salamat po."

I was about to give it nang pigilan ako ni Aizen.

"Ako na," aniya. Agad naman akong umiling, hindi na ako papayag sa gusto niya, masyado ng nakakahiya.

"No. Ako na. You already paid for my dinner, ako na dito." I smiled at him at inabot na sa driver ang pera.

"Salamat. S-Sobra kong naappreciate. Ingat. Good night." Mabilis ko 'yong sinabi saka ako lumabas. Sinadya kong huwag ng tingnan ang mukha niya dahil nahihiya ako.

Nakahinga ako ng maluwag no'ng makita kong umalis na ang taxi. Gosh, hindi ko talaga alam, lagi naman akong hindi mapakali kapag maraming tao, but with him...it feels like another level of nervousness...hindi ko maipaliwanag.

I couldn't sleep that night. My mind kept on drifting back to the things that shouldn't be inside my mind in the first place. I am overthinking again at nilalagyan ko nanaman ng meaning ang mga bagay-bagay.

This is why I hate myself. Pakiramdam ko rin ay ang sarili kong isip ang dahilan kung bakit lagi akong malungkot, because sometimes...I expect and think too much.

And Aizen...his personality is kind of confusing me. Kapag nasa meeting at nasa harap ng ibang orgmates ay ang seryoso niya masyado, pero sa nakalipas na dalawang beses na kasama ko siya na kami lang...I feel like he's a different person. Hindi ko alam, maybe men are really confusing?

Also, my speculations about him still won't go away no matter how hard I try to keep them out of my head. At ayaw ko ng isipin pa ang nalaman ko ngayong araw dahil alam kong mas gugulo at lalala lang ang isip ko. It's frightening to even think about it.

Iniwasan kong isipin siya sa sumunod na mga araw, mabuti nalang din ay hindi pa nagpatawag ng meeting. Exam week din naman kung kaya't naging abala rin ako sa pagrereview at paggawa ng ibang requirements.

It was a tiresome and nerve-racking week, kung kaya't halos makatulog ako habang naglalakad pagdating ng Friday. Nakakapagod ang mga gawain sa school at nakakapagod din ang preparations para sa party. That's why I really hate parties, kahit na hindi ako ang mag-oorganize ay damay pa rin ako lagi.

I decided to visit a kpop store along España boulevard before going home para naman mabawasan ang pagod ako, parang stress reliever ko na rin kasi 'yon. Sa katunayan, every time I get stressed, pakiramdam ko ay ang dami lagi ng nabibili kong merch.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon