17

1 0 0
                                    


Body.

"Bakit parang ang lungkot mo ata today?" Pagtatanong ni Haines, nang natapos kaming kumain. It's been six days since he left. Bumalik ang lahat sa dati, panahong wala pa siya at nag-iisa palang ako. He's busy, so I don't know how is he there.

"Hindi naman, a?"

"Ok, tulala nalang. Bakit ka tulala?"

"May iniisip lang..." I looked away, when he tried to make eye to eye contact with me.

"Share mo naman!"

"Tara na... I'm getting late." Ani ko at nauna nang tumayo.

"Hoy! Saglit!" Sigaw niya.

"Ano kaya, bar nalang ta'yo?" Pagtatanong ni Haines sa akin nang mag-uwian na kami. "Let's go party, party!" Dagdag niya. Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa lakas ng boses niya.

"Ingay mo, look... Pinagtitinginan ta'yo." Ani ko at tumingin pa sa paligid, saka tumingin sa kanya. He rolled his eyes.

"Ano naman? They don't know us!" Bulong niya. "Dahil batas ako, mag ba-bar ta'yo..." I frowned. Magsasalita pa sana ako kaso lang ay naunahan niya ako. "Wala nang hi-hindi... Bye, friend!" He waved his hands at me, before he walked away.

Gâgong 'yon.

Kinagabihan, ay nag-bar nga kami. Kasama si Yadiel. "Actually, si Yadiel talaga ang nagyaya na mag-bar ta'yo!" Panimula ni Haines, habang umiinom kami. Napatingin naman ako kay Yadiel na inom lang nang inom at hindi nagsasalita.

He looked at me. Gulo na ang buhok niya, nakabukas ang dalawang butones ng suot niya, nakatupi rin hanggang braso ang suot niya, at ang namumula niyang labi ay basa dahil sa pag-inom niya. "Ikaw?" Pagtatanong ko. He nodded. "Why?"

"They broke up—"

"Gâgo, hindi." Yadiel cut Haines' words.

"Oh, edi ano?"

"Misunderstanding." Aniya.

"Ano ba 'yan! Hindi pa naghiwalay!" Napatingin naman kami kay Haines. "S'yempre joke lang, baka sabunutan niyo pa akong dalawa..." Aniya. "Ano bang meron? Bakit hindi ka'yo mag-usap?"

"We need a break." He scoffed.

"Gâgo! Kwento mo kaya nang buo, detailed! Para alam namin!"

"Basta 'yon na 'yon, tapos ang usapan." Aniya at ininom ang hawak niyang baso.

"Slowly, Diel... Magmamaneho ka pa ata..."

"Don't mind me..." Aniya at umiling. "How 'bout you?"

"Ako?" Tumingin naman silang dalawa sa akin at tumango.

"Haines said, you're thinking something..." Aniya. "What is it?"

"U-uh... Nothing... It's just about school works." Sabi ko, saka ininom na ang nasa baso na hawak ko. Agad naman nag-iba ang topic at kung sa'n-sa'n na napunta. I opened my phone, to see if he already replied or call me... But still... Wala pa rin.

I tried to rang his phone... To see if he will answer. Ilang ring 'yon, bago 'yon sinagot. "Excuse me." I said at tumayo na para kausapin si Licante. "Hello?"

"Graziana?"

"Eliel?" Nanlaki ang mata ko nang siya ang sumagot. Don't tell me, na sa kanya ang selpon ni Licante? Shit!

"Gâgo! Akin na 'yan!" Rinig ko na boses sa background. "Hello?"

"Licante—"

"I'm sorry, I didn't know that Eliel was holding my phone." Aniya. "What is it, Baby?"

I Will Never Give Up On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon