Chapter 17

882 34 3
                                    


"Amil!"

Mas binilisan ko ang lakad ko pero dahil likas na mas mabilis siyang maglakad at mahahaba ang binti niya ay naabutan niya ako. Pansin ko rin na dala-dala na niya 'yong bag niya at 'yong mga paperbags ng pinamili namin.

"Sorry."

Naiiyak man ay hinarap ko siya.

"Hindi mo kailangang magsorry, okay lang naman, gets ko naman. Ayaw mong maisturbo kaya hindi kita iisturbohin. Okay lang 'yon sa akin. Sorry." Diretso ko 'yong sinabi at tatalikod na sanang muli nang hawakan niya ako sa braso.

"Let's talk, please. I'm really sorry if I acted like a jerk."

Hindi ako tumingin sa kanya. Mayroon pa akong gustong sabihin.

"Yes, my family is rich. But it's not me, Aizen. Kaya katulad mo ay kailangan ko ring paghirapan ang pangarap ko nang hindi lang dumedepende sa yaman ng pamilya ko. I am working hard too because I want to be proud of myself."

He sighed and his grip loosened.

"I'm really sorry, Amil. It's just that..."

What? Lumingon ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"What?" I curiously asked at umiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Your family wants someone who's decent and rich for you. And you know, I am not rich so I need to work harder so that I can deserve you, Amil."

Huh? Saan naman niya napulot na gusto ng pamilya ko 'yong mayaman din?

"I want to be a better person for you, hindi man mayaman ay gusto kong may maipagmalaki naman ako sa pamilya mo. Kahit na mukhang iba ang gusto nila para sayo...someone na pinapayagang kasama ka."

What now?

"Saan mo naman nakuha mga idea na 'yan?" Nagtataka kong tanong.

He just looked away at nanlaki naman ang mga mata ko nang may marealize at maalala.

Iniisip ba niyang...o baka naman.

My lips curved into a smile dahil sa naisip ko.

"Is this because of Harvey?" I excitedly asked, hindi ko alam, naeexcite lang ako sa thought na baka nagseselos siya.

Umirap siya. Natawa naman ako ng mahina.

"Are you jealous?" Mas lalo akong napangiti.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Gosh, bakit ka nagseselos sa kanya? Wala ka namang dapat ikaselos eh."

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Ang cute naman nito magselos, nagiging suplado. Ganito ba talaga ang mga lalaki?

"Your family likes him. He's rich."

I pouted. "Hindi gano'n pamilya ko. Mga pinsan ko lang naman ang nagreto sa kanya, akala kasi nila wala akong gusto so they tried to pair me to someone they know."

"See? They like him kaya sa kanya ka pinares!" Seryoso at tila galit niyang sabi.

I laughed loudly. "Eh ano naman? Hindi ko naman siya gusto ah."

"But he likes you and your family likes him."

Seriously? Malaking issue 'yon sa kanya? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kasi dinidibdib pa niya ang bagay na 'yon. But then...I know what I should do now.

Maybe he think na hindi ko siya kayang ipakilala sa parents ko because of his social status even though the real reason is that naguguluhan lang talaga ako sa kung anong meron kami kaya hindi ko magawa 'yon. That's why I want to do it now so I could lessen his worries and insecurities.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon