Chapter 12

949 36 2
                                    


Sorry? Sorry for what? Sorry for ghosting me? Sorry for breaking his promises? Sorry for everything?

Iyon ba?

Sorry? Ano pa ba ang magagawa ng sorry? Would it change what happened in the past? Would it take away all the pain that's stuck inside my heart?

Mabubura ba no'n ang katotohanang nagsinungaling siya at niloko niya ako?

I cried thinking of what I've been through. Siguro masasabi ng iba na ang OA ko naman, na nakilala ko lang naman siya online pero naattach na ako ng sobra, others may say na marami pa naman d'yang ibang pwedeng maging kaibigan att maghanap nalang ako. But no! It wasn't easy for me! Kasi kahit na sa online ko lang siya naging kaibigan ay itinuring ko siyang mahalaga sa akin, minahal ko siya bilang tunay na kaibigan, and yeah, I expected too much. Kasi hindi naman ako naghahanap ng kaibigan na pansamantala lang, I wanted it to be forever.

Kung sa iba ay madali lang 'yong salubungin, well, it's different for me. After all, we all have different stories and tolerance.

I thought he's going to explain his side earlier but it looked like he doesn't even plan of doing that, kung kaya't umalis na ako dahil nasasaktan nanaman ako. At oo, nasasaktan din ako na marinig na wala siyang matinong rason kung bakit niya ginawa 'yon, ayaw kong marinig na ginawa niya 'yon dahil trip lang niya.

My ego's already too low...baka wala ng matira sa akin.

Ilang araw din akong lumiban dahil sa pinagdadaanan ng pamilya namin. Hindi pa nalalaman kung sino ang bumaril kay dad dahil sira ang CCTV sa area na 'yon but dad said na may dumating bago siya mawalan ng malay, at ang sabi niya ay witness daw 'yon sa nangyari. The investigators tried to find out about that witness pero dahil sa sinadyang sirain na CCTV sa area na 'yon ay nahirapan din sila. Another thing is, dad's kind of thinking that the shooting was kind of related to his close friend's death, Richard Dela Cruz's case.

Lagi akong nasa ospital no'ng mga sumunod na araw, umuwi rin si kuya at ate pero bumalik din agad sila dahil kailangan. Kaya kami lang ni mom ang natira para magbantay kay dad.

"Hey, man."

May bisita ulit si daddy, isa rin yata sa mga kaibigan niyang businessman, my eyes widened when I saw who's with him.

Ranielle Dela Cruz, the daughter of the late Richard Dela Cruz, and I guess the man is her uncle.

I actually already know her when we're young pero mahirap siyang lapitan at nahihiya rin ako. She has the aura na nakaka intimidate talaga. She looks so classy with her designer shoes and bag, pati 'yong dress niya na Dior ata.

She looked at me and bowed her head slightly, gano'n din ang ginawa ko. Dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ay lumabas muna ako at umupo sa upuan na nasa labas ng room ni dad.

I sighed and leaned my head on the wall.

It's been days since I last saw him at ngayon ay iniisip ko na kung ano ang pwede kong ibigay na valid reason kung bakit aalis na ako sa org, because I'm really going to quit now. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya kayang pakisamahan pa. Not that he's treating me badly, kundi ayaw ko ng lumala ang confusion ko sa nararamdaman ko.

I'm scared and worried for myself. I wanted to protect my heart from getting hurt again.

The door creaked and I saw the classy Ranielle. Umusog ako dahil baka gusto niyang umupo.

"Thank you."

Ngumiti ako sa kanya, gusto ko sanang makipag-usap pero bigla rin akong naintimidate kung kaya't hindi ko na itinuloy. Hindi ko naman inakala na siya pala ang unang kakausap.

Ghost in the PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon