Chapter 5

1K 38 4
                                    


Familiar?

Agad akong lumayo sa kanya habang dinadama ang pagbilis ng tibok ng puso dahil sa kaba. Anong sinasabi niyang familiar? What does he mean by that?

I don't want to think anything about him anymore pero dahil sa sinabi niya ay hindi ko nanaman maiwasan. Pero baka naman...I just remind him of someone she knows lang talaga.

I should really stop giving meaning to things. Ito ang mahirap sa akin, lahat nalang ay binibigyan ko ng kahulugan...I am too sentimental. Kaya nakakapagod na minsan.

We both grew silent after that, hanggang sa makababa na kami ng tren sa Espana. He's the one leading the way at tahimik naman akong sumunod. Akala ko ay babalik kami ng The One dahil doon naman kami nagkita kanina pero ibang street na yata ang dinadaanan namin kung kaya't napatingin ako sa kanya. He might've noticed my expression kung kaya't bigla siyang nagsalita.

"Is it okay with you kung sa office muna ang diretso natin? Kailangan ko kasing ihatid itong mga gamit doon and I need to get some of the documents there."

Tumango ako. "Okay lang."

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa isang medyo may kalumaan ng building. I was about to pay for the tricycle pero naunahan na niya ako. I suddenly feel bad dahil siya na nga agad ang nagbayad kanina pati sa PNR.

"Okay lang naman na ako nalang ang magbayad." I insisted.

Umiling naman siya. "Nakacharge 'to sa funds, don't worry, it's not my own money. Wala kang utang sa akin."

Napabuntong-hininga nalang ako at tahimik na sumunod sa kanya paakyat.

It turned out na nasa ikatlong palapag pala ang office at tama nga ang sinabi niya na hindi 'yon malawak, sa katunayan ay parang kalahati nga lang 'yon ng room namin sa UST tapos marami pang nakatambak na gamit. Pero malinis naman, kaya ayos na.

"Hello! Nanggaling na ba kayo sa divisoria? Sorry na hindi talaga ako nakasama, kakatapos lang ng klase ko eh!" Iris greeted at ngumiti sa aming dalawa, ngunit mas tumagal ang ngiti niya kay Aizen.

"Aiz I bought your favorite binatog on my way here," aniya at ipinakita ang dala niyang dalawang baso.

"Libre ba 'yan?" Aiz jokingly said at kinuha sa kanya 'yon. Mas lalo naman akong naging uncomfortable no'ng mapunta sa akin ang tingin niya.

"Gusto mo ba? Bibili nalang ako ng sa akin sa labas, you can have it." He suddenly asked at agad din naman akong umiling.

"Ah...hindi kasi ako kumakain n'yan." I hesitatingly said. Sa katunayan ay kumakain naman ako, but I don't them too bother about me anymore or feel awkward while eating.

Iris laughed. "Sabagay, mukha ka naman talagang hindi kumakain ng ganito."

I awkwardly smiled again at parang gusto ko nalang umalis dahil pakiramdam ko ay may naiisturbo akong...date?

I'm not sure though but it felt like it. The way she looks at him and talks to him...I could say that she has feelings for him.

O baka naman kakabasa ko 'to ng wattpad?

I sighed. Kailangan ko na talagang umalis para linawin ang isip ko, masyado ng kung ano ang tumatakbo eh.

Nahihiya akong lumingon sa kanila at sinubukang ngumiti bago magsalita.

"Uhh...kailangan ko na kasing umalis."

Iris smiled. "Okay ka na ba? I mean...you know the way home naman?"

Tumango ako. Hindi naman problema 'yon, I can use google map naman o 'di kaya ay magpasundo nalang sa driver.

"Ihahatid na kita sa sakayan." He suddenly offered at gulat akong napatingin sa kanya, pati rin si Iris.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon