Chapter 15

937 40 25
                                    


Hindi ako mapakali habang nakaharap sa salamin. Tonight is the night and I don't know what to do.

Okay lang ba ang suot ko? Kailangan ko ba ng make-up? Kailangan ko bang ayusin ang buhok ko?

It's not my first time to watch a concert but tonight's certainly different.

I jumped when the door of my walk-in closet opened at iniluwa no'n ang ate ko na ikinalaki naman agad ng mata ko.

She's home?

"You looked surprised," aniya at ngumisi. "Anyway, that's my intention nga naman." She added and went to hug me.

"Ate, you're home." I managed to say it after few seconds.

Humiwalay naman siya sa akin at ngumisi.

"Tama ba ang narinig ko na you're going to paskuhan with a date?"

Huh? Date? At sino namang may sabi?

Gosh, mom.

"It's not a date, ate. Manunuod lang kami." I answered.

Mas lalo namang lumapad ang ngisi niya. "Come on, don't be shy. It's normal lang naman and I'm happy that you're now finally going out of your comfort zone."

"Ate, hindi nga!"

Parang hindi niya narinig ang sinabi ko at dumiretso pa sa harapan ng salamin.

"And what are you wearing? Pants and t-shirt? Where's your fashion sense? I thought you wanted to be a fashion designer, gosh." She said like what I'm wearing is unacceptable.

"It's not a date, ate. He's a friend." Giit ko bago lumapit sa kanya.

She eyed suspiciously before nodding, pretending like she's believing me kahit na halatang hindi naman.

"Okay okay, but you need to change your outfit first! You're not going out wearing that!"

Tumango ako at nakinig nalang sa mga sinasabi niya dahil mas marunong nga naman siya sa akin. I love designing clothings pero kulang pa ako sa kaalaman, that's why I want to study, so that I can learn better.

I ended up wearing a halter beige dress paired with a Chanel jacket and YSL heels. Ate also applied light make-up on my face, which kind of emphasized my features.

"Here, add this." She handed me a white handbag which looked so cute kaya agad ko ring kinuha.

"Thank you, ate."

"Yah! Enjoy the night ha? Make it memorable!"

Tumango naman ako at humakbang na palabas ng kwarto.

Aizen wanted to fetch pero pinilit ko naman sa kanya na hindi na kailangan dahil ayaw kong maabala pa siya. Malayo pa kasi mula sa inuuwian niya at traffic pa. Ihahatid din naman ako at gano'n din naman 'yon, magkikita rin naman kami kahit na hindi niya ako sunduin.

Marami ng tao no'ng dumating ako sa school and I immediately texted Aizen para magtanong kung nasaan na ba siya, sinabi ko na rin na naghihintay ako malapit sa arch.

I looked around and noticed na karamihan sa mga tao ay mukhang magboboyfriend-girlfriend, at 'yong iba naman ay mukhang magbabarkada at maingay dahil ang dami nila.

While here I am, well, hindi na ako nag-iisa ngayon so I won't need to pity myself anymore.

My heart started racing when I received a message from him na papunta na siya. Kinakabahan ako kasi paano kung...

"Oy! Hi!" Lumingon ako dahil sa kumalabit sa akin.

Nakangiting mukha ni Jensenn ang bumungad sa akin and he's with a girl na obviously ay hindi ko kilala, pero maganda at mukhang model.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon