Chapter 10

1K 34 18
                                    


The meeting already ended at hinihintay ko nalang ang sasakyan namin sa labas ng building. Ria already went home pero magulo pa rin ang utak ko dahil sa sinabi niya.

Not one sided? What does she mean by that? Na kung crush ko si Aizen ay crush rin niya ako?

Agad akong napailing. It can't be true! It's a big no!

Baka nantitrip lang si Ria at ako ang napili niyang pagtripan kanina. She looked bored kaya baka gano'n nga.

"Uuwi ka na?" I was in deep thoughts when someone spoke beside me kung kaya't muntik na akong mapatalon.

"Uh, sorry. Nagulat yata kita." Aizen apologetically said.

"O-Okay lang." I answered and my eyes drifted sa hawak niyang strawberry milk. My eyes twinkled by the sight of it.

I really like strawberry milk, sa katunayan ay halos araw-araw yata akong umiinom no'ng high school pa ako. Natigil lang no'ng college dahil sabi ng mga pinsan ko ay mukha akong immature kapag umiinom no'n.

Nahiya naman ako nang bigla niya 'yong itinaas. "Gusto mo ba? Hindi ko na rin maiinom eh, busog na ako." Aizen said and offered it to me.

Napatingin ako sa kanya ng bahagya. Nahihiya ako pero mas nanaig ang hilig ko sa strawberry milk kung kaya't kinuha ko 'yon nang iabot niya sa akin. Matagal na rin kasi akong hindi nakakainom.

"Salamat." I smiled a bit saka ko ibinalik ang tingin ko sa harap.

Our driver said na papunta na siya pero natraffic siguro kaya medyo matagal. I looked at Aizen and I still saw him standing beside me. Nagtaka naman ako, hindi pa ba siya uuwi?

It seems like he noticed me looking at him kung kaya't napatingin siya sa akin. Ria's voice and words replayed inside my mind again...at hindi pa nakatulong na ngayo'y napagtanto ko na kung sino nga ang kahawig niyang kpop idol.

It's Park Sunghoon of Enhypen.

"Uh, may dumi ba ako sa mukha?" He suddenly asked at doon ko lang narealize na nakatingin pa rin pala ako sa kanya.

Gosh, ang shunga ko naman!

"Ah! W-Wala wala! Napansin ko lang kasi...na...na may kahawig kang Kpop idol!" I even laughed and that sounded so awkward, mas lalo lang nakakahiya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa naghaharumentado kong puso, gusto ko ng magpalamon sa lupa pero buti nalang natanaw ko na 'yong sasakyan namin.

"Uh, nand'yan na pala 'yong sundo ko. Salamat nga pala sa strawberry milk. Bye!" Mabilis kong sabi saka akong tumakbo papalapit sa kakaparada palang namin na sasakyan.

I immediately massaged my chest pagkapasok ko sa sasakyan saka ako huminga ng malalim. Hindi ko talaga magets kung bakit sa tuwing kasama ko siya ay lagi parang nagkakaroon ako ng arrhythmia, ang abnormal lagi ng heartbeat ko.

I sighed and closed my eyes pero sa tuwing pipikit ako ay bumabalik lang sa isip ko ang mga sinabi ni Ria, and I couldn't help but wonder...if there's a chance that a person like him might have a crush on someone like me.

It's making me really crazy and stressed. I couldn't get him out of my head kahit na anong gawin ko.

I'm starting to think that he's not good for me dahil simula nang makilala ko siya ay hindi na natahimik pa ang utak ko. The past started coming back to me, na parang isang multong nagpaparamdam sa tuwing nakikita ko siya, and it's not funny. Dahil hindi lang ang pangalan niya ang bumabalik kundi pati lahat ng masasaya at masasakit na alaala. Kung paano ako umasa, kung paano ako nabigo, kung paano ako naghintay, at kung paano ko sinubukang kalimutan siya.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon