27

1 0 0
                                    


27

"Maam, pinagkakaguluhan ho ang inyong pabango sa ibang bansa! Lalo na rito!" Ani Shriana, nang nakapasok ako ng kompanya. Ginamit ko ang day-off ko, para makapasok ng kompanya. "But, Maam! I missed you!" Agad na bungad sa akin ni Suri, habang naglalakad ako sa hallway.

"Hmm! Na-miss..." I rolled my eyes. "Hindi ka ba nasiyahan na si Mr. Hernaez ang naging boss mo?"

"Tahimik, Maam... May maririnig ka nang mga kuliglig kapag nasa loob ho ako ng opisina niyo. Parang ang illegal ho mag-ingay..." Aniya, habang nakalukot ang mukha. "Tapos parang hindi tumatawa, hindi rin ngumingiti." Kwento niya.

"Gwapo, pero tahimik talaga, Maam... Paano niyo ho 'yon natagalan?"

"How did you know?"

"Ah, eh... Hehe..." Aniya at nagkamot pa sa ulo niya. "Pero alam niyo, Maam! Never kong nakitang umupo si Sir Hernaez sa upuan niyo ho..." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Oh, edi saan siya nakaupo?"

"Sa sofa po..."

"Sa sofa?!" Pagtatanong ko, at pumasok na sa loob. "E, ang baba ng mesa sa gitna?"

"Eh... Hindi ko ho alam... Trip niya ho siguro?" Aniya, habang nag-iisip pa. Tinignan ko naman ang mesa ko, at parang hindi nagalaw ang mga gamit na nakalagay rito. "Ah, sige, Maam... Work na me!" Dagdag niya at lumabas na.

Malinis ang opisina at maayos lang din naman ang sofa... Baka nilinisan niya bago siya umalis? Baka... Edi kung gano'n, marunong pala siya maglinis?

Hapon na nang umalis ako sa kompanya at tinignan ang mga branch. Nakita kong puro pila ang naroon. Kahit saang branch ako pumunta. Nag-ikot-ikot na muna ako, at maya-maya rin ay pumunta na sa opisina. Sa labas palang ay nakikita ko nang pilahan.

Pumunta nalang ulit ako ng kompanya, dahil tahimik. Tinatawagan ko naman si Ate Kay para kumustahin ang kompanya, ngunit hindi sumasagot. Kaya binuksan ko nalang ang account ng Fragancia. Maraming notification at karamihan ng nakikita kong story, ay puro pila o kaya naman ay nakabili na sila.

Maya-maya, ay pumasok si Suri. "Maam, may bisita ho ka'yo." Aniya, habang nakangiti. Anot hanggang tainga ang ngiti.

"Papasukin..." Ani ko. Napatayo ako nang nakita ko si Lican, "what are you doing here?"

"I heard na mabenta raw ang Fragancia?"

"Well, yes... Ano? Nakabili na ba ang best friend mo?" Walang ganang pagtatanong ko.

"No, sa susunod na araw nalang daw, o kaya kapag may bago nalang." Tumango-tango ako sa sinabi niya.

"Suri said, hindi ka raw umuupo rito?" He shook his head.

"No."

"Why?"

"Nothing... Let's go, may kikitain pa ta'yo." Aniya at tumayo.

"H-huh?"

"Sino?"

"Mr. Fontanez, he's waiting for us."

"I'm doing something."

"You can do it later."

"The Fragancia—"

"Five minutes, Siobhan." Aniya at lumabas na. So, ano ako? Magsusunod-sunoran? Sabi ko nga, tatayo na. Napatingin naman ako sa kanya nang nakalabas na ako. Nakasandal lang siya sa pader, while crossing his arms.

I Will Never Give Up On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon