09

4 5 0
                                    


Hotel.

"Cely!" Pagtawag ng mga kaibigan ni Ate. Agad naman siyang lumapit at yumakap. Hindi ko alam na sa iisang kwarto pala ang kinuha ni ate. Nakita ko naman sina Haines at Yadiel, kaya agad naman akong lumapit sa kanila. Sumunod din sa akin si Aitana.

"Sabi sa'yo magkikita ta'yo, e." Yadiel smirked.

"I thought you're tired?"

"Not really." Agad naman kaming umupo. Lumapit naman si Aitana kay Haines. Binigyan naman kami ng mga inumin. Lumipat din si ate rito para kumustahin ang dalawa.

"Tagal ko ka'yong hindi nakita!" Aniya at umupo sa tabi ko. "Kumusta?"

"Maganda pa rin..." Haines chuckled. Nag-apiran naman sila ni Ate.

"Ikaw, Diel? Balita ko malaki ang pasahod sa'yo ni Mr. Silverio, a?" Ate chuckled.

"Hindi naman..." He chuckled. Parehas naman silang natawa ni Ate. Sumandal naman ako sa balikat ni Yadiel, nang natapos ko nang inumin ang binigay na wine.

Napatingin naman ako sa may bandang pintuan, nang bumukas 'yon. I saw Eliel, Lican... And Irina? Why she's here? Akala ko ba magkikita sila ni Lican?

Napadako naman ang aking mga mata sa kamay ni Lican na nasa baywang ni Irina. Napalunok ako at kinuha ang iinumin ni Yadiel. "That's mine..." Napatingin ako sa kanya. Isang baso naman 'yon, kaya tinirahan ko siya. Lumipat naman ng upuan si Haines at sa tabi ko pumwesto.

"Nakikita mo ba ang nakikita ko?"

"Alangan! Pareho ta'yong may mata, e..." I said. He laughed mockingly.

"Gaga! Look at Lican's hand..." He whispered. "Is on the girl's waist." Tumingin naman ako sa kanya. Napansin niya rin pala 'yon?

"Pansin mo 'yon?"

"Oh, yes, darling!" Aniya. "Baka maging friend-in-law ko 'yan!" He winked at me. Napailing nalang ako. Tinignan nalang namin sila na kinakausap na si ate. Lumapit din si Aitana roon. Close rin pala sila? Ba't hindi 'ko alam?

Ate hugged them, including Irina. I didn't know that they were close...

"Makikichismis muna ako sa kabila..." Ani Haines at ngumiti sa akin. I sighed. Humiga naman ako sa kandungan ni Yadiel. Kung kanina, ay naka-de-kwatro siya, ngayon naman ay binago na niya dahil nakahiga ako. Pinalo niya naman ang aking kamay na naglalakbay sa dibdib niya.

"Ang malikot na kamay..." He whispered and I chuckled. Hinawakan niya naman 'yon, para matigil ang paglakbay ng aking mga daliri sa dibdib niya. "Paano nalang kaya kapag nalasing ka, baka kung ano pa ang gawin mo sa akin..."

"Atleast, sa'yo ko lang magagawa..." I winked at him. Napabuntong hininga naman siya, dahilan kung bakit ako nagtaka.

"Dios ko po... Wag naman ho sana..." Bulong niya, dahilan kung bakit ako napahalakhak.

"Kidding... Eto naman, hindi mabiro... Kinabahan agad." Ani 'o at sumandal sa dibdib niya.

"Alalahanin mo, may gusto pa akong balikan sa aking nakaraan."

"Talaga? Babalikan mo?"

"Hindi na pala..." Aniya, parehas naman kaming natawa. Tinawag ko naman ang waiter na bigyan ako ng alak, but Yadiel disagreed. "Wine please..."

"Joke lang naman 'yong kanina, e!" I pouted.

"Mahirap na, baka totohanin mo..." Aniya.

"Pangit kabonding..."

"Baka ikaw pa nga ang mag-drive kina Arcely, pauwi..."

"Dalhin 'o sila sa condo, tutal medyo malaki naman 'yon..." We both laughed.

I Will Never Give Up On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon